Paano ko nga ba sisimulan ang larong ito? Maliban sa wala akong alam sa larong ito, tadhana rin mismo ang kalaro ko at kahit saang anggulo tingnan talong-talo ako sa larong pag-ibig.
Sa murang edad masasabi kong tinamaan ako ng pana ni kupido ang masaklap pa ako lang ang pinana nya.
Kaya ako lang ang nagdusa, ako lang ang lihim na nasasaktan at lihim na umiibig.