YVANNA'S POV
Dalawang araw na ang lumipas mula ng mamatay si Andrei. Nagdesisyon sila na sa bahay nila Andrei siya iburol. Ngayon din ang huling araw ng burol. Mamayang hapon na sya ililibing.
Sa mga lumipas na araw, napuno ng kalungkutan at paghihinagpis ang buong tahanan.
"Ethan.." Pagkapasok ko nang bahay, nilapitan ko agad si Ethan. Lumingon sya sakin at ngumiti. Sa kabila nang ngiting pinakita niya, mga mga luha pa ring pumapatak sa mga mata niya. "Kumain ka na ba?" Alala kong tanong sa kanya.
"Wala akong gana..." Bakas ang kalungkutan sa tinig niya.
Sa loob ng dalawang araw na iyon, ibang Ethan ang nakita ko. Madalang lang syang kumain at kung minsan ay di pa kumakain. Lagi lang syang tulala habang lumuluha. Ngunit ang labis na nagpapabigat sa pakiramdam niya, wala si Steph sa tabi nya.
"Wala pa rin ba si Steph?" Tanong niya nang hindi lumilingon sakin.
"Wala pa sya...tinatawagan ko pero ayaw sumagot." Sabi ko sa kanya. "Wag kang mag-alala, andito ako para sayo." Hinaplos ko ang likod niya. Lumapit ako doon sa table na may mga pagkain. Kumuha ako ng isang pinggang pagkain saka bumalik sa tabi ni Ethan. "Ethan, kumain ka na." Pinakita ko sa kanya yung pagkain.
"Pasensya na, wala akong gana."
"Hindi matutuwa si Andrei kapag nalaman nya na siya ang dahilan kung bakit di ka kumakain." Napabuntong-hininga ako. "Ayaw mo talaga? Kung gusto mo, subuan kita."
"Ayos lang talaga, wag mo na akong subuan." Pagpupumilit nya pa.
"O sige, pumili ka. Kakain ka o susubuan kita?" Nakangiti kong tanong sa kanya pero di sya sumagot. Kumuha ako ng isang kutsara at inilapit sa bibig nya. "Aahh.."
Napanguso sya saka sinubo. "Kakain ka rin pala eh, gusto mo lang magpasubo." Natatawa kong sabi.
"Sige na nga, kakain na ako." Sabi niya sabay kuha nung plato. Effective naman pala yung naisip ko ah.
Tahimik lang syang kumakain habang ako, sinusubukan kong tawagan si Steph pero ayaw talagang sumagot. Dine-deny nya pa yung tawag. Hindi rin pupunta si Jefferson kasi pumasok sya. Bale dalawang araw na kaming hindi pumapasok ni Ethan.
"Yvanna...salamat." Napalingon ako sa kanya nang bigla syang magsalita. Nakatingin sya sakin habang nakangiti. "Kasi...hindi mo ko iniwan...dinamayan mo ako."
"Wala yun. Tsaka andito lang naman ako para sayo." Nakangiti kong sabi tapos bigla nya akong niyakap.
"Kuya Ethan, girlfriend nyo po?" Napahiawalay kami sa pagkakayakap nang may biglang magsalita. Napatingin kami sa batang babae na nasa likuran namin. Siguro mga 11 years old na sya.
"Eto si Ate Yvanna, bestfriend ko sya." Pagpapakilala nya sakin doon sa bata.
"Ha? Bestfriend lang? Sayang naman kuya Ethan, bagay kaya kayo." Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi ng bata.
"Ano ka ba Jane, kung ano-ano yang iniisip mo." Natatawang sabi ni Ethan.
Bigla kaming napalingon sa pintuan ng bumukas iyon. Bumngad sa amin si...Lovely.
Biglang tumayo si Ethan papalapit kay Lovely. Hinawakan nya ito sa braso at hinila palabas. Sinundan ko sila para pigilan si Ethan.
"Ano ba Ethan! Nasasaktan ako!" Reklamo pa ni Lovely na pilit tinatanggal yung kamay ni Ethan sa braso niya.
"Ethan, bitawan mo na sya." Bulong ko kay Ethan kaya binitawa nya si Lovely. Napatingin ako sa paligid. Kami lang ang tao dito.
"Nasaktan ka na nyan? Masakit na yon? Ha?" Kalamadong wika ni Ethan pero bakas pa rin ang galit sa kanyang boses. Napayuko lang si Lovely. "Alam mo ba kung gaano nasaktan si Andrei sa ginawa mo? Ha?"
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...