MSB 38

6.1K 168 1
                                    

Chapter 38

KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila.

"Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon.
"Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan.

"Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito.

"Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito.

"Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pinsan niya.

"I said where is Devee? I've been lookong for her for almost an hour." Anito na tila ay nauubosan ng pasensya dahil sa makulit na pinsan.

"Tss. Haha. Highblood ang groom. Ayon ang fiancee mo oh!" Aniya at itinuro ang babae na nasa dulo ng beach habang may kasama itong lalaki. Mabilis na nag isang linya ang kilay ng binata at malalaking hakbang ang ginawa nito para lapitan ang dalawa. Halos liparin na rin ni Ericjan ang beach para lamang marating agad ang kinaroroonan nang dalawa.
Malayo pa man ay naririnig na ni Ericjan ang malulutong na tawa ni Devee habang kausap ang lalaki na hindi niya naman kilala.

"Devee--" Tawag niya sa pangalan ng dalaga na siya namang ikinalingon nito sa kanya.

"Oh! E-ericjan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya ni Devee. Mas lalong nag salubong ang mga kilay nito dahil sa klase ng tanong nang dalaga.

Of course, I'm here because you're my fiancee. Malingalingang isigaw iyon ng binata dahil sa mag kahalong inis at selos na kanyang nararamdaman.

"Who is he Dev?" Tanong nong lalaki na nasa tabi ng dalaga.

"Ah. Keiedrian, si Ericjan pala. Boss ko." Nagulat naman ang huli dahil sa sinabi ng dalaga. Mabilis na natawa ng pagak si Ericjan dahil sa pag papakilala nito sa kanya sa lalaki. Boss ko? Nasaan na 'yung 'Fiancee'? Teka, ito ba 'yung lalaki na sinasabi ni Devee kagabi na mahal niya? Kaya ba hindi siya ipinakilala ng dalaga bilang Fiancee niya? May kung anong kirot ang kanyang naramdaman sa puso. Selos na selos siya sa lalaki, sa kadahilanang ito pala ang mahal ng mahal niya.

"Oh! I see. Bro, I'm Keiedrian." Anang lalaki at inilahad sa kanya ang kamay. Mabilis na nag tiim bagang si Ericjan. Sa halip na tanggapin ang kamay at pakikipag kilala nito. Inisang hakbang niya ang pagitan nila ng dalaga at mabilis niya itong hinila sa kamay at dinala sa kanyang tabi.

"Gusto ko lang itama ang sinabi niya... I'm not her boss. I'm her FIANCEE." Aniya at talagang ipinag diinan pa ang salitang Fiancee para ipamukha sa lalaki na kanya na si Devee. "This little thing is MINE." Dagdag pa nito at mahigpit na kinabig sa balikat ang dalaga at dinala sa ilalim ng kanyang kilikili. Halos madurog pa ang balikat ni Devee sa panggigigil nito roon.

"H-hindi. Huwag ka maniwala sa kanya Keied---"

"Let's go." Anang Ericjan at mabilis na hinila ang dalaga kung kaya't hindi na nito natapos ang iba pang sasabihin sa binata. Naiwan namang napapailing si Keiedrian sa dalampasigan habang tinatanaw ang dalawang bulto na papalayo sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?" Naiinis na tanong ni Devee sa lalaki habang hindi parin siya nito pinapakawalan.

"I think it's me who's asking you that question, wifey. Ano bang ginagawa mo?" balik na tanong nito.

"Wala naman akong ginagawa ah! Nakikipag-usap lang ako sa tao. Saka anak 'yun ng land lady ko. Kilala ko si Keied---"

"Just shut up, wifey. Baka tuluyan akong magalit sa'yo. I swear hindi mo magugustohan kapag nagalit ako." Anito at tuloy-tuloy na nag lakad habang hila parin siya nito sa balikat. Hanggang sa makarating sila sa kuwarto niya. Padabog na inalis ni Devee ang braso nito sa balikat niya at nag tungo sa kanyang kama para doon ay umupo. Naiinis talaga siya sa binata. Wala naman siyang ginagawa ah! Bakit bigla na lang itong susugod doon at ilalayo siya kay Keiedrian? Nakakahiya tuloy sa lalaki. Saka, ginawa niya lang naman 'yun para kahit papaano ay mabaling sa iba ang atensyon niya. Hindi naman puwede na sila nalang lagi ang magkasama. Paano niya naman mapagbabawalan ang sarili tungkol sa nararamdaman niya rito kung ito lagi ang kasama at nakikita niya?

"Why are you acting like that?" seryosong tanong ni Ericjan sa kanya mayamaya.

"Ikaw din dapat ang tinatanong ko niyan. Bakit ka ba umaasta ng ganyan? Alam naman natin pareho na walang tayo. Wala din naman nakasaad sa kontrata mo na bawal akong makipag kaibigan o makipag usap sa ibang lalaki, hindi ba? Bakit ka ganyan Ericjan?" Hindi mapigilan ng dalaga ang kanyang sarili. Gusto niyang umiyak dahil sa inis na nararamdaman ng kanyang puso ngayon. Bakit kailangan na iparamdaman sa kanya ni Ericjan ang lahat ng iyon? Gayong alam niya naman na umaasa lamang siya sa wala.
"You're just my boss. Pero hindi ibig sabihin no'n ay kokontrolin mo na lahat ng galaw ko. Hindi mo ako pagmamay-ari Mr. Esparagoza. Kaya ko pa rin gawin lahat ng gusto kong gawin. Makikipag-usap ako sa kahit na sinong lalaki na gusto kong kausapin. Makikipag kaibigan ako sa kahit sinong lalaki na gusto kong maging kaibigan. I can do whatever I want. Please, don't make this hard for me. Dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa mo." Anito.

"W-what do you mean?" Kunot noo at naguguluhang tanong ng binata sa kanya. Mabilis na bumuga ng malalim na buntong hininga si Devee para pigilan ang emosyon niya. Pag kuwa'y nag alis ng tingin rito.

"Wala kang alam. At hindi mo na dapat na malaman pa."

"Come on, Devee. I may not your real Fiancee, pero karapatan ko parin na gawin ang lahat ng ito sa'yo kung gusto ko. Karapatan ko parin na malaman lahat ng problema mo. Now, tell me." Maotoridad na saad nito sa dalaga. Mabilis na umiling si Devee pag kuwa'y tumayo sa kanyang kama para sana mag tungo sa banyo at doon niya pakakawalan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya. Pero nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong kapitan sa kamay at hilahin pabalik.
Mabilis nitong hinawakan ang mag kabila niyang pisngi at walang paalam na siniil ng halik ang kanyang mga labi. Natitigilan at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya ang dalaga sa labis na pagkabigla sa ginawa ng lalaki. Mayamaya ay humiwalay sa kanya si Ericjan at pinakatitigan siya ng mataman sa mga mata.

"Tell me." Muling utos nito sa kanya. Ngunit wala naman siya mahagilap na mga kataga sa kanyang bibig. Nalunok niya ata ang kanyang dila. Nang hindi siya mag salita at tanging nakatitig lamang sa mata ng binata... muli nitong sinakop ang kanyang mga labi at mas nilaliman pa ang pag angkin roon. Halos mapugto pa ang paghinga ni Devee dahil sa ginagawa nito. Mabilis na umangat ang kamay niya papunta sa tapat ng dibdib nito at marahan niya itong itinulak na siyang naging dahilan para humiwalay muli sa kanya ang lalaki.
"Tell me, wifey." masuyong turan nitong muli sa kanya.

Mabilis na namalisbis ang mga luha sa mata ni Devee pag kuwa'y itinulak ng malakas sa dibdib si Ericjan. Akma na sana ulit siyang tatalikod rito upang itago ang kanyang pagluha, ng muli nitong hulihin ang kanyang kamay at hinalikan siyang muli. Sa pagkakataon iyon, agad na itinulak ni Devee ang binata at malakas niya itong sinampal. Nag mamadali pa siyang tumalikod at nag kulong sa loob ng banyo. Doon ay tahimik na umiyak dahil sa sakit na kanyang nararamdaman sa puso.

"Huwag mo na iparamdam sa'kin ang lahat ng 'yan Ericjan kung hindi mo naman ako gusto. Mas lalo lang ako nahihirapan at nasasaktan." Bulong nito sa gitna ng kanyang pag hikbi.

••••
ENJOY READING !!😉

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon