MSB 16

7.2K 173 2
                                    

Chapter 16

"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan, bess." Panggugulat pa sa'kin ni Kelly.
Isang seryosong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya pag kuwa'y humalukipkip sa arm chair ko.
"Ayos ka lang ba?" Muling tanong nito sa'kin.

Muli akong nag pakawala ng malalim na buntong hininga.
Well, ilang beses na ba akong napapabuntong hininga mula kaninang pagkagising ko?
Hindi ko na rin mabilang.

"Oo." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Oo? Pero hindi naman." Aniya.

"Ewan ko."

"Bakit ba kasi?" Pangungulit nito sa'kin.

Ewan ko ba. Basta kanina pagkagising ko, ramdam ko talaga ang pananamlay ko.
Hindi ko alam kung bakit. Basta ang naaalala ko lang kagabi, bago ako natulog ay nong pumasok sa kuwarto ko ang mayabang na 'yun.

•••Flash back•••

"Ah-anong ginagawa mo dito?" Biglang kinabahan na tanong ko sa kanya. Sa sobrang kaba ng dibdib ko, wala sa sariling napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng kumot ko.

"I just forgot to tell you, bukas ng umaga wala ako dito. Maaga ka ding umuwi pagkatapos ng klase mo kasi, pag dating ko ng hapon may pag uusapan tayo." Seryosong saad nito.

"Tss. 'Yun lang ba?" Naiiritang tanong ko sa kanya. "Tsaka sa susunod, puwede bang matuto kang kumatok muna bago ka pumasok." Pag susungit ko pa.

"This is my house. I don't need to knock if I wanted too. Papasok ako dito sa kuwarto mo kung kailan ko gusto. 'Wag kang mag alala, wala naman makikita sa'yo." Anang antipatiko at biglang bumaba ang paningin nito sa tapat ng dibdib ko. 'Tsaka ko lamang na pag tanto na binitawan ko na pala ang kumot na hawak ko kanina. Isang manipis na spaghetti strap ang suot kung pantulog. Wala akong suot na bra, dahil doon ako komportable.
Pakiramdam ko ay nag akyatan sa mukha ko ang lahat ng dugo sa katawan ko. Ramdam ko ang pag iinit roon. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis o sobrang pagka pahiya sa kanya.

"Aba! Ang bastos mo ah." Pagalit na saad ko dito at ibinato ko pa sa kanya ang isang unan na nasa tabi ko.

"Anong bastos do'n? Wala naman talaga akong nakita." Aniya at ngumisi pa talaga ito sa'kin.
Ngising nakakaloko.

"Che! Lumabas ka na nga dito." Bulyaw ko sa kanya at mabilis na inabot ang lamp shade na nasa ibabaw ng side table. Akmang ibabato na iyon sa kanya.

"Don't throw that one, ibabawas ko 'yan sa sahod mo." Aniya na siyang nag pabitin ng kamay ko sa ere.

"Argh! Layas. Labas na. Bastos." Nanggigigil na sigaw ko dito.

"Goodnight." Anang damuho at kumindat pa ito sa'kin bago tuluyang lumabas sa kuwarto.

•••End of Flashback•••

Hanggang sa pag tulog ko ay inis na inis pa rin ako sa damuhong iyon.
Inabot pa ako ng madaling araw bago dinalaw ng antok dahil sa kakakunsumisyon sa pinasok kong trabaho.

Nagulantang din ako kaninang umaga ng bigla akong mapabalikwas dahil sa isang masamang panaginip.
Mahirap mang aminin pero, napanaginipan ko siyang hinalikan niya raw ako kagabi.

"Bakit namumula ka?" Ang tanong ni Kelly ang siyang muling nag pabalik sa suhistiyo ko.

"H-ha? A-anong namumula?" Kunwari ay tanong ko sa kanya.
Agad din akong napahawak sa mukha ko na ramdam ko na naman ang pag iinit nito.

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin bess?" Makahulugang tanong na naman nito.

"W-wala. Ano naman ang sasabihin ko sa'yo?"

"Ewan ko sa'yo."

"Bess, 'di ba sabi ko sa'yo... simula ngayon, hindi na ako mag lilihim sa'yo tungkol sa trabaho ko." Pag papaliwanag ko sa kanya. Napatango naman ito na parang naniniwala sa sinabi ko.

"I'm just worried about you, kasi kanina ka pa bumubulong diyan. Baka kako, may besfriend ka na ring iba na hindi ko nakikita." Aniya at pag bibiro pa nito.
Natawa na lamang ako sa kanya.

"Ay! Siya nga pala bess, puwede ba akong makisuyo sa'yo?" Mayamaya ay pag iiba ko ng tanong sa kanya.

"Mmmm?"

"Puwede bang ipag paalam mo ako kay Tita Yhanie na, hindi ako makakapasok ngayon kasi may importante akong gagawin." Saad ko.

"Okay sige. Pero, sama ako sa'yo, saan ba 'yan?"

"Huwag na. Ako na lang."

"Tss. Okay." Tipid na saad nito sa'kin na halatang napipilitan lang. Alam kung mamaya mag tatampo na naman ito kasi hindi ko siya isasama sa lakad ko.
Haist! Kung sana gala lang 'to bakit hindi. Ang kaso, mag uusap kami ng Yabang na iyon kaya 'di ko siya puwedeng isama.

Pagkatapos ng klase namin ay agad din akong nag paalam kay Kelly at nag mamadali pa akong lumabas ng school. Nandon na si sir Joseph at nag aantay sa'kin.
Taray! Feel na feel ko ang pagiging Substitute bride ko. With hatid-sundo pa talaga.

"Magandang hapon Ms. Oliveros." Bati pa nito sa'kin bago ako pinag buksan sa pinto ng sasakyan.

"Naku! Puwede naman pong Devee na lang." medyo nahihiya pang saad ko dito. Ngumiti lamang ito sa'kin.

Pag dating namin sa bahay ng yabang, ay agad akong sinalubong nang isang kasambahay niya.

"Magandang hapon po Ms. Devee. Nasa pool area po si sir EJ at nag aantay sa pag dating niyo." Anang kasambahay at kinuha sa'kin ang dala kong bag at libro.
"Salamat po. Paki lagay na lang po sa kuwarto ko." Medyo nahihiya pang utos ko rito.
Hindi lang talaga ako sanay at naninibago pa ako sa mga nangyayaring ito.
Ikaw ba naman, biglang ganito ang mararanasan mo sa isang iglap lang.
Parang kahapon lang mag isa lang ako sa apartment ko, pero ngayon ito... nakatira na ako sa isang malaking bahay na may driver at kasambahay pang kasama.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko 'tsaka nag lakad na papunta sa likod ng bahay para tunguhin ang pool area.
Malayo pa man ako roon ay dinig ko na ang tampisaw ng tubig mula sa swimming pool.
Mukhang may naliligo roon.

Pagkaliko ko sa isang mataas na halaman, ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa bumungad sa'kin.

Ang lalaking paahon sa pool habang naka boxer lamang ito.
Kitang kita ko ang makisig at maskuladong katawan nito. Ang sunod sunod na pag patak ng tubig mula sa buhok nito pababa sa balikat, dibdib at katawan niya.
Parang pakiramdam ko, nakakita ako ng isang adonis.
What a perfect view.
Puro muscles... Abs... Ang yummy.
I didn't expect na ganito pala kaganda ang katawan ng mayabang na ito.
I mean, nakakita na ako ng mga models na lalaki pero, iba pa rin ang kanya. Lalo na ang---basta. Basta.

"Siguro ang sarap niyang hawakan." Wala sa sariling saad ko sa sarili. Pakiramdam ko tumutulo na ang laway ko.

"Why don't you try?" Agad akong napakurap-kurap ng madinig ko ang boses niya na nasa harapan ko na pala.
"Tapos mo na bang pag nasaan ang katawan ko?"

Kunot noong napairap ako sa kanya.

"Mukha mo! Kahit kailan hindi ko pag nanasaan ang katawan mo." pag tataray ko sa kanya. Ramdam ko kasing napahiya ako dahil do'n.

"Well, 'yun kasi ang nakikita at nararamdaman ko sa mga titig mo." Aniya na ngumiti pa sa'kin ng nakakaloko.

"Che! Bahala ka sa buhay mo." Naiinis na saad ko at akmang tatalikod na sa kanya, pero mabilis ako nitong napigilan sa braso.
Dahil sa malakas na pagkakahila nito sa'kin... wala sa sariling napayakap ako sa basa niyang katawan, sa takot na baka mahulog ako sa semento.
Gulat na gulat ako habang nakatuon sa dibdib niya ang mga mata ko.

"Want to swim with me?" Tanong nito na hindi ko naman alam kung sasagutin ko ba o hindi. Basta lang akong nakatitig sa mukha niya.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon