MSB 28

6.4K 165 0
                                    

Chapter 28

NAG MAMADALING pinuntahan ni Kelly ang kanyang pinsan pagkatapos na maihatid sa loob ng bahay ang nahihilong si Devee. Kinailangan niya pa itong iwanan kasama si Kevin.
Pagkabalik sa garden ng mansiyon ni Mrs. Esparagoza ay agad na hinagilap ng mga mata ni Kelly ang kanyang kuya Ericjan. Halos liparin pa nito ang daan papunta sa kinaroroonan nito kasama ang isang babae.

"Hey!" Tawag niya sa binata.

"Kels..." Nakangiti pang baling sa kanya nito.

"Kels? Tss. Do you want me to kill you po?" Naniinis na saad nito pag kuwa'y agad na binalingan ng masamang tingin ang babae na nakayakap sa braso ng binata. "And you... Get your hands off. I swear uuwi ka sa inyo na putol ang mga braso mo." Aniya na kinasinghap naman ng babae at mabilis pa sa alas kuwatro na humiwalay sa binata.

"W-why?" Nag tatakang tanong ni Ericjan sa pinsan.

"Why? Ako dapat ang nag tatanong niyan sa'yo kuya... Why did you left your fiancee alone? She's drunk right now, do you know that?"

"What? Why? Where is she?" Anang binata at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Nag aalalang nag patiunang nag lakad palayo at hinanap ang kanyang fiancee. Hanggang sa makapasok ito sa loob ng kabahayan. At doon ay nakita niya nga si Devee na kasama si Kevin habang nasa sala ang mga ito. Naka sandal sa hamba ng sofa ang dalaga habang nakapikit ito at hinihilot ang sentido.
"Hey! Are you okay?" Nag aalalang tanong nito kay Devee ng makalapit ito sa puwesto ng dalaga.

"Bakit mo kasi iniwan mag isa?" Tanong ni Kevin sa kaibigan. Sa halip na sagutin ang kaibigan ay sinamaan niya lamang ito ng tingin at muling binalingan ang dalaga.

"Hey!"

"H-hi." Anang Devee na kunot noo pang tinitigan ang kaharap. "Ah. Nahihilo ako." Aniya na parang batang nag susumbong sa kanyang ama.

"Tss. Sino ba kasi ang nag sabi sa'yo na uminom ka?" May panenermong tanong nito. "Kaya mo bang tumayo? Let's go upstairs para makapag pahinga ka na muna." Agad naman nag protesta si Devee nang akma na siyang itatayo ng binata habang hawak nito ang kanyang mag kabilang braso.

"Nahihilo ako. Ayukong tumayo." Saad nito sa namamaos na boses.

"What happened to her?" Nag aalalang tanong ng ina ni Ericjan.

"Hinayaan niya pong mag inom mag isa si Devee, Tita." Mabilis na sumbong ni Kevin sa ginang na siya namang ikinaismid ni Ericjan sa kanya.

"What? Eric, I told you na huwag mong pababayaan ang fiancee mo. Nako naman ang batang ito. Hala sige, buhatin mo na siya para makapag pahinga na muna sa kuwarto mo. Go on." utos ng ginang sa kanyang anak. Agad naman na tumalima ang binata at binuhat na parang bagong kasal ang dalaga.
Hanggang sa marating nila ang dati niyang silid. Malinis parin ang kuwartong iyon. Halatang hindi pinapabayaan ng mga kasambahay nila. Bago lahat ang kurtina. Ang bed sheet. Ang mga pillow case at maging ang kumot.

Dahan-dahan niyang inilapag sa malambot na kama ang nakapikit na si Devee. Hindi niya matukoy kung tulog ba ito o gising parin. Panay kasi ang bulong nito na hindi niya naman maintindihan.
Mabilis niyang hinubad ang heels na suot nito pag kuwa'y inayos ang kumot sa katawan ng dalaga.

"Mmmm..." Ungol ni Devee.

"Hey! What's wrong with you? Do you need any thing?" Tanong ni Ericjan kay Devee. Pero hindi naman sumagot ang huli. Napapabuntong hininga na lamang na umupo ang binata sa gilid ng kama at mataman na tinitigan ang mukha nito.
Wala sa sariling napapangiti pa ito. Pag kakataon niya na ngayon na matitigan ito ng matagal. Kanina kasi hindi niya iyon magawa-gawa dahil baka mahuli siya nito o 'di kaya'y may ibang makakita sa kanya na pinag sasawa niya ang kanyang mga mata sa magandang mukha nito.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon