Kabanata 30

8 0 0
                                    

ETHAN'S POV

Sa malamig na gabi, narito ako ngayon, nag-iisa, at tila hindi matablam ng lamig na dulot ng simoy ng hangin at init ng apoy na naglalagablab sa aking harapan.

Tulala ako ngayon, iniisip ang mga kasagutan sa tanong ko. Bakit nga ba ganito ang tadhana? Bakit kailangang ganito kasakit? Bakit ba hindi pwede? At higit sa lahat, bakit hanggang magkaibigan lang kami?

Totoo naman yung nararamdaman ko para sa kanya pero bakit hindi nya makita at maramdaman iyon? Ano bang kuoang sa akin?

Napatingin ako sa apoy nang lalo itong lumakas. Lumakas din ang hangin na nagpatayo ng mga balahibo ko. Parang masama ang kutob ko.

Teka, asan na pala si Yvanna? Ilang minuto na ang lumipas mula nung umalis sya. Baka may nangyaring masama na dun.

Agad akong napatayo dahil sa takot.

Kailangan ko syang hanapin!

Kaagad akong kumuha ng flashlight sa bag at saka naglakad palayo sa tent. Buti na lang at medyo magaling ako pagdating sa directions at coordinates, hindi ako maliligaw dito sa gubat.

"Yvanna! Yvanna! Asan ka na!?" Yan ang paulit-ulit kong sigaw habang naglalakad at patuloy syang hinahanap.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit sya umalis, kaya ako ang mananagot.

"Yvanna!" Medyo nilaksan ko pa ang sigaw ko para mas madali syang mahanap. "Yva-ahh!" Napatalon ako sa gulat nang mapatapat ang flashlight ko sa isang babae. Kinurap-kurap ko ang mata ko para masigurong di ako nagkakamali.

"Uy Cutie Ethan, di ako multo noh!" Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong si Meghan.

"Bigla-bigla ka kasing nasulpot eh." Napayuko ako. "Oo nga pala..." Humarap akong muli sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

"U-Uhmm..." Napayuko sya nang sandali pero tumingin sya ulit sakin. "N-Nawawala kasi yung aso este p-pusa namin. D-Dito ko kasi sya nakitang tumakbo eh." Napansin ko ring medyo nauutal sya. Baka giniginaw lang sya kaya ganyan.

"Ahh ganun ba..." Napatango ako. "Eh si Yvanna? Nakita mo ba?"

Parang nagulat sya sa tanong ko. "Ahh...h-hindi eh. Sige mauna na ako, b-bye!" Saka sya tumakbo palayo. Weird.

Nagpatuloy ako sa paghahanap. Inabot ako ng ilang minuto hanggang sa..

"Tulong! Ethan!" Nagulat ako dahil sa narinig ko. Si Yvanna!

"Yvanna! Asan ka!?"

"Andito ako, Ethan!" Itinutok ko ang flashlight ko sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at may nakita ako roong bangin.

Agad akong tumakbo papalapit roon at laking gulat ko nang makita si Yvanna roon na nakakapit na lamang sa bato!

"Yvanna!"

"E-Ethan!"

Inabot ko ang magkabilang kamay niya. "Kumapit ka lang." Saka ko siya hinila at dahil sa kooperasyon naming dalawa, madali ko siyang naingat.

"S-Salamat..." Nauutal niyang sabi habang nagpapagpag. Aktong yayakapin ko na sya nang bigla syang lumayo.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya.

"T-Tara na." Hindi nya sinagot ang tanong ko kaya nagsimula na akong maglakad pabalik.

Habang naglalakad, ramdam ko ang pagkailang sa pagitan namin pero di ko natiis dahil kating-kati na akong magtanong.

"Anong nangyari? Paano ka napunto 'don?" Alalang tanong ko.

"N-Naglalakad kasi ako kanina...tapos nakasalubong ko si M-Meghan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon