MSB 23

6.4K 165 1
                                    

Chapter 23


PAGKAPASOK palang ni Devee sa sala nang bahay ni Ericjan ay agad niyang nakita ang binata na nakahiga sa sofa habang may hawak itong news paper at abalang nag babasa.
Hindi niya na lamang ito pinansin at nag tuloy ng umakyat sa hagdan. Pero mayamaya ay nadinig niya ang kanyang pangalan na tinawag ng binata, kung kaya't napahinto siya at hinarap ito.

"Devee..."

"Bakit?" Pag tataray na tanong niya rito.

Umupo naman ito sa sofa at saglit na ipinatong sa lamesa ang hawak nitong news paper.

"Kumain ka na?" Tanong nito sa dalaga.

Kunot noo namang natitigilan si Devee dahil sa hindi inaasahang tanong ni Ericjan sa kanya.
Tinitigan niya pa ito ng mataman pag kuwa'y tinaasan ng kilay.

"What?" Anang binata.

"Bakit?" Balik na tanong niya rito.

Nagkibit balikat pa ito bago tumayo sa sofa at nag lakad palapit sa kanya.
Halos nasa gitna na rin siya ng hagdan kung kaya't nakatingin siya sa ibaba para harapin ang binata. Unti-unti itong umakyat hanggang sa magkatapat na sila.

Halos pigil hininga pa siya dahil sa kabang nararamdaman ng puso niya. Ito na naman at hindi na naman mag kanda mayaw ang pag tibok nito.
Kailangan niya na talagang kontrolin ang sarili niya... lalo pa ngayon na, boyfriend pala ito ng bestfriend niya.

"Well, I'm just asking." Aniya. "Wala na kasing pagkain sa kusina. Inubos ko na." Dagdag pa nito at ngumiti sa kanya ng ubod tamis, pag kuwa'y ginulo ang buhok niya at agad siyang nilagpasan.

Wala sa sariling napabuga ng malalim na buntong hininga si Devee dahil sa inis niya sa lalaki.
Malingalingang habulin niya ito at itulak pababa ng hagdan. Pero hanggat kaya niya pang pigilan ang sarili, mag pipigil siya. Alang-alang para sa kaibigan niya. Baka siya naman ang awayin ni Kelly kapag nalaman nitong sinira niya ang mukha ng nobyo nito.

"Arghhh." Anang Devee at nanggigigil na muling tinahak ang pasilyo papunta sa kuwarto niya. "Kalma, Devee. Kalma lang. May araw din sa'tin ang mayabang na 'yan." Aniya sa sarili.

"Who are you talking?"

Halos mapatalon pa siya sa gulat ng bigla itong sumulpot sa kung saan.
Aatakihin talaga siya ng nerbyos dahil sa lalaking ito eh!
Isang natalim na tingin naman ang ibinigay ni Devee sa binata habang seryoso pa rin itong nakatitig sa kanya.

"Kausap ko ang sarili ko. Isturbo." Aniya. "Umalis ka nga diyan. Bad trip." Anang Devee at itinulak pa ang binata palayo sa kanya pag kuwa'y nag mamadaling binuksan ang pinto nang kuwarto niya.

"Wait..." Anang Ericjan at pinigilan nito ang pag-sara ng pintuan.

"I'm just kidding. Baka gutom ka, may pagkain pa sa kusina. Ipapahanda ko, kaya bumaba ka na rin." Anang Ericjan.

"Busog ako. Kaya salamat na lang."

"I'm hungry. Kaya saluhan mo ako."

"Kumain ka mag isa mo."

"Ayokong mag hintay ng matagal, wifey. Bumaba sa kusina." Aniya at mabilis na tumalikod sa kanya.

Naiwan namang natitigagal ang dalaga.
Hindi malaman kung ano ang dapat na gawin.
Napapangiti na naiinis pa ang itsura nito.

"Wifey?" Anas nito sa sarili at mabilis na napahawak sa tapat ng kanyang dibdib. "Naku! Devee, mag tigil ka. Loko talaga ang lalaking iyon. May jowa na nga nanglalandi pa ng iba."

Pabalibag niya pang isinara ang pinto nang kuwarto niya at pasalampak na humiga sa kanyang kama.

"Kumain siya mag isa. Pakialam ko ba." Bulong nito sa sarili.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon