MSB 11

7.4K 170 0
                                    

Chapter 11

"Okay. Then, we---"

"Te-teka... teka nga. Bakit pumayag agad ako sa gusto mo? Eh, 'di ko pa nga nakikita kung ano ang itsura mo? Kung ano ang pangalan mo?" Saad ko dito ng mayamaya ay mahimasmasan ako dahil sa mabilis na mga pangyayari.

Naku Devee, nasilaw ka lang sa 200k na 'yan nawala ka na sa tamang pag iisip mo.
Paano pala kung...kung masamang tao 'to? Paano kung may masama pala siyang balak sa'yo? Oo ka lang agad diyan. Eh! 'Di naluko na.

"Tsaka! Hindi ba mukhang kulang ang 200k kung sakaling papayag ako sa gusto mo? Aba! Paano pala kung maagrabyado ako ng fiancee mo at---"

Natigil ako sa pag sasalita, nang mula sa kinauupuan nito ay tumayo ito at nag lakad palapit sa'kin. Ganon na lamang ang pagkagulantang ko ng tuluyan ko nang nakita kung ano ang itsura niya.
I mean... kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"I--ikaw?" gulat na saad ko sa kanya.
Halos takasan pa ako ng lakas ko dahil sa nakakalokong ngisi nito sa'kin.

"Yeah. Me." Aniya at pinag krus pa ang mga braso nito sa tapat ng kanyang dibdib, pag kuwa'y umupo sa gilid ng lamesa niya.
"Akala ko nakalimutan mo na ako, after what had happen at the mall."

Wala sa oras na napalunok nalang ako ng laway ko, dahil sa kaba at takot ko ng makita ko ang nag aapoy na mga mata niya.
Pag minamalas ka nga naman oh!
Akala ko pa naman araw ko ngayon kasi makakapag bayad na ako kay Aling Barbara... pero hindi pala. At dito pa kami sa teretoryo niya nag kita.

"So-sorry. I'm sorry. Ihing-ihi na kasi talaga ako no'n eh. But, I promise wala naman akong nakita---"

"You sure, wala kang nakita?" tanong nito at sadyang pinaliit pa ang may pagka chinito nitong mga mata.

"Meron. Este... wa-wala. Wala akong---" Natigilan akong bigla ng maalala ko na naman ang 'Jumbo Hotdog' na 'yon.

Diyos ko naman. Nananadya talaga eh.
Nakalimutan ko na 'yon eh! Pero ito, nakikita ko na naman siya sa balintataw ko.

"Any ways. Let's forget about it." Aniya.

Tama. Let's forget about it.

"Nandito ka naman para mag trabaho sa'kin. You already say yes. So, let's talk about our contract." Aniya.

"Hindi pa ako pumapayag!" Saad ko dito na ikinatiim bagang naman nito.

"Yes, you did. And, here's the contract in case may ayaw kang gawin habang nag tatrabaho ka sa'kin." Aniya at may iniabot ito sa'kin na isang papel. Kunot noo ko naman itong kinuha at binasa ng tahimik.

Okay naman ang mga kondisyonis niya... maliban lamang sa isang naka akda roon.

"What? Gagawin na'tin ang ginagawa ng mga shota?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Bakit hindi ko naisip 'to kanina?
No. Way. Ang estranghero na ito ang makakakuha sa lahat ng FIRST ko. I mean... erase. erase. Sa First Kiss ko. First Hug ko. First Holding hand ko. Sa First... First... Ayst! Hindi. Ayuko.

"No. Never. Wag na lang. Salamat." napapailing na saad ko dito 'tsaka isinuli sa kanya ang kontrata niya.

"Of course you are. Bukod kasi sa sinabi mo na kanina na tinatanggap mo ang alok ko. Alam ko rin na malaki ang kailangan mong pera para maipang bayad sa apartment mo. I'm sure hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kung tatanggihan mo ang alok ko."

Kunot noo akong napalingon sa kanya.

"Are you blackmailing me?"

Nag kibit-balikat naman ang loko.
"Yeah. If this is the only way para hindi mo ako matanggihan, Ms. Oliveros." Aniya.

"Ang gag---"

"Save it. Kababae mong tao, basura ang bibig mo. Now, come closer at para mapirmahan mo ang kontrata na'tin." utos nito sa'kin na talaga namang nag papakulo sa dugo ko.

Ayan kasi Devee ang napapala ng mga taong padalus-dalos.
Nang dahil sa 200k na 'yan... tss.

"What are you waiting for? Or gusto mong sa kalsada na tumira simula mamaya pag uwi mo? Or maybe wala---"

"Okay. Okay. Panalo ka na." Nauubusan ng pasensyang lumapit ako sa lamesa niya at tinanggap ang ballpen na iniabot niya sa'kin.
No choice Devee. Perma na lang.
"Happy?" Sarkastikong tanong ko dito matapos bitawan ang ballpen niya.

"I'm Ericjan Esparagoza, by the way." Imbes ay pakilala nito sa'kin at inilahad pa ang kamay niya sa'kin.

Agad naman akong napatitig sa kamay niya.
Napapaisip kung, dapat ko bang tanggapin ang kamay niya.

"Come on. Malinis ang kamay ko. And, don't be chossy, you're not my type." Aniya at sinuyod pa ako ng tingin, mula ulo hanggang paa.

Aba! Ang loko talaga.
Agad ko naman itong inirapan at binaliwala ang pakikipag kamay niya.

"Excuse me. You're not my type too."

"Tss. And, I just want you to know, this is just a purely business. No string attached. At bawal kang ma in love sa'kin." Aniya.

Halos mapalatak pa ako sa tawa, dahil sa sinabi nito.
Hindi lang pala mayabang ang kumag. Mahangin din. Masiyadong malakas ang tiwala sa sarili.

"What's the funny?" seryoso at naiinis na tanong nito.

"Hello! Seryoso ka ba? Haha... Okay. Okay. 'Wag kang mag alala. Hinding hindi mangyayari 'yon." saad ko nalang dito dahil nananakit ang tiyan ko kakatawa sa kanya.

Kita ko pa ang pag iisang linya ng mga kilay nito. Halatang na inis sa'kin.

"Joseph..." Tawag nito sa tauhan niya. Mayamaya ay bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at iniluwa roon ang pinaka leader ng men in black.
"Ihatid mo na siya pauwi." Aniya at tumingin uli sa'kin. "Be ready and prepare all your things, dahil bukas ng umaga ay ipapasundo kito sa tauhan ko."

"Ha?" Nagtataka at kunot noong tanong ko sa kanya.

"You're going to live with me."

Laglag ang panga ko na napatitig sa kanya ng diretso.

"Te---"

"No buts and arguments Ms. Oliveros, ako ang mag babayad sa'yo at hindi ikaw. Go ahead. Goodnight." Aniya.

Hindi naman ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa'kin ngayon araw.
Tulala at tahimik lang ako habang lulan ng mamahaling sasakyan niya pauwi sa apartment ko.

Parang dito na ata mag babago ang takbo ng buhay ko.
Haist! Devee. Devee. Devee. Ang tanga mo talaga.

"Salamat po." Saad ko sa lalaki na tinawag niyang Joseph kanina.

"Goodnight Ms. Oliveros." aniya matapos ako nitong pag buksan ng pinto at ihatid sa tapat ng apartment ko.

Papasok na sana ako ng madinig ko ang boses ng matandang Barbara.

"Devee, hija. Nandiyan ka na pala." Nakangiting ani nito at lumapit sa'kin. "Salamat pala sa bayad mo kanina."

"Po? Hindi pa po ako nag babayad." sagot ko rito na nag tataka.

"Sus! Nandito kanina ang secretary ng fiancee mo. Siya ang nag abot sa'kin ng 50 mil. Kung sana sinabi mo na ganon kalaki ang ibabayad mo sa'kin... sana hindi na ako nagagalit sa'yo dati pa. 'Tsaka, may fiancee ka na pala. Imbitahan mo ako sa kasal mo ha." aniya na ang bait-bait pa sa'kin.
Tss. Ganyan ang ugali niya kapag pera ang pinag uusapan.

Napangiti na lang ako sa kanya ng pilit.
"Sige ho! Papasok na po ako sa loob." paalam ko dito at nag mamadali ng pumasok sa apartment ko.

So, binayaran na pala ng kumag na 'yon ang utang ko kay Aling Barbara.
Makakatulog na ba ako ng maayos ngayon?

"Salamat pa rin po papa God!" bulong ko sa sarili, bago pasalampak na naupo sa sofa.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon