MSB 30

6.9K 184 3
                                    

Chapter 30

PANAY ang tunog ng cellphone ni Devee pero wala talagang balak na sagutin iyon ng dalaga. Nakahiga ito sa kanyang kama habang nasa ilalim ng makapal na kumot. Kanina pa siya naroon, at mukhang wala rin itong balak na lumabas mula sa pagkukulong sa ilalim ng kumot.
At ano naman ang mukhang ihaharap niya sa lalaking makakasalubong niya kapag lumabas na siya sa pintuang iyan? Hiyang-hiya siya sa sarili... maging sa binata.
Pagkatapos nang kagagahang ginawa niya sa nag daang gabi, muntikan niya ng rape-in si Ericjan, tapos kanina nakita pa siya nitong halos hubo't-hubad na.

What on earth! Bakit naman kasi iyon ang pumasok sa isip niya? Hindi niya ba naalala na wala na siya sa apartment niya? Nasa bahay siya ng ibang tao. Dapat nag iingat siya sa mga kilos niya. Paano pala kung hindi niya isinuot ang panloob niya kanina bago tinanggal ang tuwalya niya sa katawan? Eh 'di nag kanda luko-loko na.
Parang gusto niya na tuloy mawala sa mundo. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam niya parin ang pag-iinit sa buong mukha niya.

"Ahhhhh..." Impit na hiyaw niya sa ilalim ng kanyang unan. "Devee... Jusko naman. Ipinanganak ka ba ng nanay mo na may kakambal na katangahan? Why? Why? Why?" Mababaliw na ata siya kakaisip sa mga nangyari kanina. Kahit anong pilit niyang iwaglit iyon sa isipan niya... Iyon at iyon parin talaga ang lumilitaw sa utak niya. Lalo na ang mukha ni Ericjan na nakasilip sa pinto habang tinatanong siya nito ng 'Are you okay?'. Baliw talaga. "Huhu. Nay, Tay... Sorry po. Patawarin niyo po ako. Hindi ko naman po 'yun sinasadya eh!" Aniya.

Muling tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng side table. Inalis niya ang kumot sa katawan pag kuwa'y inabot ang cellphone niya. Si Kelly pala ang tumatawag sa kanya kanina pa. Pero imbes na sagutin ito, pinatay niya ng tuluyan ang kanyang cellphone at itinago sa kanyang drawer. Knowing Kelly, madami na naman itong itatanong sa kanya. Muli siyang pumailalim sa makapal na kumot.

Teka nga... Hanggang kailan siya mag tatago roon sa ilalim ng kumot? Eh! Wala naman siyang kasalanan kay Ericjan ah. Bakit siya nag tatago sa binata? Dapat nga ito ang mahiya sa kanya dahil sa mga nangyari. Anang kanyang isipan.

"Tama. Bakit naman ako ang mahihiya? Dapat siya ang mahiya sa'kin." Anito.

'Pero Devee... Katawan mo ang nakita niya. Dapat ikaw ang mahiya, hindi siya.' Pag tutol ng kanyang konsenya.

"Ahhhhh. Kasalanan mo 'to Ericjan. Kung hindi ako nag inom kagabi, hindi mangyayari 'to ngayon. Huhu." Muling pag ngawa ni Devee at pinakawalan ang sarili mula sa ilalim ng kumot.

"Ma'am Devee..." Natigil sa pag ngawa ang dalaga ng mula sa labas ng kanyang kuwarto ay nadinig niya ang boses nang isang kasambahay ni Ericjan. "Ma'am Devee, hindi pa po ba kayo nagugutom? Iaakyat ko po ba ang pagkain niyo?" Tanong nito sa kanya. Saka lamang nakaramdam ng pagkulo ng tiyan ang dalaga. Wala sa sariling napabaling ang tingin niya sa maliit na orasan na nasa ibabaw ng kanyang side table.

Hala! Alas otso na pala ng gabi? Hindi niya manlang namalayan ang oras. Sobrang tagal niya na palang nag kukulong sa ilalim ng kumot niya. Nakalimutan niya na ring kumain ng tanghalin kanina. Tapos ngayon, hindi parin siya kumakain ng haponan niya.

"Ma'am Devee... Kami po ang mapapagalitan ni sir Eric mamaya pag dating niya kapag nalaman niyang hindi pa po kayo kumakain mula kanina." Anang kasambahay na nag aalala na rin. Wala sa sariling napabangon ang dalaga mula sa pagkakahiga sa kanyang kama at binuksan ang pinto habang nakatalukbong parin ang kumot sa kanyang buong katawan. Nagulat pa ang babae ng makita ang kanyang itsura.

"Ay! Jusko, ma'am ano pong nangyari sa inyo?" Nag tataka at nag aalalang tanong nito.

"Shhhhh." Senyas niya rito habang nakadungaw ang mukha niya sa maliit na bilog ng kumot. "Nasaan ang sir mo?" Tanong niya sa kasambahay ni Ericjan.

"Wala po si sir kaninang umaga pa po umalis." Sagot nito. Saka lamang nakahinga ng maluwag si Devee. "Kumain na po kayo sa baba." Aniya.

"Anong oras ba siya uuwi?" Sa halip ay tanong niyang muli at sinilip pa ang katapat na pinto. Ang kuwarto ni Ericjan.

"Hindi ko po alam ma'am. Wala naman pong tamang oras ang pag-uwi ni sir. May sarili po siyang susi dito sa bahay, ang sabi niya pag patak ng alas nuebe, wala na dapat kaming gagawin na trabaho kasi oras na ng pahinga namin 'yun." Pag papaliwanag nito sa kanya. Napapatango na lamang siya.

"Sige. Sige. Salamat po."

"Hindi po kayo kakain?" Ulit na tanong nito sa dalaga.

"Mamaya na lang po. Bababa nalang ako kapag nagutom ako ulit. Salamat." Ani Devee at muling isinara ang pinto ng kanyang kuwarto. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga.

"Haist! Wala naman pala siya dito sa bahay kanina eh! Dapat bumaba na lang ako para kumain." Aniya sa sarili. "Hay naku! Devee... Devee... Devee... Ang saya naman ng buhay mo ngayon. Pagkatapos mong mag lasing dahil sa selos mo doon sa kausap ng lokong iyon, ibinilad mo naman ang kaluluwa mo sa harapan niya. Ano na ang susunod na gagawin mong kapalpakan ha?" Muling pagkakausap nito sa sarili. Nababaliw na nga talaga siya.

ILANG minuto pa siyang nag munimuni sa ibabaw ng kanyang kama, bago nag pasyang lumabas ng kanyang kuwarto at mag tungo sa kusina para kumain. Medyo nahihilo na naman siya dala sa gutom niya. Dahan-dahan niya pang binuksan ang pinto at muling sinilip ang tapat na kuwarto. Pinapakiramdaman kung may tao na roon. Nang mapagtanto niyang tahimik at wala pa ang binata, lumabas na siya ng tuluyan sa kanyang kuwarto at nag lakad patungo sa hagdan, pababa sa kusina. Para pa siyang mag nanakaw na dahan-dahang pumasok sa kusina. Hindi na rin siya nag abalang buksan ang ilaw dahil naaaninag niya naman ang loob ng kusina dala sa ilaw na nag mumula sa poste sa labas ng bahay.
Kukuha lamang siya ng pagkain niya at doon na lalantakan sa kuwarto niya.

"Ah." Anang boses na biglang napaigik pagkabukas niya sa pinto ng malaking ref. Medyo natakot pa si Devee sa isiping, hindi siya nag iisa sa kusina nang mga sandaling iyon. May multo ba dito? Tanong niya sa sarili.
"Aw. My hand. God! Inapakan mo ang kamay ko." Anang boses ng lalaki. Agad na napaatras si Devee ng makilala ang boses na iyon.

"E-ericjan?" Nauutal na sambit niya sa pangalan ng lalaki habang pilit na inaanig ito sa malamlam na liwanag.

"Tss. Can't you see? May tao dito hindi ka manlang nag iingat." reklamo pa nito. For god sake! Sino naman kasi ang mag aakalang may tao pala sa gilid ng ref... at talagang sinisi pa siya ng loko. Malay ba niya. Eh, wala ngang ilaw 'di ba?

"Gosh! Ang sakit ng kamay ko." Anito at tumayo na rin.

"Malay ko bang nandiyan ka. Madilim, kaya hindi kita nakita." Anang Devee.

"Tss. Why don't you turn on the lights, idiot." Dinig niyang saad nito. Hindi niya maaninag ng mabuti ang hitsura nito, pero alam niyang nakatitig ito ngayon sa kanya, dahil na rin sa kakaibang pakiramdam niya. Nag tatayuan din ang mga balahibo sa katawan niya.

"S-sige. Ba-balik na ako sa kuwarto ko." Inis na saad niya dahil sa pag tawag nito sa kanya ng Idiot. Hindi niya na itinuloy ang pagkuha ng tubig. Akma na sana siyang tatalikod para lisanin ang kusinang iyon ng bigla niya nalang maramdaman ang mainit na palad nitong nakahawak sa braso niya at walang paalam na hinila siya pabalik rito. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi na namalayan ni Devee kung ano ang ginawa nito sa kanya. Basta na lamang siya natauhan ng pakiramdam niya hindi na siya makahinga.
Sakop pala ng binata ang kanyang mga labi.

What? Ericjan kiss her? They're kissing right now. Again.
Sobrang lakas ng kabog nang puso ni Devee. Pakiramdam niya lalabas na ito mula sa dibdib niya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon. Kung hindi pa man din humiwalay sa kanya si Ericjan, baka tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.

"Let's sleep, wifey." Bulong nito sa tapat ng mukha niya. Saka lamang nalaman ni Devee na nakainom pala ito dahil sa amoy ng hininga nito. Amoy alak. "Let's sleep." Anang binata at mabilis na yumakap sa kanya.

♥❇♥❇♥❇♥❇♥❇♥❇♥

Last update for today next time ulit maybe next Saturday?😁😉😏

Bawing-bawi naba ako ?

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon