MSB 7

8.1K 172 1
                                    

Chapter 7

"Are you sure na gagawin mo talaga 'to bro?" Tanong ng isang lalaki sa kaibigan niya.

"I don't have any choice. Unless gusto kong mapahiya ang parents ko sa mga amigos amigas nila. Alam mo naman na sa sobrang excitement ng mommy, hindi ko pa man naipapakilala sa kanila si Ingrid ay ipinag malaki agad ng mommy na ikakasal na ako. I didn't expected this to happen..." Aniya sa kaibigan.

Tumayo ito sa kinauupuan niya at nag lakad palapit sa mini bar niya at kumuha ng alak.
Nag salin ito sa dalawang baso.

"You sure about it?" tanong nitong muli.
Isang masamang tingin naman ang ipinukol nong una sa kausap pag kuwa'y lumagok sa kopitang hawak nito.
"Okay. Okay. You're a hundred percent sure." anito. "So sino naman ang kukunin mong papalit sa puwesto ni Ingrid, para ipakilala sa parents mo?"

Muli itong nag lakad palapit sa center table at may dinampot itong brown envelope 'tsaka ito muling lumapit sa kaibigan at iniabot iyon dito.
Kunot noo naman itong napatitig doon.

"Wait. I thought tinapon mo na 'to." saad nito habang binubuksan ang hawak na envelope.
"Devee Oliveros. So, Devee pala ang pangalan niya. Look! Woaw... What a cute ID picture." aniya at inisa-isang kinalikot ang mga papeles na naroon. Maging ang mga one-by-one... Two-by-two ID pictures.
Aliw na aliw pa itong tinititigan ang inosenting mukha ng dalaga.

"I want you to find her. As soon as possible." Anito.

"Ha? Why me?" kunot noong tanong nito sa kaibigan ng balingan niya ito ng tingin.
Ngunit isang kibit balikat lang ang ibinigay nito sa kanya pag kuwa'y muling sumimsim ng alak sa kopita.
"Okay. But this time you need to pay me." saad nito.

"What?"

"Of course. This one is out of my---"

"Okay fine." mabilis na pinutol nito ang iba pang nais sabihin ng kanyang kaibigan. Alam niya kasing mag dedemand itong lalo pag tumutol pa siya. And wala na siyang ibang puwedeng mahingan ng tulong kundi ito lang.
"5K."

"I'm not that cheap. You know me bro."

"Mukhang pera." ang tanging nasambit nito at pabagsak na umupo sa malambot na sofa.

"Kung bakit kasi hindi mo nalang suyuin si Ingrid para---"

Agad na natahimik ito ng mapansin ang muling pag sasalubong ng mga kilay nito.
Alam niya sa ekspresyon ng mukha nito na ayaw nitong pag usapan ang tungkol roon.

"I'm sorry. Well, I'll go ahead. I'm gonna go find your 'Substitute Bride'..." aniya at agad na nilisan ang lugar ng kanyang kaibigan.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan nito bago inisang lagok ang natitirang alak sa kopita.

-----

"So, kamusta ang unang araw sa trabaho bess?" naka ngiting tanong sa'kin ni Kelly ng puntahan ako nito sa boutique ng kanyang tita Yhanie.

Pasado alas sais na din ng gabi.
Kung hindi pa nga ako sinabihan ni tita Yhanie na mag break muna ako ay 'di ko pa malalaman na gabi na pala. Paano ay sobrang dami ng customers niya kanina. Masyado akong na busy kakaassist sa mga ito. Pero okay lang din... masaya naman kahit nakakapagod.

"Masaya na nakakapagod." sagot ko sa kanya ng makaupo na ako sa isang silya na nasa harap ng inuupuan nito.

"Good. Masasanay ka din diyan."

"Oo nga eh. 'Tsaka mabait talaga ang tita mo." kumento ko dito habang binubuksan ko ang dala nitong pag kain para sa'kin. Well, it's my favorite. Brown cookies. Gawa ito ni Kelly. Mahilig kasi itong mag bake eh.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon