Kabanata 17

3 0 0
                                    

ETHAN'S POV

***

Nagising ako dahil sa tunog ng truck. Hindi ko alam kung saan iyon nagmumula. Iminulat ko ang mata ko at laking gulat ko nang mapagtantong wala ang ilan sa mga gamit ko dito sa kwarto.

"Nay!" Nagpapanic kong sigaw. Nanakawan ba kami!?

"Bakit Ethan?" Tanong nya at pumasok sya sa kwarto ko.

"Nasaan po yung mga gamit ko?" Tanong ko.

"Naandoon sa truck sa labas. Naghahakot na tayo ng gamit kasi lilipat na tayo ngayon." Sagot niya. Ano daw? Lilipat na kami?

"Ambilis naman." Sabi ko pa. Parang kelan lang nung simulan yun ah.

"Tapos na yun pero wala pang pintura. Kailangan na natin kasing lumipat para wala na tayong gastusin dito sa inuupahan natin. Kumain ka na at maghanda." Sabi niya kaya kumilos na ako.

Tulad nga ng sabi Nanay, may truck sa labas na naghahakot ng gamit. Naglakad na ako at sumakay sa jeep. Nakarating na ako sa school.

Pagbaba ko ng jeep, nakita ko sa kanto yung kotse ni Yvanna na mukhang kahihinto pa lamang.

Lumapit ako dun at sakto namang pagbaba ni Yvanna.

"Yvanna!" Napalingon sya sakin. At ang ganda nya ngayon.

"Ethan!" Sigaw nya at tumakbo sya sakin para yumakap.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Maayos naman. Lilipat na kami mamaya sa bago naming bahay."

"Huh? Ang bilis naman." Sabi niya habang may kinakalikot sa bag.

"Di ko nga rin alam kung bakit. Ikaw? Kamusta?"

"Okay naman. Oo nga pala dumalaw kahapon si Jeff at may regalo sya sakin!" Masayang sabi niya.

"Parang ang saya mo ah. Ano ba yun?" Nakangiting tanong ko.

"Chocolate at.....pusa! Hihihi!" Sabi nya na nagtatatalon pa. "Eto sya oh! Si Minky!" Pinakita nya sakin yung picture nung pusa nyang si Minky. Purong puti ang kulay nito. Kulay blue naman ang mata. Ang cute!

Bigla ko tuloy naalala yung pusa sa bodega. Oo nga pala! Nakalimutan kong puntahan kahapon at nung isang araw. Babalikan ko nalang mayang uwian.

"Kamusta naman kayo ni Steph?" Nangaasar yung titig nya at mga ngiti nya.

Bigla lo tuloy naalala kung gaano kaganda si Steph. "Ayos naman. Masaya." Tugon ko. "Eh kayo naman ni Jeff?" Nangaasar kong tanong.

"Kami? Yun dinalaw nya ako kahapon tapos nung bago tayo umuwi galing complex, hinalikan nya ako sa pisngi! Kyaa!" Kinikilig na sabi nya kaya napangiti ako. Ang cute nyang kiligin.

"Basta kahit may sarili na tayong buhay pag-ibig, bestfriend pa rin tayo ah?" Sabi ko sa kanya at napangiti naman sya.

"Oo ba! Ikaw lang naman ang The Best Boybestfriend ko!" Sabi nya at niyakap nya ako.

"Ehem!"

Napakalas siya sa pagkakayakap dahil sa may umubong iyon. Pagtingin namin, si Andrei at Lovely pala.

"Uy bes may jowa kana!" Sita ni Lovely kay Yvanna.

"Two timer ka ah." Sabi naman ni Andrei sa akin.

"Mag-bestfriend lang kami!" Sabay naming sabi ni Yvanna kaya natawa kami.

"Pero kapag kayo, nakita ni Steph o ni Jefferson, naku! Lagot kayo! Pangalawang araw nyo palang ito!" Dakdak ni Lovely. Napatingin naman ako kay Yvanna na nakangiti.

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon