Wag nalang
"Class for your physical Activity magkakaroon tayo ng grupong ballroom dance."
Huling subject ng klase ay Mapeh at ito nga nasa P.E kami ngayon. Nagkakagulo ang mga ka- klase ko dahil sa Activity.
Ako naman tahimik lang wala naman akong talent sa nga ganyan mas pipiliin kong magbasa o magsulat kisa sumayaw sayaw.
"Ilang grupo po Ma'am?" Tanong naman ni Allen isa sa mga top ng klase.
"Ako na ang bahala roon."
Ang guro namin ang pumili ng magkakapareha kaya walang nging angal sa bawat pareha.
Nagsimula kaming mag usap patungkol sa music at sayaw na gagamitin.
"Fireball nalang?" Si Allen ang syang naging kapareha ko kaya ayos lang sa akin dahil close naman kami at komportable ako.
"Ayos lang sakin." Sagot ko dahil wala naman talaga akong intires sa mga ganito.
"Okay na din samin." Sumang ayon ang grupo kaya kaagad rin kaming nakapag- practice kinaumagahan.
"Sa tingin ko mahirap ito hindi mo yata ako kayang buhatin." Natatawa akong umiling sa isang step na kilangan buhatin ang babae.
"Subukan muna natin." Saka nya ako binuhat.
"Teka lang naman, oy!" Parang nahulog pa yata ang atay ko sa pagkakabuhat nito.
"Baba mo ko Allen." Tuwang tuwa pa ito sa reaksyon ko kaya sa huli ay natawa rin ako.
Nang ibaba ako nito ay hindi sadyang nahagip ng mata ko si Jaze sa may bandang gilid nakamasid sa amin.
Seryoso ang mukha at tahimik itong nakasandal sa dingding ng classroom ngunit kalaunan ay ngumisi rin ito.
Agad namang kumabog ang dibdib ko sa ngising iyon. Medyo malapit sya sa amin kaya dinig ko parin sya.
"Ako nga masubukan kung kaya kita." Sandaling natigilan ako pero agad ring nakabawi at ngumiti sa kanya.
Pilit na itinatago ang kiliting na nanalaytay sa kalooban gaya ng nakagawian ko.
"Sige ba." Natatawa kong sagot sa rito at inilahad ko pa ang kamay.
Masaya sa inakalang totohanin nito ngunit sa huli nasaktan lang ako.
"Wag nalang."Sandaling nawala ang ngisi nito pero ibinalik rin agad.
Mabilis syang tumalikod sa akin nakagat ko na lamang ang labi.
Ano bang ginagawa mo Jaze? Kung saan pinipilit kitang hayaan at kalimutan ang pakiramdam na ito saka ka naman gagawa ng dahilan para pukawin ito.
Inis na ikinuyom ko ang mga kamay. Nakakainis! Naiinis ako sa hindi malamang dahilan.
Nang mga nakaraang araw ay hindi ko sya masyadong napansin kaya magaan ang mga araw ko.
Isang malalim na paghinga at humarap nalang ako sa aking ka grupo.
Matamis na ngiti ang nakapaskil sa mukha sa harap ng mga taong walang kamalay malay sa nararamdaman ng katulad ko.
" Ulitin natin para maayos na."
Unulit namin ang practice ngunit lutang na ang isip ko.
Simpling bagay lang ang mga ginawa ni Jaze, sinadya man o hindi ay malaking epekto iyon sa akin.
Ito yata ang maganda kapag one sided love dahil bawat simpling gesture ng taong napu-pusuan mo maaalala mo kasi alam mong hiram lang ang mga bagay na iyon at hindi na mauulit pa.
You will treasure it kasi hindi panghabang buhay ay makakabuo ka ng mga alaala kasama sya.
Maski biro siguro ay se- seryosohin mo.
---------M.L.
Mahaba itong chapter hihi😁
One sided love nananana
Please vote po😇
Grazi,