Bakit?
Hindi naging madali ang mga sumunod na araw ko sa skwela pero wala akong magawa alangan namang hindi ako pumasok.
Naglalakad kami pauwi ng kakambal ko dahil absent si Anne kaya sya ang kasama ko na madalang lang mangyari.
Bitbit nito ang backpack ko habang nakasunod ako sa kanya. Sweet naman si Lynand sadyang pasaway lang.
Ito nga at pinag uusapan namin ang mga babae nito. Ki bata bata pa babaero na kasi hanggang nauwi kami sa isang topic.
May mga gusto akong kompermahin sa bagay na ito.
"Nililigawan pala ni Jaze si Cristine?" Kunwari, patay malisya kong tanong?
"Oo." Simple rin ang naging sagot ng kakambal ko.
Nililigawan palang pala.
"Bakit hindi ko manlang na pansin?" Ngumuso ako. Clueless talaga ako sa bagay na ito.
"Iwan ko sayo nasa room ka naman lagi." Tumigil at lumingon ito sa akin.
Kinunot ko ang noo bago napangiwi sa kanya. Ano naman kaya ang iniisip nito?
"Alam mong wala akong paki alam sa mga bagay na hindi ako interesado." Depensa ko sa sarili dahil sa klase ng tingin ng kakambal ko ngayon.
Alam kong may ideya na sya. Tumaas pa ang kilay nito sa ngumisi.
"Hindi interesado o sadyang abala sa isang bagay na tumitibok, hmm?" Naliit pa ang mga mata nito bahang nagsasalita.
"Pinagsasabi mo? Tumitibok?" Madilim ang mukha. Alam ko kung anong sinasabi nito pero hindi ko iyon aaminin.
"Kakambal mo ako nararamdaman kita." Lumapit sya sa akin saka umakbay. Nakatigil na rin kami sa bandang gilid ng daan.
"Hayaan mo lilipas din yan ba't di mo ako gayahin. Madami pa dya." Napangiwi ako. Gagayahin ko sya? Manlalaki rin ako? Ay wag nalang.
Naglakad ako kaya naglakad rin ito dahil sa pagkakaakbay sa akin.
Tama naman sya lilipas rin ito. We're too young for this.
Graciàs.