Puti at itim
Pagkatapos ng mahaba- habang pag aayos namin ng mga kaibigan ay natapos rin kami.
Ngayon kasi ang araw ng actual performance sa P.E namin ang ballroom kaya naman tudo ayos.
Eksaktong ala una ay dumating kamk sa school gym at agad ring nag umpisa ang maliit na program na ihinanda.
Nag umpisa ang natapos ang sayawan at nagsimula ang cotillion at sa totoo lang masakit sa paa ang isang ito.
Isang ikot, dawala, tatlo hanggang sa hindi na mabilang at ang nagpakaba sa sistema ko ang isang ikot patungo kay Jaze.
Tahimik at walang may balak magsalita sa aming dalawa na para bang may na muong pagkailang sa gitna namin.
Sa akin naman sinusulit ko lang ang mga ganitong pagkakataon because I know it won't last forever.
Ang gwapo nito sa suot nito itim na coat,slack at puting long sleeve sa panloob nito.
Seryoso ito habang tahimik naman ako hindi nakatitig rito kaya hindi ko rin alam kung anong nasa mata nito.
"Ang cute naman ng damit nyo." Halos sabay na bumaling kami sa guro naming kinukuhanan pala kami ng picture.
Bahagya rin akong napatingin sa suot namin. Hindi sinadya ngunit isang puti at itim na casual dress rin ang suot ko.
Natuwa pa ako sa tinuran ng guro namin ang tanga lang ng mga pakiramdam at kilos ng tao pag nagmamahal.
Simpling salita, Simpling compliment ay nagiging malaking bagay na. Kakaiba ang idinudulot nitong pakiramdam, kakaibang saya yon nga lang magigising ka parin walang kayo.
Pag puso nga naman ang tinamaan dadalhin ka nito sa bagay na gusto mo at ikakasaya mo pero para sa akin minsan mali ang pagdadalhan nito sayo.
Nakakalito rin minsan kung dapat ba talagang puso ang masusunod pagdating sa pag ibig.
Isang ikot ay ngayon si Allen na ang kasayaw ko.
Hindi ka akin Jaze kaya magkakasya nalang ako sa mga hiram na alaalang mabubuo.
------
M.L.
Sabi nila there is a pleasure in loving someone who don't love you back siguro nga kasi kahit hindi ka nya mahal basta makasama mo sya sasaya kana.
One sided love were painful lalo na pag first love mo pa.
😢