Kabanata 3

10 2 0
                                    

ETHAN'S POV

Siya na nga ba?

Nasilayan ko ang mapupungay niyang mata, itim na paalon-alon na buhok, maganda at ....sexy, maputi at makikinis ang balat gaya ng babaeng nakita ko sa mall.

Hindi, panginip lang ito. Ethan, panaginip lang ito.

Kinusot ko ang aking mata at hindi nagbago ang kaniyang itsura. Syan na nga.

"Yvanna?" Napatayo ako at wala sa sariling nagtanong. Kailangan ko munang kumpirmahin. "Yvanna Wellerman?"

"Yes! I'm Yvanna Wellerman. How did you knew? Are you a psychic?" Maarteng tanong nya. Sya na nga. Yvanna. P-pero ano daw? How did you knew? Paanong...

"Yvanna!" Tumakbo ako papunta at niyakap ko sya nang mahigpit.

Ang tagal ko syang hinintay. Na-miss ko sya. Matapos ang isang taon, ang saya-saya kong makita sya. Ang taong matagal kong hinintay, nagbalik na. Ang taong minahal ko nung kabataan namin, yakap-yakap ko na.

"Hey you! Stop hugging me you pervert!" Tapos tunulak nya ako palayo sa kaniya kaya napalayo ako. Parang dinurog ang puso ko ng itulak nya ako.

"Ethan! What's going on?!" Galit na tanong ng teacher namin.

"Yvanna! Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'yung kababata mo! Ako 'to si Ethan Fontanilla!" Sigaw ko nang may diin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nangingilid na 'yung luha ko sa mga mata ko. Alam kong nakatingin sa amin 'yung mga kaklase namin.

"Ethan tama na 'yan! Umupo ka na lang." Pagpipigil  sa akin ni Andrei. Hinihila na niya ako papuntang upuan ko pero hindi ako nagpapatinag.

"You? Ethan Fontanilla? For your information, I never have a poor boy childhood friend like YOU! Duh!" Pagsusungit niya. Nasaktan ako sa sinabi nya nang lubos-lubos. Hindi ako nasaktan sa salitang 'poor' kundi sa salitang 'never'.

Doon na ako tuluyang nalungkot. Umasa ako na magiging mabuti pa rin kaming magkaibigan. Akala ko naaalala nya pa ako. Akala ko ba walang limutan? Mahirap pa lang mawalan ng matalik na kaibigan. Hindi ko hinangad ito. Hindi ko akalaing hindi nya ako makikilala.

Ang tagal ko syang hinintay tapos ganito lang mapapala ko? Sa loob ng sampung taon, kinalimutan nya lang ako? Ang sakit sakit sa pakiramdam na nagawa kang kalimutan ng taong importante sayo.

Hinila ako ni Andrei pabalik sa silya. Alam kong nakakahiya ang ginawa ko sa harap ng mga kaklase ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napasundok na lang ako sa hangin sa sobrang inis.

"Kalimutan mo na 'yun Ethan. Andito pa naman ako, insan." Sabi sa akin ni Andrei. Mahirap kalimutan. Ngayon ko lang narinig na tawagin nya akong insan. Mag-pinsan kami pero pangalan namin ang tawagan namin.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon. Nagsimula nang magdiscuss ang mga teacher namin. Buong first period ay lutang ang isip ko. Iniisip ang maaring sagot sa mga tanong ko kaya lalong dumarami ang tanong sa isip ko. Bakit nya ako kinalimutan? Paano? Sa anong dahilan?

Malayo ang upuan ni Yvanna sa upuan ko.

Hindi ko akalain na nakalimutan na nya ako. At higit sa lahat, mataray na sya. Hindi sya ganoon nung bata pa kami. Mabait sya, palatawa, at hindi mataray.

Pagkatapos ng first period ay dumiretso ako sa library dahil iyon ang pinakatahimik na lugar sa buong school namin. Wala akong ganang kumain dahil sa mga nangyari kanina. Kahit public 'tong school namin, may library ito dahil suportado ito ng mayor namin.

Pagpasok ko ay walang tao sa loob maliban sa librarian. Humanap ako ng pwesto kung saan hindi ako kita ng librarian. Ayokong makita nya kung ano ang ginagawa ko dahil sa pagkakaalam ko, usyoso daw ang librarian at mahilig gumawa ng tsismis tungkol sa mga estudyanteng pumupunta dito.

Habang nahlalakad ako, naririnig kong sinisitsitan ako ng mga babae dito sa library. Kapag lumilingon ako, nakangiti silang kakaway habang namumula. Tsk.

Agad akong pumili ng libro. Tungkol kaya saan? Aling genre ba ng kwento ang magpapagaan sa loob ko? Siguro Sci-Fi na lang kasi mahilig ako sa science. Sana nga makalimutan ko ang mga sumasagi sa isip ko.

***

ANDREI'S POV

Nasan na kaya si Insan? Kanina pa ako paikot-ikot dito sa canteen. Lumapit ako sa tindera ㅡ hindi ko alam ang tawag eh ㅡ ng canteen namin.

"Uy Andrei! Nasaan 'yung kaibigan mo? Oo nga pala, ni-reserve ko na kayo ng tig-isang egg sandwich at syemre 'yung itlog ay may patatas!" Sabi noong tindera. Malapit ako sa kanya dahil halos tatlong taon na siya ditong nagtratrabaho.

"Salamot po pero hindi ko nga po siya makita eh. Kanina pa po ako paikot-ikot dito pero wala po sya eh." Paliwanag ko sa kanya. Nasaan na kaya si Insan?

"Ahh ganun ba? Sige pakidala nalang ng sandwich sa kanya." Tapos binigay nya sa akin 'yung sandwich na naka-reserve kay Ethan.

Nagbayad na ako at nagpasalamat. "Salamat po." At umalis na ako.

Matapos ang nangyari sa kanya kanina, saan kaya pupunta si Ethan? Baka sa lugar kung saan sya makakapag-pahinga at tahimik. Ayun! Nasa library sya!

Pumunta agad ako sa library namin. Hindi na ako nag-abalang magtanong sa librarian dahil sa taglay nitong kasungitan. Nilibot ko ang library at nakita ko si Ethan na nagbabasa.

"Uy Ethan!" Lumingon siya sa akin.  "Andyan ka lang pala! Kanina pa akong paikot-ikot dito sa campus! Nakakapagod kaya!" Tapos nagkunwari akong hingal na hingal. Nakakapagod naman talaga.

"Ohㅡ" Kinuha nya ang tumbler nya at binigay sa akin. "ㅡ Uminom ka muna. Naniwala naman kasi ako na napagod ka." Tapos inalok nya ako ng tubig na may pang-aasar. Masyado namang halata na hindi ako napagod kasi wala akong kapawis-pawis. Haysss.

Uminom muna ako bago ko sya inalok ng sandwich.

"Ethan, sandwich mo nga pala." Sabay abot ko sa kanya. Hindi niya ito tinitigan ni sulyap man.

"Salamat, pero wala akong ganang kumain." Tapos kinuha na niya ang tumbler nya.

Maya-maya ay tumunog na 'yung bell at bumalik na kami sa classroom.

***

Ethan's POV

Pagkabalik namin ni Andrei sa classroom ay nakita ko si Yvanna na tahimik lang na nakikinig ng tugtug yata sa kanyang earphones. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga inasta nya kanina.

Lutang na naman ang isip ko dahil sa mga tanong ko tungkol kay Yvanna.

Bakit nakalimutan na nya ako?

Bakit mataray na sya?

Ano bang nangyari sa kanya?

Sana ay magkaroon na ng sagot sa mga tanong ko sa gagawin ko mamaya.

Maya-maya ay tumunog na ang bell. Nilapitan ko si Andrei upang sabihan siya na mauna na sya.

"Andrei, mauna ka na. May gagawin pa ako." Tapos tinapik ko sya sa balikat.

"Sige." Tinapik nya rin ako sa balikat.

Agad akong umalis at hinabol ko si Yvanna.

"Sumama ka sakin sa library!" Tapos hinigit ko ang braso nya at naglakad papunta sa library.

"Ano ba?! Don't touch me!" Pero hindi ko sya pinakinggan.

Nang dumating kami sa library ay wala ang librarian. Doon ko siya hinarap.

"Bakit hindi mo na ako maalala, Yvanna. Akala ko ba walang limutan?" Agad kong sabi sa kaniya. Dineretso ko na siya kaysa magpaligoy-ligoy pa.

"Hindi nga kita kilala, Ethan! Noong 6 years old ako noong nandito pa kami sa Pilipinas eh ngayon 16 na ako. It's been 10 years since we go there in USA!" Sagot niya sa galit at mataray na tono. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Kung hindi mo talaga ako nakikilala, sige, tutulungan kitang alalahanin ako. Ibalik natin ang pagkakaibigan natin. Pero ako, naalala pa kita. My Heart Still Remember You." Ayun na lang ang nasabi ko.

"No!"

.

.

.

At sinampal nya ako.

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon