ETHAN'S POV
KINALIMUTAN ko na lang yung nakita ko sa cellphone ni Steph. Hindi porket X ang pangalan eh yung stalker na yun ni Yvanna. Malay mo ex-boyfriend kaya X. Ewan ko ba, pero may tiwala pa rin ako kay Steph. At sana mali yung hinala ko.
Nagbabasa lang ako dito sa bahay ng mga reviewer. Exam na kasi bukas at oo, madaling araw palang pero wala akong magagawa kasi nagising ako nang wala sa oras eh.
Ang hirap naman ng mga topic sa math, nakakalito.
Teka, sa isang linggo na pala yung field trip. Wohoo! Excited na ako!
Wait, sabi ni Yvanna katabi ko sya. Pano ngayon eh nandyan na si Jefferson? Alam ko naman na yung lalaking yun ang pipiliin ni Yvanna. Hayss.
"Ethan!" Tawag sakin ni mama. Teka, anong oras na ba? 4:45 na pala! Kailangan ko nang kumain.Inayos ko muna yung mga gamit ko tsaka lumabas. Nakakapagod mag-review.
Umupo ako tsaka napatingin sa ulam. Yes! Itlog na may patatas! My favorite!
Nagsimula na akong kumain. Ang sarap naman. Kanina pa akong gutom eh.
Habang kumakain ako napatingin ako kay mama. Nagbibilang sya ng pera at may hawak syang lotto ticket. Ano!? Lotto ticket!?
"Ma, tumaya ka sa lotto!?" Tanong ko sa kanya. Obvious naman na tumaya sya. Ang ipinagtataka ko lang, nagsugal sya? First time nya yun ah.
"Oo anak. Kailangan na talaga natin ng pera eh. Senior high school ka na kasi next year. Kaya eto, sinubukan ko." Paliwanag niya. Kaya naman pala, para sakin. Bait talaga ng mama ko! Wala naman akong kapatid kaya ako lang tinutustusan nila sa pag-aaral.
Pagkatapos kong maghanada ay lumabas na ako. Akala ko kotse ang bubungad pero tricycle pala! At nakasakay si Steph dun!
"Ethan! Sakay na!" Yaya nya sakin. Okey, no choice kaya sumakay na ako. Pero naiilang ako kasi katabi ko sya.
"Ethan oo nga pala may practice kami ng cheerdance mamayang 6:30 hanggang 9:00." Ang alam ko kasali dun si Yvanna. Pareho pala sila ng sasalihan.
"Share mo lang? SML?" Pang-iinis ko sa kanya at ayun nainis sya. Daldal nya kasi eh.
Sakto namang tumigil na yung tricycle. Nandito na kami sa school at magbabayad na ako sa tricycle driver.
Iaabot na ni Steph yung bayad pero nalaglag. Pupulutin ko yun pero nagkahawak yung kamay namin. Nagkatinginan kami. Parang something. Hindi, hindi pwede.
"Ayieeee!" Napatingin nalang kami ni Steph kina Lovely at Drei. Talagang nang-iinis sila ah.
Pero napatingin ako sa dalawang estudyante. Biglang may kumirot sa didbdib ko nung nakita kong naka-akbay yung lalaki sa babae. Bakit ganun ang nararamdam ko? Ano naman kung nakaakbay si Jefferson kay Yvanna?
Pagpasok ko sa classroom nandun na si Maam. Ba't ang aga? Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Wala namang nagbago pero may hawak syang folder. Ah, baka may announcement.
"Is everyone here?" Tanong niya at umupo na ako. Napansin kong tahimik si Drei. Ano kayang problema neto?
"Yes Maam!" Sabay-sabay naming sigaw. Napatingin ako kay Drei. Mukha syang problemado. Hmm, matanong nga.
"Anong problema mo Drei?" Tanong ko sa kanya kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kumunot naman ang noo nya. May mali ba sa sinabi ko?
"Tinatanong pa ba yan? Alam mo namang exam na bukas, nawala kasi yung reviewer ko." Ayun lang pala eh, maliit na bagay lang yan. Pero namang xerox o photocopy, 'di ba?
"Hiramin mo muna yung akin tapos ipa-photocopy mo. Edi tapos!" Tapos inabot ko 'yung mga reviewer. Nagpasalamat naman sya.
"Mr. Fontanilla! Ikaw ang sasagot mamaya sa mga tanong ko ha!" Sigaw sakin ni maam. Masyado ata akong maingay pero okay lang na tanungin ako, kahit 100 pa na tanong 'yan kaya ko.
"Okay, let's continue. Regarding the field trip, field trip will be canceled." Ani Maam. Ano daw!? Canceled!? Ughh! Hindi na matuloy-tuloy. Baka abutin pa 'yan ng End of the World.
"Ha!?"
"Bakit daw?"
"Ala naman!"
"Ano ba 'yan!"
Puro reklamo ang mga kaklase ko. Psh.
"Okay, like what I said, I will ask Ethan questions." Sabi ni maam tapos tumayo na ako. Ready na ako!
"Geography." Geography!? Seryoso!? Sisiw lang yan sakin! Master na master ko na 'yan eh. "Cite the Eastern Asian Countries."
'Yon ba kamo? Easy. "China, Mongolia, Japan, North and South Korea or Korean Peninsula, Macau, Hongkong and Taiwan. Macau and Hongkong are independent teritories of China." Sunod-sunod kong sagot. Nagulat si maam at nagpalak-pakan ang mga kaklase ko. Next time po kasi hirapan nyo.
"Let's go to Europe. Name the countries at Northern European Peninsula and what is the wall between Asia and Europe?" Medyo mahirap ah. Narinig ata ni maam yung nasa isip ko.
"Ahh...Norway...Sweden...Finland. The wall is Ural Mountains." Nanlaki yung mata ni maam. Mali kaya?
"Great " Yes! Tama! Easy!!
Pagkatapos akong tadtadin ni maam ng tanong nagsimula na syang mag-discuss. Andali-dali naman kasi nung mga tanong para sa akin. First year high school palang ako nung minaster ko 'yung Geography.
Halos saulo ko na nga yong pwesto ng mga bansa sa mapa.Maya-maya ay may pumunta sa room namin at sinundo na yung mga kasali sa cheerdance. Syempre kasali dun si Yvanna at Steph. Goodluck na lang sa paglipad-lipad nila sa ere. At sana 'wag silang iiwan sa ere. Hahaha.
Anong oras na nga ba? Napatingin ako sa relo ko. 6:30. Simula na nga ng practice nila.
Nung mag-recess na ay napadaan ako sa gymnasium. Tiningnan ko sila mag-practice pero parang may wala. Teka, asan si Yvanna? Asan na yun?
Dumiretso ako sa locker room at syempre kahit public school ito merong ganito.
Hinanap ko 'yung kay Yvanna. Asan na'yun? Nakakahilo naman.
Bigla akong may nakitang nakabukas na locker. Kanino kaya 'yun? Tsaka bakit nya iniwang bukas? Ughh! Curiosity!
Nilapitan ko iyon at tiningnan kung kanino. Nagulat ako kung kanino.
Bahagyang nakalabas na ang cheerdance outfit na nakalagay doon. May nakita din akong sobre na bahagyang bukas. Si Curiosity tinatawag na naman ako kaya kinuha ko iyon. Binasa ko kung kanino ito galing.
From:X
Hindi, hindi pwede. Bakit sya pinadalhan ni X? May ginawa ba syang masama sa kanya?
Anong ginawa ni X kay Yvanna?
***
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...