Siguro
Sabado ng maiwan kami ni Lynand dito sa bahay dahil may pinuntahang negosyo ang mga magulang namin.
"Twiny, may sasabihin ako." Nag angat ako ng tingin kay Lynand.
Pag nasa bahay lang ay ganyan ang tawag nito sa akin.
"Masakit to pero sa tingin ko mas mabuting malaman mo agad."
Kumunot ang noo ko sa pag aalangan nyang sabihin iyon. Medyo kinabahan rin ako.
"Ano naman?"
"Amm...kasi diba nililigawan ni Jaze si Cristine?" Sa totoo lang ang sarap sapakin ng kapatid kong ito.
Masamang titig ang ipinukol sa kanya. Tama bang ulit ulitin ang topic na iyon?
"Ano namang kinalaman ko doon?"
"Nililigawan syempre alam nating sasagutin kaya..." Tinitigan nya ako ng mariin inaarok ang emosyon ko.
"Sila na." Isang buntong hininga ang binitawan ko matapos sabihin ang dalawang salita.
Gumuho agad ang mundo ko, parang tinutusok rin ang puso ko. Inaasahan ko na ang bagay na ito pero subrang hapdi parin pala kahit alam mo sa una palang. Masakit parin.
"Wag kang iiyak." Natatawang saad ng ka- kambal.
Uminit ang gilid ng mga mata ko kaya napasinghap ako. Pigil hiningang tumitig ako sa mga matang sumasalamin sa kulay ng sa akin.
"Masakit Ly sobra, I'm just fifteen pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat mababaw lang? Pero bakit sobrang lalim ata ng sugat?" Tuluyang umalpas ang isang butil ng luha tahimik at walang hinaing.
Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata ng kakambal ko. Sa unang pagkakataon ay nakita nya akong nasasaktan, tahimik na nasasaktan.
Blangko ang titig na ibinigay ko rito habang matiim naman ang sa kanya at kunot ang noo. Lito.
"Sabihin mo, hindi lang isang simpling paghanga ito hindi ba?"
Lumunok ako at yumuko halos hindi alam ang sagot sa tanong na iyon.
"Mahal mo ba sya? Impossible, masyado ka pang bata."
"Siguro Lynand pero ganoon e." Nag angat ako ng tingin sa kanya.
Ngumiti ako kasabay ng mapait na luha. Walang lubos na paliwanag na pweding e- ayon sa nararamdaman ko ngayon.
Lumapit ang kakambal ko saka ako niyakap ng mahigpit.
"Ayos lang yan maghihiwalay rin naman sila." Sinapok ko ito ang akala ko pa naman ay matino sya ngayon.
"Wala kang kwentang kausap."
"Don't take anything seriously twiny masasaktan kalang." Ngumuso ako nang bumitaw ito sa yakap.
"Talaga? Kaya nagkalat ang girlfriends mo dahil you don't take it seriously. Kakambal ba talaga kita?"
"Di naman ah." Ngising saad nito.
"Pero wala ka ng magagawa kung ako ang kakambal mo sumiksik ka sa tyan ni mama e." Dugtong pa nito na ikina iling ko naman.
Wala na yatang ititino itong kapatid ko. Tinuyo ko ang mga pisnge.
"Salamat palagi kang mangtupak kaya napapatahan ako." Proud itong ngumiti sa akin ipinagmamayabang ang tupak nya.
Gaano man kapasaway ang kapatid ko ay mahal ko parin ito ni minsan hindi nya hinayaan umiyak lang ako.
Palaging nandyaan sya at palaging bukas sa akin.-------End