Capitúlo Nueve

7 7 0
                                    

Selos

Kalagitnaan ng Oktubre at medyo abala na kami sa nalalapit naming pagsusulit. Pero syempre na- e- singit parin ng iba ang love life nila.

Ito nga at nagkakabukingan at asaran na sa klase. Ako naman walang paki alam sa bagay na iyon pero may isang nakakuha ng atensyon ko.

"Si Jaze at Cristine rin couple." Sigaw ng isa kung ka- kalse.

Nag angat ako ng tingin dahil doon habang isang malakas na "ayiee" ang naging kasunod.

Umiling ako at ngumiti gaya ng dati kunwari nakikisabay sa asaran. Saka ko din napansin ang bakanteng upuan ni Jaze at nasa kabilang grupo na sya nakaupo.

Nakaramdam ako ng inis kasabay ng kirot sa puso. Bakit kilangan nyang lumipat pa? At may girlfriend na pala sya?

Gusto ko mang hawakan ang bandang puso pero pinigil ko nalang baka may makakita pa at isiping may gusto ako sa kanya. Pero meron nga ba? Hindi ko rin alam.

Bago ang lahat ng ito sa akin, bata pa ako wala akong alam sa ganito.

Pero isang bagay ang hinala ko. Nagseselos ba ako? Nasasaktan? Ganito ba talaga kasakit to?

Parang gusto kung sabihin sa kanila na "Oy, tama na may nasasaktandito" pero hindi pwede iyon. Hindi ko ipapangalandakan ang bagay na ito. Mas pipiliin kung kimkimin ito kisa ipaalam sa iba.

Ang hirap mag kunwaring ayos lang at ngumiti habang s loob- loob mo nasasaktan ka na pala.

Bakit kasi ako umasa? Alam ko naman sa umpisa palang na walang kweta ang bagay na ito.

Parang gusto kung maiyak pero hindi pwede dahil hindi ko hahayaang basta nalang isang Jaze Aled Parreño ang mag papaiyak sa akin.

Bata pa ako mawawala rin ito.



her Love for J  -under Major Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon