MSB 9

7.5K 134 0
                                    

Chapter 9

"Psst! Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa'yo kung paano kayo nagkakilala ni Kevin?" tanong sa'kin ni Kelly habang papalabas na kami ng mall.

"Hindi nga kami magkakilala bess. Nataon lang na siya 'yong buwesit na nakakuha ng envelope ko at sa kabaitan niya, ayon... itinapon niya lang naman ang envelope ko." naiinis na sagot ko sa kanya. Pero lumaki lang ang ngiti nito sa labi na parang nanunudyo pa.

"Oy! Baka ito na 'yong sinasabi nilang 'Destiny' haha."

"Kelly! Nadidinig mo ba 'yang sinasabi mo? My god. Hindi siya ang tipo ko. 'Tsaka ang mga pulis na 'yan ay hindi loyal, kaya ayukong magkaroon ng karelasyon na pulis kung maaari lang. Puro mga babaero ang mga 'yan." naiinis na saad ko sa kanya, sinabayan ko pa ng irap.
Pero mas lalo lang ako nitong pinag tawanan.

"Haha grabe ka naman bess. And FYI, may kakilala akong pulis. Pero loyal 'yon. And besides, hindi naman lahat ng pulis ay parepareho. May iba lang na babaero talaga, pero may iba din naman na hindi." aniya na ipinag tanggol pa talaga ang mayabang na Kevin na iyon. Mas lalo lang akong napasimangot sa kanya.

"Ewan. Basta 'yon ang alam ko." saad ko sa kanya para matapos na ang pag uusap naming 'yon. Mas lalo kasi akong naiinis pag nadidinig ko ang pangalan ng lalaking iyon eh. Pakiramdam ko mas lalong lumalaki ang ulo niya.

"Ito naman haha. Napag hahalataan tuloy na parang crush mo si Kevin."
Agad akong napalingon sa kanya. Mabilis na lumipad ang isang kilay ko.

"Anong crush ka diyan? Hoy Kelly, magkagusto na ako sa lahat wag lang sa mayabang na katulad niya. Tss. Anong silbi ng kagwapuhan niya kung mayabang naman."

"So, inamin mo din na nagagwapuhan ka nga sa kanya hihi. Ikaw bess ha." mas lalo pa ako nitong tinudyo.

"Tigilan mo nga ako Kelly. Hindi totoo 'yang sinasabi mo." pag tatanggol ko sa sarili ko. Dahil iyon naman talaga ang totoo.
Hindi ko gusto ang Kevin na 'yon.

Never.
Period.

"Oo na Kevin este Devee haha."
Hanggang sa marating namin ang parking lot ng mall ay hindi pa rin ako tinitigalan ng nakakalokong ngiti ni Kelly sa'kin.

MATAPOS akong mag paalam kay Kelly nang makarating kami sa labasan ng lugar namin ay umalis na rin ito.
Mag lalakad na sana ako papasok sa eskeneta ng bigla na lamang may nag salita sa likuran ko.

"Hi..."
Ganon na lamang ang kaba ko dahil sa pagkagulat sa kanya.

"Ano ba? Papatayin mo ba ako sa takot? Kung saan saan ka lang sumusulpot." galit na saad ko sa kanya habang nakahawak pa ako sa aking dibdib.

"I'm sorry kung nagulat kita." aniya.

"Ano ba kasi ang kailangan mo? Mangungulit ka na naman ba?" pag tataray ko sa kanya 'tsaka nag simula na ulit sa pag hakbang.

"Ahh. Can we talk for a sec?"

"Wala akong time Kevin. Kaya umalis ka na lang."

"Please."

"Umalis ka na." saad ko dito at hindi ko na siya pinakinggan pa. Tuloy tuloy na ang lakad ko hanggang sa marating ko ang tapat ng bahay ko. Buti at hindi na sumunod sa'kin ang lalaking 'yon.
Bubuksan ko na sana ang maliit na gate ko ng madinig ko din ang boses ni aling Barbara.

"Devee, ipinapaalala ko lang sa'yo na linggo na bukas. Kailangan ko ang pera ko." anang pandak at matabang land lady ko.
Napabuntong hininga muna ako bago humarap sa kanya.

"O-opo aling Barbara. Bukas po." sabi ko na lang sa kanya kahit hindi pa ako sigurado kung may mahihiraman ba ako bukas ng pera.
Akala ko makakatulog ako ngayon ng maayos, hindi pala. Dahil sa excitement ko sa trabaho ko, ayon at nakalimutan ko na kung saan ako kukuha ng perang ipambabayad sa kanya bukas.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon