Na mention
Naka upo na kaming lahat at nasa harap na ang aming guro nagche-check ng attendance namin para sa araw na to. Nitong mga nakaraang araw masasabi kong naging malapit kaming magkakatabi.
"Lyn, basahin mo to oh", may inabot si Anne na kwaderno sa akin kinuha ko iyon at binasa ng tahimik ang isang bahagi room.
" Ang tunay na gwapo Hindi manloloko baliktarin natin, ang manloloko di tunay na gwapo".
Napangiti ang sa nabasang quote , sa to too lang ginawa na naming libangan ang pagsusulat ng mga hugot at quotes. Yong tipong kala mo broken at bitter kami.
"Ano yan?", Bumaling ako kay Jaze na kasalukuyang nakataas ang gilid ng labi habang nakatingin sa akin at syepre nginitian ko sya saka ko iniharap sa kanya ang kwaderno.
" Basahin mo to Jaze", Hindi mapuknat ang ngiti ko sa hindi alam na dahilan , itinuon nito ang atensyon sa hawak kong kwaderno at tahimik na binasa ang quote na itinuro kong basahin nito .
"Perez at Rivera palagi ko ng napapansin iyan", sabay kaming napatunghay at napatingin sa guro namin sa harap ,Alam ko namang hindi ito galit samin pero ito ang unang pagkakataon na namention ako at sadyang nakakahiya.
" Ano yon Ma'am? ", nakangiting saad ng kakambal ko sa guro namin.
" Hindi ikaw Lynand, si Lyndsay at Jaze ang tinutukoy ko", at sa puntong ito biglang natuon ang buong atensyon ng mga kaklase ko sa amin. Napa ayos kami ng upo at tiniklop ko ang kwaderno saka ipinatong sa arm chair ko.
"Ayiee", narinig ko iyon sa isa sa mga kaklase naming babae naging dahilan iyon para uminit ang pisnge ko, mabilis pa naman akong mamula kapag nahihiya o tinutukso at ito nga at nangyayari na ,dahil din doon tinukso narin kami ng iba pang kaklase. Ang galing lang talaga nila manukso eh.
" Ikaw kasi", narinig kong nagsalita si Jaze kaya tinignan ko sya nakaharap ito sa unahan at hawak ang kanyang ballpen napansin ko agad ang matangos nitong ilong .
"Anong ako ka dyan?", depensa ko sa sarili saka humarap sa unahan.
Na tapos ang tuksuhan at nagsusulat na ngayon ang guro namin kaya nagsimula narin kaming magsulat.
" Kung anu-ano kasi ginagawa mo", Sagot ni Jaze habang tuloy lang ang pagsusulat ko.
"Nagtanong ka kaya", tumingin ako sa kanya sakto ring tumingin ito sa akin, nagkatitigan kami at agad akong nag iwas ng tingin.
Naalala ko noong nasa grade 8 pa kami ako ang nagsusulat sa kwaderno nito kasi tamad itong magsulat at dahil honor student ako nauuna ang pagsusulit namin kaysa sa kanila kapag nasa huling grading na. Kaya nasusulatan ko ang kwaderno into ng mga lessons na hindi nya naisulat cheni-check kasi iyon ng mga guro namin.
At kung may pagkakataon kinukulit ako nito sa past kuno namin noong grade 6 pa kami na wala naman talaga buti noon hindi kami napapansin katulad kanina.
Totoo namang lagi kaming nagkukulitan Hindi nya din kasi kinakausap iyong bago naming kaklase na katabi nya lang kaya siguro ako ang napagtripan nito dahil matagal narin kaming mag kaklase.
" Magsulat ka naman", sabay lingon ko sa kanya.
"Tinatamad ako", saka nya ipinatong ang mga braso sa arm chair nya at ipinatong ang kanyang ulo roon malamang matutulog na naman ito.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdam.
Note ng antuking awtor,
Hi again gushooo....
Here I am again kakagising lang, chareyot lang :)
So, I updated again and I really hope you people will like my story.
Gracias:) just keep reading people nagsisimula palang tayo... and let's follow each other's account. MwahhhAng inyong antuking awtor , Sleepydysoh.