MSB 33

6.5K 165 2
                                    

     


Chapter 33

NAKATULALA si Devee sa kawalan ng may kumatok sa likod ng pintuan ng kanyang kuwarto na siyang umagaw sa atensyon niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan at dahan-dahan na nag lakad palapit sa pinto para pag buksan ang tao roon.

"Are you ready? Let's go." Anang Ericjan na siyang bumungad sa kanya.

"Ah---saglit lang." Aniya at muling nag lakad pabalik sa kama niya para kunin ang maliit niyang bag ganon din ang cellphone ng binata na kanina niya pa tinitignan. "S-salamat." Anito at iniabot rito ang cellphone pag kuwa'y tahimik na nag patiunang nag lakad.
Kunot noo namang tinitigan ni Ericjan ang dalaga na paika-ika kung mag lakad. Napapaisip kung bakit bigla itong nalungkot, gayong kanina lamang ay para itong tigre na nakikipag sagutan sa kanya. Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo at sumunod na rin dito.

"Tulungan na k---"

"H-hindi na. Kaya ko naman mag lakad." Mabilis na saad ni Devee sa lalaki. Bahagya niya pang itinulak ang kamay nitong akma na sanang hahawak sa braso niya para alalayan siyang mag lakad pababa ng hagdan. Hanggang sa makasakay siya sa kotse nito at makarating sila sa malapit na ospital.

"You don't have to worry Mrs. Esparagoza, hindi naman malala ang pagkakatisod mo. Bibigyan na rin kita ng ointment in case na mamaga ulit siya. But I'll advice you na huwag ka na lang muna mag kikilos para marelax ang joint mo sa ankle." Nakangiting saad ng babaing doktora kay Devee. Tumango na lang din siya bilang tugon rito.

"Thank you doc. Mauuna na ho kami." Anang Ericjan na agad ding tumayo sa tabi niya at nakipag kamay sa doktora.

"No problem Eric. Congratulations again. Nice meeting you Mrs. Esparagoza." Aniya sa dalaga. Malingalingang sabihin ni Devee sa doktora na 'Hindi naman ako asawa ng lalaking ito' dahil sa selos na kanyang nararamdaman.

Kanina pa siya hindi matahimik. Binabagabag ang kanyang puso't isipan dahil sa larawan na iyon. Hindi parin mawala wala sa utak niya ang matamis na ngiti ni Ericjan habang kasama ang babaing 'yun. Oo na. Nag seselos siya. Nag seselos siya dahil dun sa babaing kasama nito. Dahil sa totoong fiancee nito. Alam niyang wala siyang karapatan na maramdaman iyon, dahil wala naman talaga siya sa tamang lugar para mag selos. Dahil hindi naman siya gusto ng binata. Pero hindi niya talaga mapigilan ang kanyang sarili. 'Yun ang ikinakainis niya. Nag seselos siya sa taong hindi naman sa kanya.

"May problema ka ba?" Untag na tanong sa kanya ng binata habang nag lalakad sila sa pasilyo ng ospital. Sa halip na mag salita para sagutin ang tanong nito. Umiling lang siya at muling itinuon ang pansin sa unahan niya.
"Devee..." Malumanay na tawag ni Ericjan sa pangalan niya. Bakit parang nahimigan niya ang lungkot roon? Nalulungkot ba ito dahil sa ginagawa niyang pambabaliwala rito simula kanina? O, baka naman nag aassume na naman siya. "Are you mad at me? Ba't hindi mo ako kinakausap? Dahil ba sa pagtatalo natin kanina? Tell me. Hindi ako sanay na tahimik ka at hindi mo ako sinasagot." Pagpapahayag nito. Totoo 'yun. Naninibago ang binata sa ikinikilos niya. Hindi niya kasi mabasa at mahulaan kung ano ang problema nito o ano ang iniisip nito. Mas gusto niya pang palagi itong nag tataray sa kanya, at least kinakausap siya.

Saglit na huminto sa paglalakad si Devee at binalingan niya ang lalaking nasa likuran niya.

"S---" Ani Devee na agad ding natigilan. Nag dadalawang isip kung dapat niya bang itanong iyon sa binata. Anong karapatan niya? Napapabuntong hininga na lamang ito pag kuwa'y muling itinuloy ang pag lalakad.

"What? Tell me." Anang Ericjan at mabilis na pinigilan ang kamay niya kung kaya't napahinto siyang muli. "Is there something bothering you?" kunot noong tanong nito.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon