MSB 13

7.1K 147 1
                                    

Chapter 13

"Bakit late ka na naman bess?" Bungad na tanong sa'kin ni Kelly pagkapasok ko pa lang sa room. Sakto kasi pag dating ko sa school, naka break time sila kaya makakahabol pa ako sa klase namin.
"Siya nga pala, dala ko na 'yung pera na hinihiram mo kay mommy." Aniya.

"Salamat bess, pero 'wag na lang pala. Pasabi kay tita na, salamat." Saad ko dito nang pigilan ko siya para kunin ang pera sa bag niya.
Nag tataka naman itong napatingin sa'kin.

"Bakit, nakapagbayad ka na ba kay Aling Barbara?" Tanong nito.

Tumango naman ako bilang sagot rito.
"Oo. Kagabi pagkauwi ko."

"Saan ka naman nakahiram?"

"Sa ano---" Bigla akong natigilan at napa-isip. Dapat ko bang sabihin kay Kelly ang tungkol sa kabaliwang ginawa ko?
Panigurado ako, kapag sinabi ko 'yun sa kanya... sandamakmak na sermon na naman ang makukuha ko mula sa kanya.
Kilala ko pa naman na ang bibig nito.
'Wag na lang kaya.

"Saan bess?" Tanong nitong muli sa'kin.

"Ahhh... Kay---"

"Kanino? Bakit nauutal ka diyan?"

"Basta. Basta. Pakisabi nalang sa mommy mo, salamat. Hindi na ako hihiram ng pera sa kanya." Saad ko dito at mabilis na nag iwas ng tingin.
Parang binabasa kasi nito ang nasa utak ko ngayon. Mala Phyco kasi ang isang 'to eh!

"Devee..." tawag nito sa'kin.

Ayan na! Seryoso 'to kasi pangalan ko ang ginamit niya.

"Wala nga. May nahiraman akong iba kagabi pagkauwi ko. Naisip ko lang kasi, nakakahiya kasi kung sa inyo pa ako mangungutang."

Isang seryoso at matamang titig pa ang ibinigay nito sa'kin. Sinusuri ako at parang sinasabi ng mga mata niya na, nag sisinungaling ako. At totoo naman 'yun.

"Andito na si Prof. bess." Saad ko sa kanya.
Mabuti na lang at para hindi na ako gisahin nito.

PAGKATAPOS ng klase namin ay agad akong tumayo sa upuan ko at nagpatiunang lumabas ng class room namin.

"Hep! Hep! Hep! Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Kelly ng sumunod din pala ito sa'kin bigla.

"Ahh... Ehh... Mag ccr lang ako bess. 'Tsaka nag mamadali din ako papunta sa Boutique ni tita Yhanie mo."

"Nag mamadali o iniiwasan mo ako?" Makahulugang tanong nito sa'kin.
Agad akong muling nag iwas ng tingin sa kanya at nag lakad uli.

Alam kong hindi ako titigilan ng isang 'to.
Pero hindi pa ako handa na sabihin sa kanya ang ginawa ko kagabi.
Kinakabahan ako, kasi alam kong magagalit siya, pero mas lalo naman itong magagalit sa'kin kung sa iba pa niya malalaman.
Haist!

"Bakit naman kita iiwasan bess?" Kunwari ay tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo! Basta pakiramdam ko lang, you were trying to avoid me. Hindi ka rin makatingin sa'kin ng maayos. I know you Devee Oliveros, I can feel that there is something you didn't tell me. Or, you don't want to share with me."

"Taray! Don't english me bess ha." Kunwari ay natatawa at pag bibiro ko pa sa kanya, pero isang seryosong mukha lang ang ibinigay nito sa'kin.

"Okay. Okay." Itinaas ko pa sa ere ang dalawang kamay ko, senyalis ng pag suko ko sa kanya.
"Ano kasi---"

"Kelly." Agad akong napalingon sa likod ni Kelly ng madinig ko ang boses na 'yun.

"Kevin..." Imbes ay ako ang unang lumapit rito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Are we friends now?" Nag tatakang tanong nito sa'kin, ngunit naroon pa rin ang matamis na ngiti nito sa mga labi. "I mean, the last time we talked I remembered, ayaw mo akong makilala or maging kaibigan."

"Iba ang past tense sa present tense. We're friends now." Pilit na ngiti pa ang ibinigay ko sa kanya.

"Cool hehe." Aniya na pinisil pa ang ilong ko. Tss.
Kung 'di lang ako gipit kay Kelly ngayon, nunca na kausapin kita Mr. Mayabang.
"Ah! By the way Kel, ako muna daw ang susundo sa'yo ngayon. Wala si Mang Mario eh. Tapos na ba ang klase niyo?" Pag iiba nito sa usapan namin. Mabuti na rin iyon, para makalimutan ni Kelly ang tungkol sa usapan namin kanina.

"Yeah. Katatapos lang. Are you sure na okay lang kung ikaw mag hahatid sa'min ni Devee sa SM?"

"No problem with me Kel, and besides we're friends now, right Ms. Sungit?" Nang balingan ako nito.
Isang pilit na ngiti na may kasamang tango ang isinagot ko sa kanya.

"Okay if you say so, kuya Kevin."

"Nah! I'm not your kuya. Let's go at gusto kong kumain muna tayo." Aniya at kinuha nito ang bag ni Kelly.
How so sweet. Gentleman din naman pala.
Pero 'yung akin hindi kinuha? Tss.

"Hindi pa tayo tapos bess. Mag uusap pa tayo mamaya." Bulong nito sa'kin habang nakasunod kami kay Kevin. Pinag titinginan pa kami ng ibang ka schoolmate namin. Paano naman kasi, sino ba ang hindi mapapatingin kung ganito ka guwapo ang kasama niyo?
Mayabang nga lang talaga.

"Wala naman ako maalala na pinag usapan na'tin bess."

"Sige, nag ka amnesia ka kaagad ha." Aniya na ikinangiti ko nalang.
Hanggang sa makarating kami sa mall. Bago mag diretso sa boutique ni Tita Yhanie, ay dumaan muna kami sa foodcourt para kumain. Treat daw ni Kevin. Buti naman, makakatipid na naman ako ngayon hehe.

"So, ano nga 'yun bess?" Tanong sa'kin ni Kelly mayamaya habang seryoso kaming tatlo sa pagkain.

"Anong ano bess?"

"Devee---" Pinanlakihan pa ako nito ng mga mata niya.

"Wala nga bess. Wag mo na lang isipin 'yun. Ang importante ay wala na akong problema ngayon. 'Di ba masaya 'yun?" Saad/Tanong ko sa kanya. "Di ba Kevin?"

"Ha?" Aniya na hindi malaman kung ano ang isasagot sa'kin.

"Oh! Kahit si Kevin sangayon sa'kin. Kaya 'wag ka na mag tanong bess hindi naman importante eh." 

"Pakiramdam ko kasi, may nililihim ka sa'kin ngayon. Alam mo naman na ayuko na nag lilihim tayo ng sekreto sa isa't-isa eh. Best friends tayo kaya dapat no secrets."

Nakakaguilty naman ang bruha!
Oo na sige na. Sasabihin ko na, pero 'wag sa harap ng mayabang na ito.
Mamaya nalang. Nakakahiya kasi eh!
'Tsaka ang mga titig at tingin sa'kin ni Kevin parang iba na hindi ko maintindihan. Parang tumatayo ang mga balahibo sa buong katawan ko.

"Oo na bess. Mamaya, promise." Itinaas ko pa ang isang kamay ko para mangako sa kanya.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon