Capitúlo Uno

31 12 0
                                    

Katabi

Unang araw ng skwela kaya abala sa paglilinis at pag-aayos ang mga istudyante at guro syempre sino naman ang aasahan naming maglinis samantalang nasa pambublikong paaralan lamang kami pumapasok dito sa probinsya.

"Parang kilan lang nasa grade 8 pa tayo pero ngayon grade 9 na tayo, ang bilis ano?", naagaw ang atensyon naming tatlo dahil sa sinabi ni  Anne na kasalukuyang nagwawalis ng sahig, apat kaming matalik na magkakaibigan , si Anne ,Chris, Aya at ako si Lindsay.

" Kunting kembot pa grade 10 na tayo ", nakangiting tugon ni Aya na nagpupunas ng bintana.

" Buti nga dahil nagmamadali along grumaduate ", sabi ko sa kanila habang tuloy ang pag- aayos ko ng mga upuan dahil maya-maya lang magsisipasukan na dito sa classroom ang mga kaklase namin.

" Bilisan nyo kaya andyan na sila", pumasok naman si Chris na kakatapos lang magdilig ng mga bulaklak sa harap ng classroom, kami kasing tatlo ang naiwang maglinis ng classroom samantalang yong iba sa labas naatasan.

Maya-maya pa at saktong natapos ang paglilinis namin ay nagsipasukan ang mga kaklase namin, may mga bagong mukha pero iilan lang at puro babae yong iba naman mga Hindi na naka move on sa grede 9 at pabalik- balik lang pero... iisang mukha , iisang tao lang ang hinahanap ng mga mata ko at tuon ng atensyon ko at ito na sya papasok na ng classroom huli pang dumating dito sa paaralan ang crush ng campus si Jaze Aled Perez.

Naka simpling puting damit , among na pantalon lang ito na pinarisan ng pinaghalong puti at itim na sapatos ang buhok naman nito  ay malinis ang gupit sa gilid ngunit medyo may kahabaan sa bandang itaas nito,  nakasukbit din sa kanang balikat nito ang isang pinaghalong itim at asul na packbag may naka pinta pa ditong "Wilson" at syempre ang pinaka sa lahat, ang kanyang nakakalokong ngiti. Gwapo ito at sadyang may appeal.

Nakipag- batian agad ito sa mga kaibigan at kaklase sakto ring pumasok ang bagong adviser namin si Mrs. Padilla ang asawa nito ay isa ring at subject teacher namin  sa Araling Panlipunan.

Pagkatapos ng batian at pagpapakilala ng aming mga sarili ay nag pasya si Mrs. Padilla na ayusin ang arrangement ng mga upuan namin napunta naman ako sa ikalawang row bago panghuli, katabi ko ang balik grade 9 kong kaklase sa kaliwa ko at katabi nya naman ang kaibigan kong si Chris habang si Anne ay nasa bandang harapan ko at si Aya naman ay nasa kabilang banda na punta  pero ang hindi  ko inasahan na sa kanan ko pala naka- pwesto si Jaze katabi nya yong bagong salta.

"Buti magkalapit parin tayo Lyn", sabi ni Chris naikinangiti ko naman.

"O'o nga eh", balik na sagot ko humarap naman samin si Anne na nakangiti din.

" Andito din ako", masaya nyang saad sabay kaming tumingin sa isa naming kaibigan na si Aya, natawa kami ng makita itong naka pout sa amin.

"Hahah ang layo nya", panunukso ni  Chris rito.

" Ang daya naman", medyo sigaw nito  amin natawa lang ulit kami.

Mga ilang biruan pa at tumigil na din kami buti at hinahayaan kami ng guro namin dahil unang araw naman at syempre dating gawi naman ako tahimik na kaupo at kaharap ang kwadernong wala pang sulat hawak ang itim na ballpen binuksan ko ang kwaderno at isinulat ang buo kong pangalan.

Lindsay Gachallian Rivera - at ang pangalan ng aking  Guro.

"Hi Lyn", alam ko na Kong kanino ang pinaghalong baritono at medyo maangas na boses nilingon ko sya medyo malayo sya saakin at gaya ng alam ng lahat tiningnan ko sya na parang wala along interes dito.

" Hello ", sa puntong ito naman ngumiti ako at bahagya ring tumaas ang gilid ng medyo mapula nitong labi.

" kumusta? Bakit wala yong kakambal mo?", naalala ko naman ang kakambal ko.

"Ayos lang, si Lynand bukas pa iyon.", saka ako nag sulat ulit.

" Sayang naman at wala sya", tiningnan ko sya pero binawi ko din agad Hindi ko kasi kayang salubungin ang itim nitong mga mata dahil iba ang dating nito sakin.

Author's note

Love lots guyshooo...
Sorry for some errors ,newbie eh
This is my first story here, hope you like it and please follow so that I can follow you back. Gracias:)

I'm your sleepydysoh

her Love for J  -under Major Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon