Capitúlo Ocho

9 8 0
                                    

Akbay

Huling subject namin sa hapon at wala ang guro namin kaya ito kaming apat na magkakaibigan sa likod ng classroom tumatambay dahil may mga rito kaya paborito naming tambayan kapag walang guro o kaya ay break time.

Nakaupo silang tatlo at gumagawa ng kung anu- ano habang nakatayo naman ako sa harapan nila.

Maya maya pa dumating ay lumabas din ang iba naming ka-klase kasama doon si Jaze at Marian.

Katulad ng dati bigla na naman akong inataki ng kaba na palagi lang nangyayari pag andyaan sya o kaya ay malapit.

Nailang rin ako ng lumapit ito sa tabi ko at tumayo rin roon. Tahimik akong nagulat ng ipatong nya sa balikat ko ang isang braso at dahil maliit ako at matangkad sya umabot sa ang kamay nya sa bandang leeg ko.

"Kayong dalawa talaga ba." Komento ni Marian.

Himawakan ko ang kamay ni Jaze at sinubukang tanggalin pero dahil malakas sya ay hindi ko magawa.

Sinubukan ko uli pero wala parin paano nga naman kung half hearted ko namang ginagawa. Kaya sa huli hinyaan ko nalang.

"Kaya ako palaging napapalingon sa inyo dati e nagseselos ako. Crush ko kaya si Jaze noon." Natatawang pag amin ni Marian.

Yon pala ang dahilan ng mga paglingon- lingon nya. Ako naman matagal ko ng crush si Jaze simula pa yata noong grade school.

"Diba Jaze?" Tanong pa ni Marian kay Jaze na naka akbay parin sa akin.

"Oo, pinabasa mo ba naman sa akin ang diary mo." Medyo mayabang nitong sagot kay Marian na ikinatawa naman ng isa.

Ang hirap ituring na normal ang mga nangyayari ngayon kasi alam na alam kung hindi normal. Sumulyap ako sa tatlo kung kaibigan na tahimik lang sa tabi.

Ngunit si Anne ay hawak ang cellphone at alam kong pa-simpling kinukuhanan kami ni Jaze. Ano naman kasi ang pumasok sa utak ko at hiniling ko to sa kanya noong isang araw?

Biglang kumilos si Jaze pero nanatili akong nakatayo parin ng tuwid hindi na nakakilos pa. Kinakabahan talag ako kahit simpling ganito lang.

Kumunot ang noo ni Anne kay Jaze kunwari nagtataka sya.

"Alam ko yang ginagawa mo ah." Saad nito.

Nahalata pala nya iyon kaya umakto narin akong walang alam at paki alam kunwari hindi apektado pero ang totoo naghu- hurumentado.

Kunwari gata lang ng iba kung kaklase na normal lang ito. Ang paglapit, pag akbay o lahat ng munting kilos nito.

Kunwari wala akong kakaibang nararamdaman. Kahit sa bawat araw na nakikita ko ito mas lalong lumalalim ang paghanga ko sa kanya ng wala naman tumpak na dahilan.

Nakakatakot ito para sa isang tulad kong walang alam sa ganitong bagay.





-----------

ML's note,

Hay, iwan ko sayo Lyndsay nahuhulog kana talaga.hmmm

Anyway people, thank you kasi umabot ka rito. Mwahhhh

Keep supporting my stories please.

Saka sabay nating alamin ang mangyayari sa pag ibig ni Lyndsay or should I say pagsintang purutpot.😂

See you next upadate. Mwahhh

her Love for J  -under Major Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon