I love you
Nagkakatuwaan kami Ni Anne habang naglalakad pauwi , kaming dalawa lang dahil malapit lang naman mismo sa pa aralan ang bahay nina Chris at Aya.
"Lumilipad nanaman ang utak natin ", na natatawa kung sabi Kay Anne na nakabungisngis din sa akin.
"Ano pa ba ang aasahan mo", tama naman siya palaging mga walang sense na bagay ang pinag-uusapan naming dalawa pagmagkasama.
" Hi girls", sabay naming nilingon ang bahay na medyo nasa gilid daanan, agad kung inayos ang ekspresyon ng mukha ko ang masayang ngiti ay pinilit kung palitan ng pagkawalang interes sa lalaking may ngiting aso ngayon, pero ang totoo nag huhurumentado na ako at Hindi ko maipaliwanag kung bakit .
"Hi! Jaze", nakangiting sagot Ni Anne Kay Jaze, na wala sa isip ko na dadaan na pala kmi sa bahay nila, tumawa ito sa amin saka ako tiningnan , pinagpatuloy namin Ni Anne ang paglalakad.
"I LOVE YOU Lyn" nabigla ako sa sinabi nito pero agad ko rin inayos ang akin sarili ang Hindi ko nalang siya pinansin. Alam ko namn na pinagtri-tripan niya lang ako bakit ba Hindi pa ako nasasanay eh, Simula pa yata grade 5 pa lang kami palagi niya na itong ginagawa, ang mag I LOVE YOU sakin.
"I LOVE YOU daw ", tudyok ni Anne sa akin , ngayon medyo nakalayo na kami sa bahay nila pinilit kung itago ang mga ngiting pilit na sumisilip sa aking labi.
" Hindi kana na sanay sa isang yon alam mo namang mo naman na lagi akung pinagti-tripan non", pilit kung pag tanggi na Hindi ako apektado ng tatlong salitang iyon.
"I LOVE YOU Lyndsay!", napalingon ako sa sa bahay nina Jaze nakita ko siyang naka ngiting aso nanaman at pumasok na sa loob ng bahay nila.
" kita mo na, malay mo kung totoo naman ang I LOVE YOU ni Jaze", may nanunudyong ngiti sa labi ni Anne habang nagsasalita ito.
Napailing ako nag tatalo ang isip ang puso ko gusto kong maniwala at umasa pero nakatatak na kasi sa isip at sestima ko at alam ko ang ugali ni Jaze mapaglaro ito at kung minsan Hindi nag-iisip kung may masasaktan ba siya sa mga salita niya masyadong pranka kung baga pa.
"Dapat hindi niya ipinamimigay kung kanikanino ang I LOVE YOU niya", kumento ko, naniniwala kasi akong sagrado ang mga salitang iyon.
Awtors note;
Hi! Guyshoo....
Thank you for the reads pepol ,so far ito yata ang pinaka maikling chapter.Thanks nga pala Kay Miss Yeonnie , mwahh
Lovelots guyshoo.Ang inyong antuking awtor, Sleepydysoh...
![](https://img.wattpad.com/cover/199370490-288-k577723.jpg)