Kabanata 28

3 0 0
                                    

YVANNA'S POV

"Please! 4! 4! 4!"

"Hahahaha! 2!" Tawa sya nang tawa.

Dapat kasi 4 yun eh para panalo na ako!

"Ako na." Sabi nya saka pinagulong ang dice.

"5! 5! 5!" Sigaw ko habang inaabangang tumigil ang dice. Kapag nag-6 kase, panalo na sya.

Nanlaki ang mata ko nang tumigil iyon sa 6.

"1..2..3..4..5..6..Hahaha! Panalo ako!" Tuwang-tuwang sabi niya. "Pano ba yan? 5-1 na ang score? Ako na ang panalo hahaha!" Tuwang-tuwa nyang sabi.

Kanina pa kami dito naglalaro ng snakes ang ladders. Tama sya, nakakaisa pa lang akong panalo tapos sya lima na at dahil naka five na sya, panalo na sya.

"Oh, eto na." Sabi nya na hawak-hawak ang basong puno ng ampalaya shake! Yun kasi ang dare namin.

"Kailangan ko ba talagang inumin?" Tanong ko habang nakatingin sa ampalaya shake. Ampait nito eh.

"Syempre! Ikaw kaya nag-isip ng dare na yan." Bakit pa kasi ito ang naisip kong dare! Ugh!

"Talaga? Iinomin ko ba talaga to?" Nagpapaawa kong tanong. Baka lang naman magbago ang isip nya.

"Inomin mo na lang. Healthy naman yan."

Kaya mo to Yvanna!

Saktong iinumin ko na yung shake nang biglang may kumatok.

Yes! My savior!

Ako na ang nagkusang magbukas ng pinto. Bumungad sakin si Mang Berto.

"Magandang gabi po." Sabay na bati namin ni Ethan.

"Magandang gabi rin, ineng at utoy. Maghanda na kayo." Pagkasabi niya nun ay niligpit na namin ni Ethan yung pinaglaruan namin. Pasimple ko ring nilagay sa ref yung ampalaya shake.

Ngayong gabi nga pala namin pag-uusapan yung mga problema namin. Sana namin gumaan ang pakiramdam namin pagkatapos.

Kumuha ako ng jacket kasi medyo malamig sa labas. Iyon lang ang dadalhin ko.

"Tara na." Anyaya ni Ethan na naka-jacket rin.

Lumabas kami ng bahay kasama si Mang Berto at dumiretso sa may buhanginan. May bonfire din na nakahanda doon at mahabang troso na pag-uupuan yata namin.

Ano kayang kalalabasan ng parang counciling na gagawin namin? Mapapagaan pa kaya nito ang bigat na nararamdaman naming dalawa?

"Magsiupo kayo diyan." Sabi ni Mang Berto tsaka kami umupo. Katabi ko si Ethan at kaharap namin si Mang Berto.

"Alam nyo naman siguro kung bakit tayo narito?" Tanong niya. Walang sumagot samin kaya napabuntong-hininga niya. "Ito pang ang naiisip kong paraan kung paano ko kayo matutulungan na pagaanin ang loob nyo. Sana makatulong kahit papaano."

Nanatili kaming dalawang nakayuko.

"Unahin natin ang tungkol sa pagkawala ng mahal mo sa buhay, Ethan." Napatingin si Ethan. "Alam kong masakit ang mawalan ng mahal sa buhay dahil naranasan ko na iyan pero ngayon, wala na ang kirot na nararamdaman ko. Ikaw ba? Nasasaktan ka pa rin ba?"

Napayuko si Ethan. "O-Opo eh." Biglang sumagi sa isip ko yung pangyayari kaninang madaling araw. Nung naririnig ko syang naiyak.

"Alam mo kasi, para maka-move on tayo, kailangan muna nating intindihin ang sitwasyon. Lahat naman kasi ng tao ay napanaw. Ito ay may takdang araw kaya kailangan mong tanggapin. Utoy, pagtanggap lang ang kailangan."

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon