MSB 22

6.3K 161 1
                                    


Chapter 22

"Hoy! Kahapon ka pa matamlay at parang wala sa sarili mo. Okay ka lang ba bess?" Tanong ni Kelly kay Devee nang umupo ito sa tabi niya. Hindi niya manlang namalayan ang pag dating nito sa room nila.
Paano, nakahalukipkip naman siya sa arm chair niya. Nag eemot na parang iwan.
"Bakit ang laki ng eye bags mo bess?" Tanong pa nito ng makita niya ang haggard na mukha ng kaibigan.

Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ni Devee pag kuwa'y muling sumubsob sa arm chair niya.

"Bess, may nagawa ba akong kasalanan sa'yo na hindi ko alam?" Mayamaya ay tanong ni Kelly sa kanya na sumilip pa sa ilalim ng braso niya.
"Tell me. Please. Alam kong nag tatampo ka sa'kin." Malungkot na saad nito at lumabi pa sa kanya.

"Wa-wala." Aniya at mabilis na nag iwas ng tingin sa kaibigan.

"Alam kong meron, kasi hindi ka tumitingin sa mata ko." Aniya.

Kilala na nga talaga siya ni Kelly. Ultimong maliit na bagay ay napupuna at nalalaman agad nito pag dating sa kanya.

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin Kelly?" Pag kuwa'y direktang tanong niya sa kaibigan.
Kumunot naman ang noo nito at pinakatitigan siya ng mataman.

"Wala. Bakit? Ano naman ang ililihim ko sa'yo? Alam mo naman na pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung nag lilihim o nag sisinungaling. Bakit ko naman gagawin 'yun sa'yo?" Imbes at balik tanong nito sa kanya.

'Eh! Ano si Ericjan?'

Gustong lumabas sa bibig ni Devee, pero natatakot siya sa maaaring maging sagot nito sa kanya.
Baka nga biglang sabihin sa kanya ni Kelly na boyfriend niya ito. Na ito nga talaga ang fiancee ni Ericjan.

"Hoy! Bakit ka ba nag kakaganyan?"

"Wala. Kalimutan mo nalang 'yung tanong ko sa'yo." Aniya at umayos na sa pag kakaupo nang biglang pumasok ang kanilang prof.

Hanggang sa matapos ang klase nila sa buong hapon ay tahimik lang si Devee. Paminsan minsan din niyang nahuhuli ang pag tingin sa kanya ni Kelly na hanggang ngayon ay nag tatanong pa rin ang mga mata sa kanya.

Palabas na sana siya sa class room nila ng mabilis siyang hilahin ni Kelly sa kanyang braso.

"Now, tell me." Anas nito at namaywang pa sa harapan niya.

"Wala nga. Kalimutan mo nalang 'yun."

"I'm not leaving hanggat hindi mo sinasabi sa'kin ang totoo." Aniya at tinitigan pa siya ng matalim. Binabasa ang kanyang mga mata.

"Okay fine." Anang Devee. "Sino ang boyfriend mo?"

Kunot noo namang napamaang si Kelly dahil sa hindi inaasahang tanong mula sa kanya. Mayamaya ay napapalatak ito ng tawa na ikinainis naman ni Devee.

"Bakit ka natatawa? Seryoso ang tanong ko sa'yo." Kunwari ay nagagalit na turan niya.

"Okay. Just give me ten seconds. Masiyado akong na nagulat sa tanong mo, bess." Aniya at nag pipigil pa rin sa tawa nito.
"Well, the truth is... Yeah. I mean, sort of. Not really. Parang ganon." Naguguluhang sagot din nito sa kanya.

"What do you mean?"

"Kami na parang hindi. Ewan ko. Pero, I'm sorry bess kung nag lihim ako sa'yo. I mean, kahapon lang naman kami exactly nag kausap ng maayos. So, I was thinking pa rin kung paano sasabihin sa'yo."

Halos malaglag pa ang panga ni Devee sa sahig na marmol dahil sa ipinag tapat sa kanya ni Kelly.
So, totoo nga?
Si Ericjan at Kelly nga?

Ito na naman ang pamilyar na kirot sa puso niya dahil sa mga nalaman niya ngayon.
Ano ba 'yan!! Buong mag damag na nga siya hindi nakatulog kagabi ng maayos dahil sa kakaisip tungkol sa bagay na 'yun. Tapos ngayon ito at malalaman niya na totoo nga.
Si Kelly ang girl friend ng lalaking gusto niya. Lalaking Fake Groom niya kuno.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon