MSB 55 FINAL CHAPTER😊

14K 346 51
                                    

Chapter 55

#FinalChapter
  #HappyEnding😘

"ANAK, anong ginagawa mo diyan?" Nag tatakang tanong ni Yhanie ng makita ang anak na nasa labas ng gate at nakadungaw. Nag mamadali naman itong nag lakad palabas para lapitan si Ericjan.

"Ah. I can't go inside." Aniya.

"Ha? Bakit? Nag away ba kayo ng asawa mo?"

"No. Ayaw niya lang ako makita sa loob ng bahay." Anito na tila ay nag susumbong pa sa ina. Napangiti na lamang ang ginang sa kanyang anak.

"Pag pasensyahan mo na ang asawa mo anak. Gano'n talaga kapag nag lilihi ang babae. Malas mo lang at ikaw ang napiling pag lihian ni Devee. But don't worry. Matatapos din iyan." Aniya. "Nagugutom ka na ba?" Mayamaya ay tanong nito.

"Puwede po bang kumain? Kanina pa po ako nagugutom eh!" saad nito pag kuwa'y mabilis na napahawak sa kanyang tiyan ng muli na naman iyong tumunog.

Halos anim na oras na rin siyang nasa labas ng kanilang bahay. Hindi siya makapasok sa loob dahil na rin sa utos ng kanyang pinakamamahal na asawa. Nakatayo, minsan ay uupo sa gilid ng kalsada habang naririnig ang mga taong nag kakasiyahan sa loob ng sarili niyang pamamahay. Wala naman ibang magawa si Ericjan kundi ang mapasimangot na lamang. Siya itong nakaisip na mag celebrate para sa magandang balita sa lahat tungkol sa pag dadalantao ng kanyang asawa... but look where he is right now? Nasa labas ng bahay niya. Nakaupo sa gilid ng kalsada habang tinitiis ang masakit na sikat ng araw na tumatama sa kanyang balat. Kung hindi niya lang talaga mahal si Devee, nunca na sundin niya ang utos nito.

"Saglit at pahahatiran kita kay Aning." Anang kanyang ina mayamaya. Napatango na lamang si Ericjan rito bago ito muling pumasok sa gate at iwan siya sa labas.

"Big Boss, what are you doing here? Bakit nasa labas ka?" Nag tatakang tanong sa kanya ni Kevin ng pumarada ang sasakyan nito sa tapat niya.

"Don't ask me why kung ayaw mong pati ikaw ay hindi na makapasok sa loob ng bahay ko." Walang buhay na saad nito sa binata.

Mayamaya ay bigla ring narinig ni Ericjan ang nakakalokong tawa nito sa kanya. Matalim na tingin ang ipinukol niya kay Kevin.

"Okay. Parang alam ko na kung bakit. Tsk. Tsk. Tsk. Kawawang Ericjan, na under ka na masiyado sa misis mo, Big Boss." Natatawa pang saad nito sa kaibigan na mas lalong ikinakunot ng noo ni Ericjan. "Don't worry, ako na muna ang bahala kay Commander sa loob."

"Tch. F*ck you Kevin. Huwag kang papasok sa bahay ko kundi mapapatay kita." Anitong nanggagalaiti pa at mabilis na nilapitan ang kaibigan, ngunit agad namang nakapasok sa gate si Kevin dahilan upang hindi niya ito masundan para hatakin palabas.

"Paano ba 'yan... Nasa loob na ako." Panunudyo pa nito.

"Kevin... halika. Kanina pa kita hinihintay." Ang boses ni Devee ang pumutol sa pag-uusap nilang dalawa.

Tanaw ni Ericjan ang asawa na nag lalakad palapit kay Kevin habang malapad ang ngiti nito sa binata, bagay na mas lalong ikinainis nito.

"Halika. Kumain ka na ba? Maraming pagkain sa loob." Anang Devee.

"Wife---how about me?" May pag mamakaawa pang tanong ni Ericjan sa asawa.

"Mamaya ka na kumain kapag nasa kuwarto na ako." Pag susungit ni Devee sa asawa pag kuwa'y muling binalingan si Kevin at muli na namang gumuhit ang matamis na ngiti nito sa mga labi. "Tara at sa loob tayo."

"W-wife... I'm hungry." Anang Ericjan na hindi naman pinansin ng asawa. "I'm hungry and she didn't care about me." bulong nito sa sarili at tila ay natatamad pang muling umupo sa gilid ng barandilya.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon