Panaginip
Sa isang malabong tagpo ay naglalakad ako papasok sa isang bahay pero biglang may tumawag sa pangalan ko.
Litong hinanap iyon ng mga mata ko at natagpuan ang dalawang taong parihong nakangiti ngayon sa akin.
Parehong malabo ang mga mata nila sa paningin ko ngunit kilalang kilala ng sistema ko ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Agad nananuyo ang lalamunan kasabay ng mapait na tibok sa parting didbdib ko.
"Magpapakasal na kami at ikaw sana ang napili naming abay." Umawang ang labi ko sa tinuran ni Jaze sa akin.
Hindi alam ang magiging reaksyon kaya hindi rin ako nakasagot sa kanya.
Masaya sila base palang sa mga ngiting nakapaskil sa mukha. Masakit man ngunit hindi ko ipagkakait ang kasiyahan nila.
Isang lunok ang binitawan ko bago tumango sa tanong nito.
Isang sampal man ito sakin ngunit kapalit ay kaligayahan nya rin.
Harapang katotohanan na kilan man ay hindi sya magiging akin.
"Anak, gising na male- late kayo ng kambal mo."
Unti- unti iminulat ko ang mga mata ko at nasilayan ko si mama na nakatunghay sa akin.
"Ma?" Naupo ako sa kama at agad hinilot ang sintido ko.
"Bumaba kana at kumain." Isang magiliw na ngiti ang ibinigay ni mama bago ito lumabas ng kwarto.
Suminghap ako at tumayo saka naglakad sa banyo.
Binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ang aking katawan.
Panaginip? Isang panaginip.
Siguro tama rin lang na itago ang nararamdaman lalo na kung wala namang patutunguhan simula pa lamang.
Walang mangyayaring kami, meron mang sya at ako pero walang magiging kami sa kwentong ito.
Pero bakit kahit alam ko ng ganito masakit parin? Bakit umaasa parin akong may isusukli sya sa na nararamdaman ko?
Pero sa huli ayaw ko naman ng isang commitment lalo na sa edad na ito kaya wala ring halaga kung suklian man nya.
-----
M.L.
Yehey! Just wanna share lang people na mag co- college na ako!
Exciting at the same time nakakakaba.
Please read and vote my stories people, gracias.
Mwahhh