MSB 15

7.4K 184 1
                                    

Chapter 15

"What took you so long?" Ang seryoso at halatang naiinis na boses nito ang agad na sumalubong sa'kin pagkapasok palang namin ni sir Joseph sa loob ng bahay niya.
Pakiramdam ko kumulo na naman ang dugo ko, nang makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako sa pag mumukha niya.

"Sige po sir Joseph, salamat po ulit sa pag hatid." Imbes ay saad ko sa medyo may edad ng lalaki.
Tumango naman ito sa boss niya pati sa'kin.

"Good night Ms. Oliveros." Aniya at umalis na rin.

Isang nakakapasong titig naman ang sumalubong sa'kin nang balingan ko ito. Prenteng naka upo sa kanyang sofa habang may hawak itong isang red wine glass.
Lumagok ito mula roon habang nananatili pa rin ang paningin nito sa'kin. Pakiramdam ko, nag tatayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa ginagawa nitong pag titig sa'kin.

"Tigilan mo nga ako." Pag tataray na saad ko sa kanya at nag lakad na palapit sa dulo ng sofa na inuupuan niya.

"What?"

"What, what-in ko 'yang mukha mo." Anas ko dito at inirapan ko pa siya. "Saan ba ang kuwarto ko dito? Inaatok na ako at gusto ko ng matulog." Kailangan ko talagang panindigan ang pag susungit ko sa kanya para naman malaman niyang hindi ako basta basta nag papatalo lalo na sa isang kagaya niya. Mayabang at hambog.

"This is not your house." Baliwalang saad nito.

Mabilis akong napapikit ng mariin pagkatapos ay nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga bago humarap sa kanya.

"Eh! Loko ka pala eh. Paaalisin mo ako do'n sa apartment ko tapos ililipat mo dito sa bahay mo ang mga gamit ko, tapos sasabihin mong 'This is not my House'... Ano bang trip mo? Ha?" Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko pati na rin ang bibig ko. Talaga namang loko siya.
"Bahala ka sa buhay mo." Anas ko dito at padabog na nag martsa palapit sa pintuan ng bahay niya. Akma ko ng bubuksan 'yun ng madinig ko ang boses niya.

"Tss. Upstairs. Last room from the right side." Anang damuho, pag kuwa'y tumayo ito sa inuupuan niya at nag lakad papasok sa isang pinto.
Hindi ko alam kung saan 'yun papunta.
Nang mawala na siya sa paningin ko, napapabuntong hininga na lang akong muling humakbang palapit sa hagdan. Dahan-dahan pa akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay niya.
Well, in fairness. Kung ano ang ginanda sa labas ng bahay niya, at sa sala nito... mas maganda din pala ang ikalawang palapag ng bahay nito.

Pinag halong puti at brown ang theme nito, from the wall and floor. Pati ang mga malalaking paintings na naka sabit sa dingding ay halatang mamahalin at gawa ng sikat na mga pintor.

Tatlong kuwarto ang nakikita ko both side. Bali anim 'yun lahat. Napakalawak nga talaga ng bahay niya.
Pero teka lang--napakalaki ng bahay niya, pero wala naman ako nakitang tao rito. Maliban lamang sa mga men in black niyang tauhan pati sa dalawang maids niya.
Baka naman mag isa lang talaga siya rito.
Ang lungkot naman ng bahay na ito.

"What are you waiting for?"

Agad naman akong napapitlag at napalingon sa likuran ko ng magulat ako dahil sa pag sulpot nitong bigla mula sa kung saan.

Tinapunan ko siya ng matalim na titig bago muling binalikan ng tingin ang painting na naka sabit sa kaliwang bahagi ng dingding.
Medyo na attract lang ako sa painting na 'yun. Para kasing pamilyar sa'kin ang mukha ng babaing naka paint roon. Ewan ko lang kung saan ko nakita 'yun.

"Mahilig ka pala sa painting?" wala sa loob kong tanong sa kanya. Huli na nang mapag tanto ko ang ginawa kong tanong sa kanya.
Bakit ko ba kinakausap ang mayabang na ito?

"Go to bed now, Devee. You have a class tomorrow. And, bukas na lang din tayo mag uusap." Imbes ay sagot nito sa tanong ko.
Mayamaya ay nag lakad na rin ito at pumasok sa isang kuwarto na nasa dulo rin ng pasilyo sa bandang kaliwa.

"Haist! Kung ano man ang problema mo sa mundo at ganyan ang ugali mo, ipag dadasal na lang kita." Bulong ko sa sarili at nag simula na ring mag lakad upang tunguhin ang bago kong magiging kuwarto.

Laglag pa ang panga ko ng pagkabukas ko sa pintuan no'n ay isang nakapagandang silid ang sumalubong sa'kin.
Grabe! Alam kong mayaman siya, pero hindi ko talaga iniexpect na ganito kaganda ang magiging kuwarto ko rito sa bahay niya.

Well organized ang mga gamit sa loob nito.
Gustong-gusto ko ang kulay nito. Pink na pinag halo sa kulay gold at silver. Parang naalala ko ang theme ng kuwarto ni Princess Amelia. Isama pa ang with flower decoy na queen size bed. May mini sala din sa bandang gitna nito.
As-in-wow. Mas malaki din ito kaysa sa apartment ko.
Parang pakiramdam ko, bigla akong na in love sa kuwartong ito. Kung ako ang mag kakaroon ng ganitong kuwarto sa bahay ko, hinding hindi na talaga ako lalabas.

"Wow!" Mahinang anas ko sa sarili ko habang pinapasadahan ko ng mga daliri ko ang bawat bagay o display na madaanan ko.
Lumapit na rin ako sa malaking kama. Parang nag aanyaya kasi sa'kin eh.
Pati pa ang carpet sa sahig. Ang lambot. Pakiramdam ko nalulunod ang mga paa ko sa bawat pag hakbang na ginagawa ko.

Umupo ako sa gilid ng kama nang marating ko ito.
Sobrang lambot niya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang bango pa.
Agad akong humiga sa kama. Napapapikit pa akong dinadama ang mga sandaling iyon.
Sure ba na kuwarto ko talaga 'to?
Baka mamaya niya, nasa maids quarter pala talaga ang puwesto ko. Bubugbugin ko talaga ang lalaking 'yun.

"Ang lamig..." Saad ko mayamaya ng makaramdam na ako ng ginaw sa loob ng kuwartong ito. Para naman akong nasa loob ng ref nito sa sobrang lamig. Hindi ata siya galit sa kuryente at sa hangin.
Muli akong bumangon sa kama at nilapitan ang air con... nakita ko naman ang isang remote control na nakalagay sa lagayan nito sa may gilid ng dingding. Kinuha ko iyon at pinatay ang air con.
"Ayan! Mas okay na siya. Baka kasi pag gising ko bukas ng umaga ay para na akong estatuwa dahil nanigas na ako sa sobrang lamig." Bulong kong muli sa sarili at iginala ang paningin sa buong paligid. Hanggang sa mahagip nito ang isang closet.

"Siguro naman, may damit ako rito hindi ba? Nangangati na ako dito sa suot ko. Gusto ko ng mag bihis." Saad ko pa at nag lakad muli palapit rito para tignan kung mga gamit ko nga ang naroon.
Eksakto! Mga damit ko nga, maliba lamang sa ibang gamit na naroon na alam kong hindi sa'kin. Pero feeling ko kasya naman sa'kin.

Kumuha lang ako ng pantulog ko at pumasok na sa banyo para mag half bath.
Wala na akong masabi sa ganda ng kuwartong ito. Kung sana nga hindi pa ako inaantok, mag bababad talaga ako ng matagal sa bath tub na iyon eh. Ang sarap ng tubig. Ang kaso, may pasok pa ako bukas at pagod na talaga ako. Kaya pagkatapos kong mag half bath ay agad din akong bumalik sa kama at para matulog na.

Pero mayamaya, hindi pa man ako tuluyang nakakahiga sa kama ay napabalikwas din ako kaagad ng biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang mayabang na ito.

"Ahh-anong ginagawa mo rito?" Biglang kinabahan na tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako nito ay nag lakad ito palapit sa'kin at walang paalam na hinalikan ang aking mga labi.

Pakiramdam ko ay natuod ako sa kinauupuan ko at biglang tinakasan ng buong lakas ko. Hindi ako makagalaw.
Na estatuwa na ata ako.
Ang bilis nang kabog ng puso ko.
Pakiramdam ko may kuryenteng biglang nanulay mula sa mga labi niya papunta sa labi ko at kumalat sa buong katawan ko.

"Goodnight." Aniya at walang paalam na muling umalis at lumabas sa kuwarto ko.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon