Kabanata 6

7 2 0
                                    

ETHAN'S POV

HAYSS. Ang ganda ng gising ko. Thursday ngayon at bukas ay friday na. Sa wakas makakapagpahinga na ako.

Kumain muna ako tapos dumiretso sa banyo. Tumingin ako sa salamin para pagmasdan ang gwapo kong mukha. Ngumiti ako at syempre bumungad saking ang pink at malalambot kong labi, maputing ngipin.

Pero may napansin ako sa bandang noo ko. Malapit sa buhok. Hindi, hindi pwede. Pinikit ko 'yung mata ko pagdilat ko andun pa din 'yung....

pimple...

No! Hindi pwede. Baka mapansin 'to ni Yvanna!

Naghilamos agad ako at sinabon kong maigi 'yung pimple. Pimple kasi isa lang tsaka maliit pa lang naman.

Pagkatapos nun naligo na ako't nagbihis tsaka lumabas ng bahay. Amabango nung bago naming shampoo. Amoy melon.

Bumungad sa akin ang puting kotse nila Yvanna. Buti nalang tinakpan ko ng buhok 'yung pimple ko. Haha.

Sumalay na ako sa kotse at syempre katabi ko sya. Napayuko nalang ako dahil nahihiya akong ipakita sa kanya.

At ayun na nga. Nakatingin sya sa mukha at kinikilatis tapos bigla syang tumawa. Ughh! Nalaman nya este nakita!

"Pffft hahahaha! Kaya ka pala nakayuko kasi may pimple ka. Hahaha. Okay lang 'yan gwapo ka pa naman din eh." Sabi nya. Pero anong nakakatawa? Ha?

"Nakakatawa 'yon?" Pang aasar ko sa kanya. Bigla naman syang sumimangot tapos may kinuha sya sa bag nyang parang make-up. Anong gagawin mo sa akin?! Wag mo akong gawing clown!

"O eto gamitin mo. Kaya nyang magtago ng pimple basta piliin mo 'yung kulay na kasing kulay ng balat mo. Tapos ito, cream. Mawawala 'yung pimple mo nyan." Sabay bigay nya sa akin.

Habang nilalagyan nya ako ay di ko maiwasang mapatingin sa mata nya. Ang ganda kasi, kulay brown. Tsaka...tsaka..ang ganda nya.

"Oh ayan okay na." Natapos na nya akong lagyan. Tumingin ako sa dala nyang salamin at ayun....hindi na halata.

"'Yan ang kaibigan ko!" Sabay akbay at kindat ko sa kanya. Bigla syang yumuko. Tapos biglang huminto 'yung sasakyan kaya bumaba na kami.

Pagpasok ko sa room bumungad sakin si Drei na nakangiting nang-aasar. Anong problema neto?

"Anong KAKAIBANG ginawa nyo ni Yvanna sa sasakyan?" Tanong niya at in-emphasize nya pa 'yung kakaiba.

"W-A-L-A! WALA!" Ganti ko sa kanya. Tapos bumulong bulong sya habang na parang may gusto pang iasar sakin.

"Eh kayo ni Lovely?" Ganti ko ulit sa kanya. Bigla syang nagulat sa sinabi ko.

"Wala! Naka-tricycle kami ano." Depensa niya. Alam ko namang good boy itong si Drei or Andrei.

Maya-maya dumating na si maam. Tapos may kinabit syan poster dun sa whiteboard.

G-10 Field Trip

September 15, 2018
P3,000

Places to Go
Banaue Rice Terraces
Clark Field
Mountain Province's Famous Mountains

Hmm. Mukhang sulit ang three thousand na bayad. Tatlong probinsya agad ang pupuntahan at excited na ako sa Banaue Rice Terracess. Woo! Exciting.

Wait, akala ko ba ngayong August ang field trip?

"Gaya ng naiisip nyo, na move nga ang field trip. So today is August 2. Simulan nyo nang mag-ipon!" Tapos nagsimula ng mag-discuss si maam.

Habang nag-di-discuss si maam biglang may dumating na estudyante. Babae sya at nerd. Mukha syang teacher's pet. Sa room namin si Lovely ang teacher's pet.

"Maam excuse po.." Mahinhin nyang sabi tapos napatingin sa akin. Bigla syang nag-blush tapos yumuko sya. Anong nangyari dun?  "M-May meeting daw po k-kayo sa office." Tapos umalis na sya.

Pagkalabas ni maam lumapit ako kay Yvanna para tanungin sya kung sasama ba sya.

"Yvanna, sasama ka ba sa field trip?" Tanong ko sa kanya tapos nag-puppy eyes ako para pumayag sya. Gusto kasi syang kasama.

"Sige." Sabi nya sakin.

"Yes!" Sa sobrang tuwa ko napayakap ako. Sabi ko nga, gusto ko syang kasama.

Tapos biglang dumating si maam. Kumalas na ako sa pagkakayakap tapos bumalik na ako sa upuan ko. Nagsimula na ulit sya ng klase.

Sobrang interesting 'yung mga lesson, ay hindi pala kasi ako lang ang interested. Mahirap kasi 'yun kaya interested ako.

Hayss buti nalang recess na. Nakakagutom 'yung mga problem sa math. Pati ba naman problema ng math pinapasa samin.

Dumiretso ako sa canteen para mag-recess. Konti lang binili ko kasi nagtitipid ako para sa field trip. Bumili lang ako ng dalawang burger at nilagay sa bag ko. Teka, nasan si Yvanna?

Nag-tanong-tanong na ako sa mga estudyante dito pero hindi nila nakita.

Napadaan ako sa mga clubrooms dito sa Club's Building. Kahit public 'to may mga club parin kasi sabi ko nga, suportado ito ni Mayor since ito ang pinaka-central na school sa city namin.

Napadaan ako sa sa room ng Music Club. May narinig akong piano at may kumakanta.

Sumilip ako doon at madilim. Duon lang sa may piano may ilaw. Pumasok ako nang dahan-dahan para hindi ako makita.

May babae sa loob. Mahaba ang kanyang buhok at maganda ang mga mata. At syempre...ang ganda ng boses nya. Para syang anghel na kumakanta.

What would I do without your smart mouth
Drawing me in and you kicking me out
You've got my head spinning no kidding I cant bring you down

Ang ganda talaga ng boses nya. Kaya pala bawal sya sa ice cream nung bata sya. Naaalala ko tuloy 'yung huli naming pagkikita nung bata pa kami. Ang galing din nya tumugtog ng piano.

What's going on in that beautiful mind
I am your magical mystery ride
And Im so dizzy don't know what hit me
But I'll be alright...

Hindi ko na mapigilang hindi kumanta kaya napakanta na din ako.

My heads underwater but I'm breathing fine

Patigil sya sa pagkanta at napatingin sya sa akin nung kumanta na ako pero tuloy parin sya sa pagtugtog.

You're crazy and I'm breathing fine...

Tumabi ako sa kanya at sabay kaming kumanta at tumugtog.

'Cause all of me loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me I'll give my all to you
Your my end and my beginning
Even when I lose I'm winning...

Tapos napahinto kami sa pagkanta. Nagkatinginan kami at parang biglang huminto ang ikot ng mundo.

Muling bumalik sa aking alaala ang mga masasaya naming alaala noong mga munting paslip pa lang kami. Ang tawanan at syempre, iyakan nang dahil lamang sa mga sipleng laro ngunit nakakapagpasaya samin.

Bigla kaming natauhan nung may tumunog sa pinto. Napatingin kami dun at may nakita akong nakasilip tapos biglang tumakbo. Baka si Andrei lang 'yun.

"Tara na." Anyaya ko sa kanya at bumalik kami sa room.

Bagkabalik namin sa room bigla akong tinanong ni Andrei.

"Nasan kayo kanina?" Tanong niya sakin. Ano? Bakit hindi niya alam eh nakita naman niya kami ah?

Biglang dumating si sir tapos nagklase na.

Kung hindi si Andrei....

Sino 'yun?

***

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon