Kabanata 20

2 0 0
                                    


ANDREI'S POV

"Eh! Eh! Oh! Eh! Oh! Ssak da bultaewora! Bow wow wow!" Kanta ko pa sa kwarto ko habang naglalaro ng Minecraft. Nanununog ako ngayon ng bahay ng mga villager kaya Fire ang napili kong kanta. Hahaha!

Hindi naman ako mahilig sa KPop, pero gusto ko ang Fire. Tsaka depende sa mood ko ang kinakanta ko.

"Hey, burn it up jeonbu da teul geot-!" Napatigil ako sa pagkanta nang may nag-text.

From: Lovely
Aalis lang ako kasama ang mga pinsan kong babae.

To: Lovely
Ingat :)

Itinuloy ko na ulit ang nilalaro ko. Hays. Ang boring sa bahay. Wala kasing pasok ngayon tapos aalis pa sina Lovely.

Teka, ma-yaya nga si Ethan.

Kinuha ko yung cellphone ko tsaka pinindot yung video call. Konting saglit lang sinagot na ni Ethan ang tawag.

"Oh?" Tanong nya sakin. Mukhang bagong gising pa ah.

"Kakagising mo pa lang?" Natatawa kong tanong.

"Mm." Tumango-tango pa sya. Gulo-gulo pa nga yung buhok nya.

"Tulog ka pa niyan? 10:00 na!" Natatawa kong tanong. Hindi naman antukin yang si Ethan ah..teka...di kaya..."May ginawa kayo ni Steph kagabi noh?"

Nanlaki ang mata nya tsaka biglaang bumangon. "Ha!? Wag ka ngang magsalita nang ganyan! Wala kaming ginawa! 3:00 kaya kami umuwi!" Depensa nya pa.

"Oh edi wow! Pwede ka ba ngayon? Gala naman tayo, yung tayong dalawa lang!"

"Sige, mamayang 1:00. Tutulog pa muna ulit ako."

"Teka nga Ethan....yung totoo, may ginawa ba kayo ni Steph? Kasi di ka naman gumigising nang ganyan." Sabi ko pa.

"Andrei, wala ngang nangyari. 3:00 kami umuwi kahapon. Kaya ako puyat, kasi nag wattpad ako." Paliwanag nya pa.

"What!? Wattpader ka!?" Gulat kong tanong.

"Oo, alam mo naman ako, mahilig ako sa mga detective stories tsaka bookworm ako di ba? Kaya ayun, namili ako kahapon ng mga libro kasama si Steph."

"Ahh...sa libro ka pala nagbabasa akala ko sa cellphone. Ganyan kasi si Lovely eh, sa cellphone nagbabasa."

"Sige na, basta mamaya ah?" Humiga na sya sa kama nya.

"Geh." Sabi ko sabay end ng video call.

***

Simpleng pantalo at t-shirt lang ang suot namin ni Ethan ngayon. Nandito kami sa mall, nag-iikot-ikot.

"Tara, manood tayo ng sine. Ang ganda pa naman ng palabas oh." Aya ko sa kanya nang mapadaan kami sa may sineha. Horror movie ang palabas ngayon at balita ko, sobrang ganda daw nun.

"Sige." Tapos nagbayad na kami.

Sa bandang dulo kami sa utaas umupo. Nakakangalay kasi sa leeg kapag sa harapan eh.

"Teka, si Lovely ba yun?" Bulong ni Ethan. Napatingin ako sa babdang harapan namin. Tinitingnan nya yung lalaki at babae pero agad kumunot ang noo ko nang makita si Lovely.

"Si Lovely ba yun?" Tanong ko pa habang tinitingnang mabuti yung babae. Parang si Lovely talaga sya kapag nakatalikod.

"Bakit may kasama syang lalaki?" Bulong pa ni Ethan.

Ang alam ko kasi, aalis sila nung mga pinsan nyang BABAE ngayon. "Hindi naman ata yan si Lovely. Umalis si Lovely kasama yung mga pinsan nya babae." Bulong ko kay Ethan.

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon