YVANNA'S POV
"Oh ayan tuloy, nabastos ka. Dapat pala di na lang kita pinayag eh." Tama kayo. Sinesermonan ako ni Ethan. "Buti nga't wala syang ginawa sayo kundi..nako." Dagdag nya pa habang nagluluto.
Nasa kusina kami ngayon ng bahay namin. Yeah, bahay pala namin 'to kasi binili na 'to ng mga magulang namin. Nandito lang ako sa may table at hinihintay syang matapos magluto. Nagluluto sya ngayon ng adobo. Grabe, andami palang kakayahan ni Ethan. Samantalang ako, babaeng-babae, hindi marunong magluto. Turon lang kaya ko.
"Ano bang pangalan non? Anong itsura non? Ha? Lagot yun sakin." Mahihimigan ang galit sa boses nya.
Pagkarating ko kasi kanina sa bahay, pinakwento nya sakin lahat ng nangyari kaya ayun, napilitan akong ikuwento sa kanya yung sinabi nung lalaki. Kanina nya pa nga ako sinesermonan.
Pero kahit sinesermonan ako nyan, hindi ko maiwasang matuwa. Kasi nag-aalala sya sakin. Ayaw nya akong mapahamak.
"Hindi ko alam eh." Nakayuko kong sagot.
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat!?" Nagulat ako kasi nagtaas sya ng boses. Napayuko ako. Ngayon nya lang talaga ako pinagtaasan ng boses.
Naramdaman kong humahakbang sya papalapit sakin. "S-Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi niya saka ako yinakap. "Sorry. Nag-aalala lang talaga ako. Alam kong mababaw lang naman, pero nag-aalala lang naman ako. Sorry." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo. "Oh, eto na yung adobo. Tikman mo kung masarap." Nakangiti nyang sabi, pilit na pinapagaan ang kalooban ko dahil sa pagsigaw nya kanina.
Tinikman ko agad yung adobo.
"Masarap ba?" Tanong nya.
"Hm! Sarap!" Nakangiti kong sabi. Ang sarap pala magluto ni Ethan. Ang sarap ng adobo nya! Almost perfect na tuloy si Ethan.
"Kumain ka lang tapos mamaya, manonood tayo ng movie dyan." Sabi niya saka sinimulang kumain.
Ang swerte pala ng mapapangasawa ni Ethan. Bukod kasi sa pisikal, mabait din sya, masipag, maginoo, maalalahanin, magaling magluto, matalino, talented, at marami pang iba. Grabe talaga si Ethan.
Pagkatapos namin kumain, sya na rin ang nagpresenta na maghugas ng pinggan. Dumiretso na lang ako sa may sala para manuod ng tv.
At dahil walang signal dito, sa flash drive kami kukuha ng papanoorin. Naka-solar panel din itong bahay namin kaya malakas ang kuryente. Sinaksak ko na rin yung flash drive sa TV. Ano kayang magandan panoorin? Romance? Horror? Comedy?
"Ethan!" Tawag ko sa kanya na nasa kusina pa rin.
"Oh?" Dinig kong sigaw niya mula sa kusina.
"Anong gusto mong movie?"
"Ikaw ang bahala." Sagot nya kaya pinili ko yung isang romantic na nakakakilig na movie. Naponood ko na to pero gusto ko ulit panoorin. Nakakakilig kaya!
Nasa pinakakaliwang bahagi ako ng sofa kaya nasa kaliwa ko yung side table na may flower vase.
Halos 10 minutes na ang nakakalipas, hindi pa rin nabalik si Ethan. Ano kayang ginagawa non sa kusina?
Kaya tumayo na ako at pumunta sa may kusina. Naabutan ko si Ethan na nasa tapat ng lutuan.
"Oh? Bakit ang tagal mo? Anong ginagawa mo dyan?" Lumapit ako para tingnan ang ginagawa nya.
"Naggagawa ako ng fries." Sabi niya saka kinuha yung mga patatas gamit ang strainer at nilipat sa bowl. Medyo marami rin to.
"Marunong ka pala gumawa nyan?" Tanong ko pa. Ang galing nya talaga.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...