MSB 21

6.6K 153 2
                                    


Chapter 21

"ARE you okay?"

Halos mahulog pa ako sa kinauupuan ko ng bigla kong madinig ang boses ni Ericjan mula sa likuran ko.
Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko.

"Papatayin mo ba ako sa takot?" Inis na tanong ko sa kanya nang harapin ko siya.

"Sorry." Aniya. "Kanina pa kasi ako kumakatok sa labas, pero hindi mo ata ako nadidinig." Saad nito at pag kuwa'y tinitigan ako ng mataman na ikinailang ko na naman sa kanya.
Agad akong tumalikod at nag tungo sa banyo.
Doon ko pakakalmahin ang nag wawala ko na namang puso.
Abnormal na talaga ata 'to... dahil tuwing makikita o maiisip ko lang ang mayabang na 'yun nag kakaganito na ako.
Ano bang ginawa niya sa'kin para mag kaganito ang tibok ng puso ko?

Makaraan ang ilang sandali at nang mapahupa ko na ang malakas na pag tahip ng puso ko ay pinakiramdam ko muna ang loob ng kuwarto ko kung naroon pa rin siya.
Idinikit ko ang tainga ko sa likod ng pinto.
Mukhang tahimik naman. Wala na siguro siya.
Tahimik na pinihit ko ang siradura at sumilip sa labas... wala ng tao.
Dahan-dahan akong lumabas sa banyo na animo'y isa akong magnanakaw na natatakot mahuli ng may-ari ng bahay.

"What are you doing?"

"Ay! Kabayo." Sigaw ko at napalingon sa gilid ng pinto ng banyo. Nakapamulsa itong nakatayo roon habang seryosong nakatitig sa'kin.
"Ano ba! Balak mo talaga akong patayin sa takot eh!" Singhal ko sa kanya.

"Tss. Bakit ba kasi nag dadahan-dahan ka pa diyan? Para kang magnanakaw sa itsura mo." Aniya.

"Pakialam mo ba?" Masungit na tanong ko sa kanya. "Puwede ba, lumabas ka dito sa kuwarto ko."

"This is my house. Bakit palalabasin mo ako?" Patuyang tanong nito sa'kin.
Matalim na titig naman ang agad kong ibinigay sa kanya.

"Bakit ba kasi pinatira mo pa ako dito, kung wala naman pala akong PRIVACY sa bahay mo. Makaalis na nga." Naiiritang saad ko at mabilis na dinampot ang bag ko.
Akmang mag lalakad na ako palabas ng kuwarto ko nang biglang inilang hakbang niya ang pagitan namin at mabilis akong pinigilan sa braso.

"I'm sorry." Dinig kong saad nito. "Stay. Lalabas na ako."

Nilingon ko siya at pagkatapos ay tapunan ng tingin ang braso kong hawak-hawak niya. Agad niya din naman akong binitawan.

"I just want to talk to you, pero mukhang wala ka ata sa mood. So, maybe next time." Aniya at tahimik na nilisan ang kuwarto ko.

Napabuga na lang ako ng malalim na buntong hininga 'tsaka pasalampak na umupo sa kama ko.
Haist! Devee, umayos ka naman oh! Mag mula nang makilala mo ang mayabang na 'yan... nagkaganyan ka na.
Ano ang gagawin ko?

"Haynaku!! Bakit kasi ikaw pa?" Naiinis na saad ko sa sarili at pabagsak na humiga sa kama ko. "Payapa sana ang buhay ko ngayon kung hindi dahil sa'yo Ericjan..." Nag pagulong gulong pa ako sa ibabaw ng kama ko dahil sa daming gumugulo at bumabagabag sa isipan ko. Isama pa ang malakas na pag kabog na naman ng puso ko. Baliw na talaga 'to.

BANDANG alas dyes y medya ay umalis na din ako sa bahay para hindi ako malate sa klase ko. Kailangan ko ding dumaan sa boutique ni Tita Yhanie dahil hindi ako nakapasok kahapon. Kabago bago ko lang na trabahante pero nag absent na ako.

"Oh! Devee hija..." Salubong na saad sa'kin ni Tita Yhanie.

"Goodmorning po."

"Goodmorning din. Ang aga mo ata, wala kang pasok?"

"Ahh. Meron po. Dumaan muna po ako dito para humingin ng pasensya dahil hindi po ako nakapasok kahapon." Saad ko. Ngumiti lang ito sa'kin.

"No worries. Huwag mo na isipin 'yun. Okay lang, nandito din naman ang anak ko kahapon tinulungan niya ako."

"Salamat po Tita." 'Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya. Nasa isip ko kasi kanina, baka magalit siya sa'kin. Ang bait niya talaga.

"Oh! Siya, at baka malate ka pa sa klase mo." Aniya. Nag paalam na rin ako sa kanya at pumasok na sa school.

Nasa gate palang ako ng matanaw ko si Kelly na bumaba sa isang kotse. Tatawagin ko na sana siya ng matigilan ako nang makilala ko ang kasama niya na bumaba din sa kotse.
Kunot noo pa akong napatitig sa kanya baka kako namamalik mata lang ako. Kumurap kurap pa ako, pero ganon pa rin. Siya pa rin ang nakikita kong kasama ni Kelly.

Agad akong napasinghap at nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ideyang pumasok sa utak ko.
Si Kelly?
Si Kelly ang fiancee ni Ericjan na sinasabi niya?
Paanong naging si Kelly? Wala naman siyang sinasabi sa'kin.
Nag sisinungaling sa'kin si Kelly?

Kitang kita ko ngayon kung paanong mag ngitian sila sa isa't-isa. Ang tamis at ang lawak ng ngiti ni Ericjan sa kaibigan ko. Ganon din si Kelly na halatang kilig na kilig pa.

May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko ng makita kong hinalikan ni Ericjan si Kelly sa noo niya.
Agad akong nalungkot sa mga nakita ko.
Wala sa sariling nag lakad na ako papasok sa campus habang laglag ang mga balikat ko.

Mukhang masaya at okay naman sila, pero bakit kailangan pang kumuha ni Ericjan ng 'Substitute Bride' niya daw? Niloloko niya ba si Kelly?
Sari-saring mga tanong ang nasa isip ko habang nag lalakad ako sa hallway.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Kaibigan ko si Kelly, pero bakit kailangan niyang mag lihim sa'kin? Akala ko ba walang lihiman at bawal mag sinungaling? Bakit siya?
Gusto ko na rin si Ericjan...

"Bess---" Ang boses ni Kelly ang nagpapukaw sa'kin. Agad naman akong napalingon sa kanya. Nakangiti ito sa'kin ng malawak.
Mukhang masayang-masaya ngayon. Baka nagkaayos na sila ni Ericjan.

Hala!! Paano 'yun? Wala na akong trabaho sa kanya? Paano ang sahod ko sa kanya? 'Yung pinangbayad niya sa apartment ko?

"Okay ka lang bess?" tanong nito sa'kin. Nakatitig na pala ako sa kanya.

"H-ha? Ahhh---o-oo. Okay lang ako." Kanda utal na sagot ko sa kanya.

"Mukhang hindi eh! May problema ba bess?" Nag aalalang tanong nito at hinawakan ako sa braso.

"W-wala. Tara na." Saad ko. Nag patiuna na akong nag lakad papunta sa room namin.

"Are you sure okay ka lang bess?" Tanong muli sa'kin ni Kelly. Tumango lang ako sa kanya at pahalukipkip na umupo sa upuan ko.
Ewan ko ba... at parang naiiyak ako ngayon. Pakiramdam ko na broken hearted ako.
Walang duda. Gusto ko na talaga siya.

Hanggang sa mag simula na ang klase namin, wala ako sa sarili. Lutang ako at lumipad ang utak ko sa ibang mga bagay.
Pagkatapos ng klase namin ay tamlay akong tumayo sa puwesto ko at lumabas ng room.

"Bess. Tara sabay na tayo." Anang Kelly at hinila ako sa kamay.

"Sorry. May pupuntahan pa kasi ako eh!" Saad ko sa kanya at binawi ang kamay ko.

"Saglit lang at may ipapakilala ako sa'yo. Dali na." Aniya at muli akong hinila sa kamay.

Ipapakilala?
Ipapakilala niya ako kay Ericjan?
Paano pag nalaman ni Kelly ang ginawa ng fiancee niya sa kanya? Hindi lang sila ang mag aaway, pati din kami.
Ayukong mag away kami ni Kelly.
Bakit ngayon ko lang naisip 'yun?

"S-sorry Kelly." Malungkot na hinging paumanhin ko. Kunot noo naman itong napatingin sa'kin.

"Sorry? Para saan bess?"

"Ahh-- aalis na ako." Tarantang paalam ko sa kanya ng makita kong papasok na sa gate si Ericjan. Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Bess---" Dinig kong tawag sa'kin ni Kelly.

Pag dating ko sa dulo ng pasilyo ay kumubli ako roon at sinilip ko ang kinaroroonan nila ni Ericjan.

Malawak na naman ang ngiti ni Kelly... at yumakap pa ito sa braso ni Ericjan bago sila nag lakad papalabas ng gate.
Wala sa sariling napabuga na lang ako ng malalim na hininga at napa sandal sa sementong pader.

"Sorry Kelly. Hindi ko naman alam eh!" Bulong na saad ko 'tsaka nag lakad na din palabas ng campus.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon