Palayain
Halos malapit dalawang buwan ang lumipas matapos ang mga nangyari at masasabi kong naging maayos naman ang dalawang buwan ko.
Paunti - unti ay nabawasan ang frustrations at sakit na naramdaman ko.
Sa mga araw na lumipas ay mabilis ring nagbago ang mga bagay kagaya ng naghiwalay sina Jaze ang girlfriend nito.
Hindi ko alam kung maganda ba iyon o hindi dahil una sa lahat wala akong balak sirain ang relasyon nila tuloy at pakiramdam ko may kasalanan ako.
"May sasabihin ako." Nag angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap ko ngayon.
Wala namang pinagbago rito good looking parin lalo na sa suot nitong itim na shirt.
Tumaas ang kilay ko magaling lang at puting shirt rin ang suot ko iwan ko ba at naging comfort zone ko na ata ang itim at puting kulay.
"Nanadya kaba?" Tumawa ito na ikinalukot ng mukha ko.
Porke't alam nitong may naaalala ako sa dalawang kulay ay palagi na akong pinagdi-disketahan.
"Hindi." Umiling iling ito na para bang napaka unbelievable kong nilalang.
"Ano ba kasing sasabihin mo?" Ibinalik ko ang atensyon sa librong hawak.
Tumikhim muna ito bago nagsalita.
"Lilipat na raw sya sa Cebu." Kumunot ang noo ko habang nag aangat ng tingin.
"Sino?"
"Wow, bilis makalimot? Remember Jaze Aled Perez?" Sarcastic na saad nito kaya masamang titig ang natamo mula sa akin.
"Stop it Lynand and who cares kung lilipat sya? Buti nga iyon." Itinuon ko uli ang atensyon sa librong hawak.
Wala na akong say kung lilipat man ang lalaking iyon mas maganda pa nga iyon.
"Galit ka parin dahil sinabi ni Jaze kay Marian ang ginawa mo?" Nag angat ulit ako ng tingin sa kakambal ko.
Bumuntong hininga ako habang seryoso itong nakatingin rin sa akin.
"Hindi ako galit kanino man kundi sa sarili ko mismo kasalanan ko yon dahil umamin ako ng hindi pinag isipan at nagpadalos dalos ako." Tanggap ko ang pagkakamali ko kung ituring nya man iyong epekto ng alak wala na akong magagawa.
"Alam mo bilang lalaki sa tingin ko ayos lang naman ang ginawa mo kasi wala namang mali sa pag amin ng nararamdaman."
"Lynand, babae ako salungat sa nakasanayan ang ginawa ko at sa ibang tao isa akong desperadang babae." Sabay pa kaming napa buntong hininga.
"Lyndsay, salungat man pero nasa 21st century na tayo at talaga bang mali o ayaw mo lang makita ng ibang normal karin pala, na gumagawa karin ng mga padalos dalos na desisyon." Sandaling nagkatitigan kami.
"Palibhasa sinanay mo ang mga tao sa paligid mo na mabait ka, na malinis ka at higit roon palaging ang opinion ng iba ang inaalala mo good girl ika nga." Dagdag pa nito.
Yumuko ako umiiwas sa totoong punto.
"Wag na nating pag usapan ito tapos na ito."
"Kilala kita mahalaga sayo ang dignidad at malinis na panagalan ayaw mong may maipintas ang iba sayo..." Tumigil ito ang nagbuntong hininga saka nagsalita ulit.
"Pero minsan subukan mo ring gumawa ng katangahan para matuto ka naman, ano ngayon kung nagkamali ka? Kung nabahidan ang pangalan mo? Ano ngayon kung umamin ka? Don't be to high Lyndsay dahil mahihirapan ka pagdating ng panahon." Kinagat ko ang labi dahil sa mga salita nito.
Mabilis ring nag badya ang mga luha sa mata ko kaya naman agad ring lumapit ang kakambal ko at inakap ako.
"Please lang palayain mo na ang sarili mo I know it won't last forever dahil may mas bagay sayong iba." Alam ko namang hindi nya gusto si Jaze para sa akin kahit pa nga magkaibigan sila.
"I'm working on it." Nangingiting kumalas ako sa yakap nya.
"Good, dito kalang may date pa ako e." Napasimangot ako ng tumalikod na ito.
Date na naman? Kitang mag isa ako dito sa bahay iniwan pa ako wala naman sila Mama dahil sa negosyo.
Pero tama ang kapatid ko ayos lang gumawa ang mga bagay na hindi sasang ayunan ng iba dahil hindi naman sila ang magde- desisyon sa buhay natin.
Isa pa kahit anong gawin mo may masasabi at masasabi ang iba tungkol sayo.
Yong mga katangahan at mali natin ang magtuturo sa atin para maging matalino sa agos ng buhay.
Bumuga ako ng hangin saka tumayo mula sa kama at naglakad patungo sa veranda ng kwarto ko.
Handa na akong palayain ang sarili, handa ng magkamali ulit at harapin ang hamon ng mga ito.
Ang pag ibig na ito ay maaaring maglaho o magpatuloy, maari ring bunga lang ng pagiging teenager o kaya naman ay higit pa ngunit ano man ang kakahinatnan alam kong totoo ang naramdaman ko.
Hindi ko nasisigurong makakalimutan ko si Jaze wala ng kaso iyon dahil kung akin sya ay sa akin parin sya mapupunta pero kung hindi marami pa namang iba.
Ang pag ibig handang maghintay, magsakripisyo at matuto.