MSB 43

6.5K 148 0
                                    

Chapter 43

"BILISAN MO na diyan. Malalate na tayo." Sigaw ni Devee mula sa labas nang pinto ng banyo ni Ericjan. Kanina niya pa ito tinatawag at pinag mamadali sa pag ligo, pero halos mag iisang oras na ito sa loob ng banyo at mukhang wala pa atang balak na lumabas.

"Eric. Malalate na ako." Naiinis na muling sigaw ng dalaga. Saka naman bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa roon ang lalaking kanina niya pa kinaiinisan.

"I'm sorry, commander. Ito na nag mamadali na nga." saad pa nito at binaliwala ang matalim na titig ng dalaga sa kanya at nag tuloy na palapit sa closet nito para mag hanap ng damit niya.

"Kanina pa kita sinasabihan eh! Pinaiinit mo talaga ang ulo ko." Turan nito habang nakapamaywang na nakatayo sa gilid ng kama nito.

"Huwag ng uminit ang ulo mo, wife. Papanget ka niyan lalo." Anas nito na napapangiti pa. Sadyang iniinis talaga siya nang lalaking ito. "Just relax. Hindi ka malalate. Gusto mo mag helicopter pa tayo para makarating ka agad sa graduation mo?" Dagdag pa nito.

"You're not funny any more." Nakalabing turan ng dalaga sa nobyo niya. Mabilis namang lumingon sa gawi niya ang binata at nag lakad palapit sa puwesto niya nang makita nito ang nakatulis niya na namang mga labi. Mabilis iyong hinalikan ni Ericjan pag kuwa'y pinaupo siya sa gilid ng kanyang kama.

"Okay I'm sorry. Just sit here at mag bibihis na ako. Don't worry, hindi ka malalate. I'll make sure of that." Anito at muling nag lakad palapit sa closet nito at mabilis ngang nag hanap ng damit na susuotin nito.

Sino ba naman kasi ang hindi mag aalala na ma-late sa graduation niya, gayong kanina pa panay ang tawag sa kanya ni Kelly na halos lahat ng kaklase niya ay naroon na at siya na lamang ang wala. Paano naman kasi, babagal-bagal itong partner niya. Kung hindi lang ito ang nag presenta sa kanya na ito ang sasama sa kanya sa graduation niya malamang na kanina niya pa itong iniwan roon sa bahay nila.

Muling humugot ng malalim na buntong hininga ang dalaga saka iyong pinakawalan sa ere.

"Let's go wife. I'm done." Anang Ericjan na nakatayo na pala sa tapat niya ng hindi niya manlang namamalayan. Mabilis nitong kinuha ang kanyang kamay at iginiya na siya papalabas ng kuwarto nito.

"Congrats po ulit ma'am Devee." Bati sa kanya nang dalawang kasambahay nila. Oo. Kasambahay nila. Iyon ang parating itinatama sa kanya ni Ericjan kapag sinasabi niyang kasambahay nito. Siya na rin daw ang amo ng mga ito gayong fiancee naman daw siya nito. Kinikilig pa siya tuwing sasagi sa kanyang isipan ang mga katagang iyon.

Sino ba naman kasi ang mag aakalang, nag simula sa isang kontrta bilang 'Fake Fiancee' nito slash 'Substitute Bride' nito... tapos ngayon, ayan siya. Nag katotoo na ang lahat ng pangarap niya tatlong linggo na ang nakakaraan. Siya na ang official na girlfriend slash Fiancee slash Soon-to-be-Bride nito.

"Salamat po." Nakangiting tugon niya sa dalawa bago tuluyang lumulan sa sasakyan ng binata.

PAGKARATING nila sa ekwelahang pinapasukan ni Devee ay halos pasimula na rin ang marching nila. Kung kaya't nag kukumahog na rin siyang pumunta sa kanyang puwesto, habang nag tungo na rin ang binata sa upuan nito.

Proud na proud pang tumayo sa kinauupuan niya si Ericjan at nag lakad paakyat ng intablado nang tawagin ang kanyang pangalan upang siya ang magsuot sa dalaga nang medalya nito.

Kunot noo mang nag tataka si Devee ay hindi na rin niya napigilan ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang lumapit na sa kanya ang binata at isuot sa kanyang leeg ang medal.

"Bakit ikaw? Si dean naman dapat ang mag lalagay no'n sa'kin." Aniya na hindi parin mawala-wala ang ngiti at kilig niya.

"That truth is, kinausap ko ang dean mo na kung puwede ako ang mag susuot sa'yo ng medal mo. Because I'm so proud of you, wife. I love you." Anito at mabilis na ginawaran ng halik ang kanyang mga labi na siyang naging dahilan ng malakas na pag ungong ng hiyawan at palakpakan sa loob ng malawak na gymnasium ng kanilang eskwelahan.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon