Kamay
Dahil wala na naman ang guro namin at busy ang lahat sa kanya kanyang mundo nila , ito naman ako gaya ng nakagawian ko kapag wala akong magawa nagsusulat ng kung anu-ano sa likod ng kwaderno.
Napatingin ako sa kanang braso ko ng maramdaman ko na parang may gumuhit doon.
"Ay...naman", kunot noo kong hinaplos-haplos ang guhit ng itim na ink sa braso ko saka ko naiinis na tiningnan ang isa pang walang magawa na ngayon ay may ngiting asong nakatingin sakin.
Nawala yata inis ko dahil doon.
"Aba natanggal agad?", nakatingin na ito ngayon sa braso ko na ang namumulang guhit nalang ang natira wala na iyong ink ng ballpen.
" Syempre naman ", may pagmamalaking sagot ko dito.
" Akin na kamay mo", nagtatakang tiningnan ko ito pero inilahad ko parin angpalad ko , kinuha nya ito at agad Kong naramdaman ang kakaibang init ng kamay nito.
Hindi ko alam kong bakit pero parang nabuhay ang happy hormones ko.
"Ano namang gagawin ko dyan?", taas kilay kong tanong dito.
Hindi ito sumagot o nagsalita imbes ay nagsimula na itong magsulat sa palad ko sinilip ko naman ang isinusulat nito.
Ang buong pangalan ko pala iyon napansin ko din ang sulat kamay nito maliliit at dikit na dikit ang bawat letra kaya natawa ako.
" Ang pangit ng sulat kamay mo ang liliit", natatawa kong sabi dito habang nakatingin sa sulat kamay nito.
"Para namang maganda ang sulat kamay mo?", ng hahamon ang tunto nito kaya hinarap ko ito.
" Oo naman noh, akin na kamay mo", inilahad nya ang kamay at kinuha ko naman iyon saka isinulat ang buong pangalan nya.
"Tinignan mo", saka ko binitawan ang kamay nya agad ko namang naramdaman ang munting lungkot dahil doon pero itinago ko iyon gaya ng interes ko dito.
" Ide ikaw na", natawa ako sa sinabi nya, napatigil lang ako ng kinuha nya ulit ang kamay ko at pinisil-pisil iyon.
"Malambot ang kamay mo, anong ginagawa mo sa bahay nyo?", Hindi ko alam pero gusto kong hawak nya ang kamay ko nakakagaan sa pakiradam.
" Sekretong malupit", nakangiti Kong sagot sa kanya, kumunot ang noo nito saka tumaas ang gilid ng labi nito.
"Sa tingin ko wala dahil mahahaba at alaga ang mga koko mo", sabay tingin nito sa mahahaba at makukurting mga koko sa kamay ko.
" Naglalandian na naman kayo?", napatingin kami sa kakambal kong bigla yatang naligaw dito sa gawi namin.
binitawan Ni Jaze ang kamay ko agad among nakaramdam ng inis sa kakambal ko kasabay ang panghihinayang pero pinilit Kong itago iyon at palitan ng nagtatakang mukha sinigurado Kong iyon ang mababasa ng kakambal ko sa mga mata ko.
"Nag-iikot kana naman?", tanong ko sa kakambal ko masyado kasi itong malikot kabaliktaran ko na halos hindi na aalis sa upuan ko.
" Nah wala kasi akong mapagtripan eh", iginala nito ang mga mata at biglang nagliwanag ang mukha nito sinundan ko ang tingin nito at napangiwi ako ng makitang tinitingnan nito ang isa naming kaklasing babae.
"Ituloy nyo na ang naudlot nyong landian may lalandiin ri ako", nakangising sabi Ni Lynand at mabilis nanaglakad papunta sa gawi ng lalandiin nya kuno narinig ko namang tumawa si Jaze.
" Babaero rin iyang kakambal mo anoh", sabi nito, napatingin ako sa kanya nasa kakambal ko parin ang tingin nito.
"Parang ikaw hindi kung alam ko lang ganoon ka din" gusto ko sanang sabihin pero parang Hindi naman tamang husgahan ko sya ayon sa naririnig ko lang sa iba.
Ang lalaking ito alam kong sa una palang Hindi na simpleng paghanga ang nararamdaman ko dito, Oo hinahangaan ko sya sa di Alam na dahil halata naman at kunting kalabit nalang mahuhulog na ko at iyon ang ikinakatakot ko.
Awtors note;
Heyy...guyshoo!!!
Wuts up again? Hope you like this part please keep reading... Mwahh
Please comment below guyshoo if you like it. GraciasYour antuking awtor Sleepydysoh.