ETHAN'S POV
Madaya talaga sya eh! Bakit ba ayaw nyang umamin! Wala namang mahirap dun ah!?
"Mandaraya ka!" Sagot ko sa kanya. Totoo namang mandaraya sya eh!
~BLAAAG!~
Nagulat nalang kami nang biglang kumalabog. Kaya napatingin kami doon.
.
SI YVANNA!!
.
"Yvanna!" Nilapitan ko sya at inalog-alog. Nakalupasay sya ngayon sa sahig at walang malay."Bring her to the clinic!" Sigaw ni Jefferson. Lumapit din siya at inalog-alog din si Yvanna.
Binuhat ko si Yvanna at lumabas ng Chess Hall. Nagmadali akong pumunta sa clinic.
Kailangan ko syang dalhin agad sa clinic! Kahit hindi nya ako minsan pinapansin, mag-aalala pa rin ako sa kanya kasi nga....lababata ko sya.
Nakarating na ako sa clinic at kumatok ako doon. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang Health Teacher.
"Maam, nahimatay po sya!" Sabi ko sa Teacher kaya napatingin sya kay Yvanna.
"Sige, pumasok kayo at ihiga mo sya dun." Binukas niya nang todo ang pinto at itinuro niya ang kama doon sa may gitna.
Pumasok ako at dahan-dahang inihiga sya dun.
'Ano ba kasing nangyari sayo!?'
Siguro dahil ito ng pagtatalo namin ni Jefferson. Kasalanan ko 'to eh. Kasalanan ko!
Lumapit na ang Health Teacher samin kasama ang isang babaeng student. Magaling siguro sa health 'tong estudyante na 'to kaya sya ang napiling maging assistant.
"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong nung Teacher sakin. Tinignan ko ang nameplate nya at nakalagay doon ang 'Mrs. Garcia'. "Janelle, pakikuha nga yung Record Sheet ko." Utos nya dun sa student.
"Bigla na lang po syang bumagsak." Sabi habang kinukuha nung Janelle yung record sheet sa may cabinet. Pagkakuha ay iniabot niya ito kay Mrs. Garcia.
"Sa tingin mo, bakit sya bumagsak?" Tanong muli niya habang nagsusulat.
"Hindi ko po nakita yung pangyayari kaya hindi ko po alam ang dahilan." Pahayag ko at muli siyang nagsulat.
"Janelle, pakibukas nga yung machine." Utos ni Mrs. Garcia kaya lumapit yung student sa may machine at may pinindot.
Iniabot niya ang isang parang tubo na may parang embudo sa dulo. Konektado ang tubo sa machine at iniabot niya ito kay Mrs. Garcia.
Tinapat ni Mrs. Garcia ang dulo na parang embudo sa ulo ni Yvanna.
Hindi ko alam kung ano bang machine ang gamit nila at kung anong ginagawa nila.
Inalis na ni Mrs. Garcia ang pagkakatapat nung tubo at may pinindot si Janelle na button sa machine. Off button yata.
"Dalhin mo na siya sa ospital." Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Garcia.
"Bakit po?" Takang tanong ko sa kanya. Malala ba ang nagyari sa kanya? Bakit kailangan pang dalhin sa hospital?
"May abnormalities kaming na detect sa ulo nya. Dalhin mo na sya sa ospital." Sabi nung teacher.
"Sige wait lang po." At lumabas ako sa clinic. Nakita ko doob si Jefferson na nakaupo sa may silya. Nung narinig nya ang pagbukas ng pinto ay napatingin sya sa akin.
"Kailangan na daw nating dalhin sya sa hospital." Tipid na sabi ko sa kanya.
"S-Sige." Pumasok siya sa clinic at binuhat niya si Yvanna.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomantikCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...