MSB 17

6.9K 179 0
                                    

Chapter 17

"Ma'am Devee, pinapatawag na po kayo ni sir Eric..." Dinig ko ang boses ng isang kasambahay niya habang nasa labas ng kuwarto ko.

Muli akong nag pakawala ng malalim na buntong hininga bago nag lakad palapit sa pinto ng kuwarto at binuksan ko iyon.

"Susunod po ako." Naka ngiti pang saad ko rito.

"Huwag daw po kayo mag tatagal ma'am sabi ni sir." Dagdag pa na saad nito sa'kin pag kuwa'y. Isang pilit na ngiti na may kasama pang tango ang ginawa kong tugon rito.
Agad kong isinara ang pinto at parang nanghihina ang aking mga tuhod na napasandal sa likod nang pinto.

Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya?
Pagkatapos nang mga nangyari kanina sa pool area, magiging kampanti pa rin ba ako na mapalapit sa kanya?
Ang adik kasi ng mayabang na 'yun eh!
Puro kalakuhan ang nasa isip.

'Swim with me, para mas mapag nasaan mo pa ang katawan ko'

Ang mapang-akit ngunit nakakainis na boses nito ang paulit-ulit na nadidinig ko sa utak ko.
Haist! Devee, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit bigla kang nagkaganyan?
Hindi ka naman madaling maapektuhan sa mga lalaki ah! Pero bakit ngayon parang umaasta kang praning, na para bang ngayon ka lamang napalapit sa isang lalaki at masiyado kang naiilang, naaasiwa.
Paninirmon ko sa sarili.

Muli akong humugot ng malalim na hininga 'tsaka ko iyon pinakawalan sa ere at pag kuwa'y nag pasya ng lumabas ng kuwarto.

"I thought, wala ka ng balak na harapin ako."

Napapitlag pa ako ng pagkabukas ko sa pinto ng kuwarto ko ay nasa labas na pala ito at nag aantay sa'kin.
Pakiramdam ko biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa nakita kong itsura nito.

He's wearing a plain white t-shirt na hapit na hapit sa maskuladong katawan nito. Paired with black walking short.
Ang linis ng mukha niya na halatang bagong ahit lang. Ang buhok nitong maayos ang pagkakasuklay.
Ang bango niya. Amoy na amoy ko ang bango ng sabong panligo at shampoo nito. Isama pa ang pinag halong amoy ng panlalaking pabango niya pati ang natural scent nito.
Nakaka relax. Pakiramdam ko biglang nawala ang lahat ng pagod sa katawan ko.

"Are you done?" Tanong nito na siyang nag pabalik sa reyalidad ko.

Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa pagkapahiya ko sa kanya.
Bakit ba, lagi nalang akong napapahiya sa lalaking ito? Nakakarami na 'to ha.

"Just tell me if you want to stare at me for awhile. I'm willing to oblige. My pleasure." Anito sa makahulugan at mapang-asar na boses pag kuwa'y kumindat pa sa'kin.

Kunot noo naman akong napatitig sa kanya.
"Mukha mo... 'di ka guwapo kaya 'wag assuming. Okay." Pag tataray ko sa kanya at nag patiuna ng nag lakad.

Bukod sa ramdam ko ang pag titig niya sa'kin habang nag lalakad ako papalayo sa kanya na masiyadong nakakailang, dinig ko din ang pagak na pag tawa nito mula sa likuran ko.

"You know what, ikaw pa lang ang nag sabi sa'kin na hindi ako guwapo." Aniya na nasa tabi ko na pala at nakasabay na sa pag hakbang ko pababa sa hagdan.

"Well, baka malabo ang mga mata nila. Hindi marunong tumingin sa guwapo at panget."

"So, did you say na panget ako?" Tanong nito sa'kin pag kuwa'y at pinigilan ako sa palapulsuhan.
Pakiramdam ko pa ay bigla akong nakuryente dahil sa paraan ng pag hawak at pag pisil nito sa itaas ng kamay ko.

Parang nag slow motion ang paligid ko dahil sa ginawa nito.
Hala! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?
Hindi puwede 'to. Noong isang gabi ko lang siya nakilala, kaya hindi puwedeng makaramdam ako ng ganito sa kanya.
Hindi puwede!!

"What are you trying to say? Na panget ako?" Ulit na tanong nito sa'kin.

"Ahh--" Pakiramdam ko bigla kong nalunok ang dila ko at wala akong mahagilap na kataga sa bibig ko.
"I-ikaw ang may sabi niyan. Hindi ako." Sa wakas ay saad ko sa kanya at mabilis na binawi ang kamay ko mula sa kanya. Nag mamadali pa akong bumaba sa hagdan at nag tungo sa malawak niyang sala.

"You, crazy woman." saad nito at nag mamadali ring lumapit sa'kin. "I'm not panget, you---"

"Hey, bro." Agad itong natigil sa pag sasalita at sabay pa kaming napalingon sa pinto nang bahay niya ng biglang may pumasok roon.

Kunot noo at nag tataka pa akong napatitig sa kanya ng mabuti.

"Kevin---?" sambit ko sa pangalan nito.

"Hey! Nandito ka na rin pala." Naka ngiting saad nito na tila ay inaasahan na nito ang pag tatagpo naming dalawa.

"Magkakilala kayong dalawa?" Taka pa ring tanong ko sa kanilang dalawa.

"Of course. Eric is my bestfriend." Tila ay proud pang pagkakasabi nito.

Mas lalo lamang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
Ngayon ko lamang naalala 'yung lalaking kasama nito noon sa karenderya.
So, ibig sabihin... ang lalaking iyon pati si Ericjan ay iisa lang?
Pareho silang pulis.
Bakit ngayon ko lang naisip 'yun?

"Tss. What are you doing here?" Baliwalang tanong nito sa kaibigan niya.

"Nothing. Naalala ko lang na parang busy ka ata ngayon kaya dinaanan na kita. And I guess I'm right. Mukhang busy ka nga." Aniya at makahulugan pa ang titig na ipinukol nito sa'kin. Maging ang mga ngiti nito.

"Yeah! I'm busy right now, so please... Leave." Aniya at itinuro pa ang pinto.

Magkaibigan ba talaga ang dalawang 'to?

"Okay. Okay. But, tonight... At the old place." Aniya. "Bye Ms. Sungit." saad nito at walang anu-ano'y umalis din ito kaagad.

Naiwan naman akong nakatulala pa rin at hindi makapag isip ng mabuti.
So, ibig sabihin... all this time. Kilala na pala talaga ako ni Kevin. Ito din siguro ang dahilan kung bakit ako ang kinuha nitong maging Substitute Bride... dahil doon sa envelope ko na nakuha nila noon.
Kaya siguro alam ni Kevin kung saan ako nakatira kasi ito na talaga ang plano nila.
Haist! Oo na Devee. Ang talino mo talaga at sa wakas na gets mo na ang lahat.

"Are you okay?" Mayamaya ay tanong nito sa'kin.

Napapabuntong hininga na lamang ako na umupo sa sofa niya.
Tango lamang ang naging sagot ko rito.

"Do you have a boyfriend?" Pag kuwa'y tanong nito na siyang naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya ng diretso.

Kunot ang noo at halatang hindi ako handa dahil sa naging tanong nito.

"I mean, sorry for asking. Ayuko lang kasi na, baka may maging sagabal sa pag tatrabaho mo sa'kin. I don't want complicated relationship." Anito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
"Don't get me wrong. What I mean is, habang naka pirma ka sa kontrata ko, we need to act like we're in a relationship. Ayuko na mapunta lang sa wala ang ibabayad at igagastos ko para sa'yo oras na malaman ng mommy at daddy na hindi naman kita talaga fiancee." Pag papaliwanag nito sa'kin.

"O-okay." Wala sa sariling sagot ko sa kanya.

Dinig ko ang pag papakawala nito ng malalim na buntong hininga niya pero nanatili pa ring nakatayo sa likod nang mahabang sofa.
Ramdam ko din ang pag titig nito sa'kin na siyang ikinailang ko na naman sa kanya.
Bakit ba kasi ang hilig nitong tumitig eh!

"Tigilan mo nga ako." Kunwari ay naiinis na saway ko sa kanya.

"What? I didn't do any thing." Aniya at nag lakad ito paikot sa sofa at umupo na rin doon.

"Ano ba kasi ang pag uusapan na'tin?" Pag iiba ko ng tanong sa kanya.

"First, I want you to be comfortable with me."

Parang ang hirap naman ata no'n.

"Like this---" Aniya.
Nagulat pa ako nang bigla itong tumayo sa puwesto niya at lumipat sa tabi ko.

Jusko! Parang dumadagundong ang puso ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko napaso akong bigla sa pag dadaiti ng mga balat namin.

"See? Wala pa nga akong ginagawa, pero naiilang ka na sa'kin. Paano na'tin mapapaniwala ang parents ko na in love nga tayo sa isa't-isa kung ganyan ka..." Aniya at biglang kinuha ang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.

Bigla akong napatitig sa kanya kasabay ng sunod-sunod na pag lunok ng laway ko.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon