Last chapter is dedicated to my dear groups the B.E.T.C.H and WEIRNATICS. Love you guys💞
----------------------------Take your time
Naging mabilis ang usad ng panahon at ngayon ay nasa huling baitang na ako ng senior high.
Lumipat rin kami ng kakambal ko dito sa Cagayan. Hindi madali ang Senior high ngunit naging maayos naman ang takbo ng lahat.
"Paano mo naman nasabing mahal mo sya kasi naman fifteen kalang noon." Natawa ako kay Chrysant isa sa mga naging kaibigan ko rito.
"Yong sakit at selos na naramdaman ko ang naging basehan kasi kung hindi ko naman sya mahal hindi naman ako masasaktan ng ganon." Tumango tango ito sa isinaad ko.
"Basi sa kwento mo feeling ko may gusto sya sayo." Umiling ako kay Dalia.
"Wag kang paasa." Komento ni Jhenrie.
Natawa ako wala kasing ibang paasa kundi ang mga kaibigan mo rin mismo.
"Sinong pinag uusapan nyo?"
"Ay naku, huli kana naman." Umirap pa si Chrysant kay Budz ang kaibigan naming berde.
Naging malapit kami simula ng magkakilala noong grade eleven pa kami kilala rin nila ang kakambal ko na dakilang lakwatsero.
"Mahal mo parin ba sya?" Si Chrysant uli.
Hindi bago ang sagot sa tanong na iyon dahil tumagal man ay ganoon parin.
"Oo naman parang ganito nalang to siguro."
"Pero mali ang sinabi mo sa kanya." Ngumiti lang ako kay Dalia. Mali nga dahil tingin ko hindi pa tamang sabihin ang totoo.
Makalimot man ang puso ko ay panandalian lang iyon dahil ni minsan wala pang tumumbas sa kanya.
Even Allen hindi, we became better friends at naintindihan nya naman at nerespeto ang desisyon kung putulin ang ugnayan naming iyon. I'm a bit guilty dahil parang ginamit ko sya para makalimot pero wala na akong magawa.
Kung balang araw ay may papalit sa kanya dito sa puso ko baka doon ko lang ito makalimutan pero parang malabo yata.
Isang gabi ay naka upo kami ni Lynand sa labas ng bahay.
"One day alam kong magmamahal ka ng iba at higit pa sa kanya." Saad nito napanguso naman ako.
"Kaibigan mo sya pero hindi mo sya gusto para sa akin?"
Lumingon ito sa akin at seryoso akong tinitigan. He might be playful and pasaway pero alam kong mahal ako ng kakambal ko.
"Nag iisa kalang kaya sisiguraduhin ko na mapagkakatiwalaan ang lalaking mamahalin mo. Nobody is deserving for your love sa totoo lang." Napangiti ako sa sinabi nito.
"Thank you for always being there, Kuya." Minsan ko lang syang tawaging kuya at kapag ganon ay sumasaya sya.
Nakangiti namin pinagmasdan ang pagpikit ng mundo at ang pagpahinga nito.
Her love for J was young, stupid and naive but it was love.
Hindi dapat kinu- question ang kakayahan ng sino mang magmahal kasi lahat at kaya itong maramdaman.
Pero bilang isang teenager palang dapat alam natin kung ano mga priorities natin kasi sa huli tayo ang lugi pagnagkami tayo ng pili.
Love will happen at the right time, place and person.
Take your time.
-------M.L.
Sa wakas natapos rin.😊
Abangan nyo ang Book II her love for the Dela Costa, ano naman kaya ito?Sa tingin nyo kayang magmahal ulit ni Lyndsay o jaze parin? Abangan.
Please read and vote tapos chat nyo ako sa fb account ko for your comments and opinion I would love it. Thank you.
Fb: Maria Leona
This story will be under editing soon...
![](https://img.wattpad.com/cover/199370490-288-k577723.jpg)