Kabanata 25

2 0 0
                                    

YVANNA'S POV

Sa tingin ko, ito nga ang isa sa mga paraan para makapag-pahinga kami ni Ethan matapos ang mga pangyayari.

Nag-search din ako tungkol sa Tingloy alaso known as Marikaban Island. Isa itong isla malapit sa tangway ng Mabini.

Pinagmamalaki nito ang Masasa Beach kung saan makikita ang puting buhangin at mala-crystal na tubig at iba't-ibang rock formations. Mero ding bundok sa isla kung saan pwedeng umakyat.

Syempre, nagdala na rin ako ng pang swimming at hiking. Sinabi ko rin kay Ethan na magdala rin sya.

Tungkol nga pala samin ni Ethan, medyo nagkakailangan pa rin kami. Mawawala naman siguro yun mamaya.

"Yvanna." Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalita. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ethan.

"Ethan." Nagyakapan kami tulad ng lagi naming ginagawa pero medyo may pagkailang ngayon.

"Oh! Andyan na pala kayo!" Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita sya.

"Mang Berto?" Gulat kong tanong. Sya yung sorbetero di ba?

"Yvanna, Ethan, ako nga!" Masaya syang lumapit samin.

"Kayo po ba ang maghahatid samin?" Tanong naman ni Ethan.

"Oo, ako nga. Hindi nyo naitatanong, taga-tingloy talaga ako. Halina kayo at sumakay na kayo sa yate." Sumunod kami sa kanya.

Narito kami sa pier, papasok na kami ng yate.

"Date nyo ba ito?" Napahinto kami sa paglalakad nang magtanong si Mang Berto.

"H-Hindi po." Tipid kong sagot nang may ngiti sa labi.

"Bonding lang po namin 'to bilang mag-bestfriends." Nakangiting sagot ni Ethan na umakbay sa akin.

"Ah, ganon ba? Sya, tara na't sumakay na tayo sa yate." Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.

"Ako na magbubuhat nyan." Turo ni Ethan sa dala kong backpack. Napatingin ako sa dala nya, may dala syang isang backpack tsaka isang maleta. Parehas lang kami.

"Kaya ko naman." Tipid kong sagot.

"Hindi, ako na." Wala na akong nagawa dahil maingat nya kinuha yung backpack saka isinakbit sa braso niya.

"Kaya mo ba?"

"Kaya ko." Sagot niya saka ginulo ang buhok ko kaya napangiti ako.

Nang makapasok na kami sa yate, ibinaba namin ang gamit namin saka dumeretso sa deck. Magkaharap kami ngayon.

Habang nakatanaw sa dagat, napatingin ako sa kanya. Nakatanaw lang rin sya sa dagat at nakapandekwatrong panlalaki habang nakapatong sa railings yung kamay nya. Kitang-kita tuloy yung maputi nyang legs. Naka shorts lang kasi sya. Oh my gawd.

"Ang ganda ng dagat, noh?" Nagulat ako kasi nakatingin na pala sya sakin.

Gulat akong napatango. "A-Ahh..oo nga. Hehehe." Awkward.

"Parang pagsubok lang yan. Kung hindi ka sisisid pailalim, hindi mo mararating ang ilalim. Kailangan mong maghirap. Kailangan mong labanan ang dagat para marating mo ang ilalim." Nakatingin na muli siya sa dagat.

Pero, ano raw? Di ko gets.

"G-Ganun ba? Okay." Yun na lang ang nasagot ko. Ang pangit naman kung di ako sasagot. Baka isipin nya, snobber ako.

Tumabi sya sakin kaya napalunok ako. "Naiilang ka ba sakin?" Nagulat ako sa tanong nya.

"M-Medyo." Mas mabuti na yung nagsasabi ng totoo.

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon