MSB 24

6.5K 163 1
                                    

Chapter 24

"GOOD MORNING---" Napapikit pa ng mariin si Devee nang pagkalabas niya sa kanyang kuwarto ay biglang bumungad sa harapan niya si Ericjan.

"Jusko naman, oo!!" Anang dalaga. "Hindi ka ba marunong umabiso ng tao bago ka sumulpot sa kung saan? Papatayin mo ako sa nerbyos eh!" Naiinis na saad nito sa binata at sinamaan ng tingin.

"I'm sorry." Aniya.

"Tss. Bakit?"

"Just want to say good morning." Anang lalaki na hindi pa rin umaalis sa tapat niya.

"Well, walang GOOD sa morning ko kaya umalis ka na sa harap ko." Pag tataray pa nito.

Wala sa sariling napabuntong-hininga ang binata at napasandal sa gilid ng pader habang nakapamulsa pa rin. Pag kuwa'y seryosong tinitigan ang dalaga.

"B-bakit?" Pag kuwa'y tanong ni Devee rito.

"Hanggang kailan mo ba ako susungitan?" Tanong nito. Agad naman napalunok ng laway si Devee dahil sa kakaibang emosyon na nakikita sa mga mata ng binata. Hindi niya matukoy kung tama ba ang hula niya na bigla itong nalungkot nang tanungin siya nito.
Hanggang kailan nga ba Devee?
Wala naman ginagawa sa'yo 'yung tao.
Ito na naman ang pamilyar na kiliti sa kaibuturan niya. May kung anong nag liliparan sa sikmura niya. Animo ay parang magnet ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"H-ha?" Nauutal at kinakabahang tanong ni Devee.

Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga si Ericjan at ito na mismo ang nag iwas ng tingin sa kanya.

"Just... forget about it." Ani Ericjan sa mababang boses.

Parang na lungkot naman bigla si Devee sa hindi rin niya matukoy na dahilan.
Hindi niya na talaga maintindihan ang kanyang sarili.
Dapat talaga ay itigil niya na itong nararamdaman niya habang maaga pa.

"So-sorry..." Wala sa sariling sambit ni Devee sa binata. Maging siya man ay nagulat sa sarili kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.
Mayamaya ay nag angat ng tingin si Ericjan. Nag tatanong ang mga mata nitong tumitig sa kanya.

"W-what?"

"Ahh... So-sorry."

"Sorry... for what?"

Mabilis na nag alis ng tingin si Devee sa binata dahil sa kakaibang tensyon na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

"Ewan ko. Baka... basta. Sorry." Aniya.

"Sorry din." Anang binata na siyang muling nag paangat sa mukha ni Devee.

"Sorry... Para saan?"

"Hindi ko rin alam." Tipid na saad nito at muling nag iwas ng tingin sa dalaga. Itinuon nito ang paningin sa marmol na sahig habang nakikiramdam pa rin sa dalaga.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa.
Parang, wala ata ni isa sa kanila ang gustong mag salita at putulin ang katahimikan na iyon.

"Ahh---"

"Ahh---"

Sabay pang sambit nilang dalawa at nag tama ang mga paningin nila. That awkward moment.

"You first..." Anang Ericjan.

"I-ikaw muna."

"Well, um... Ha-hatid na kita sa school mo." Anang Ericjan.

Wala sa sariling napatingin si Devee sa relo niyang nasa bisig. Pasado alas dose y medya na pala. Hindi niya manlang namalayan na mahigit sampong minuto na pala siyang nakatayo sa tapat ng kanyang kuwarto habang kasama ang lalaking pilit niyang iniiwasan.
Napabuntong hininga na lamang ng malalim ang dalaga.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon