Kabanata 11

3 0 0
                                    

ETHAN'S POV

Isang linggo na ang lumipas mula nang manalo kami sa lotto at syempre, andaming bumati. Mapa kapitbahay, kamag-anak, kaibigan, at kaklase. Umuwi na rin si Papa galing HongKong at kasalukuyan silang nag-iisip ng negosyo at nag-suggest ako na mag-tinda sila ng cupcake since marunong si mama at akong mag-bake ng cupcake. Balak ko ring mag-benta sa school. Pinag-iisipan pa nila kung ayun na nga lang ang business namin.

 
Nagpapagawa na rin sila Mama at Papa ng bahay na hanggang second floor lang at simple black & white modern house at syempre ako ang nag-design.

  
Naka bili na rin ako ng bagong mga damit kasi kupas na yung iba. Nakabili na rin ako ng rubber shoes na Nike na pinakaaasam-asama ko.

Medyo gumaan na din ang buhay namin at masaya kami. Hindi kami magbabago kahit mayaman na kami.

Medyo nagiging close o malapit sa isa't - isa na kami ni Steph at samantalang kay Yvanna, ayun, ganun pa din.

Si Drei ba kamo? Ayun, laging kasama yung nililigawan nya at sino yun?

Si Angel Locsin.

Joke! Hahaha! Asa pang magpaligaw si Angel Locsin dun.

Lagi nyang kasama ang kataas-taasan at kagalang-galang na si Ms. Persident, Lovely! Ayun, nililigawan nya at lagi nyang kasama. Ewan ko lang kung ano na na ang relationship status nila. Minsan na nga lang kaming magkausap.

Si Steph lagi ang kasama ko at NEVER EVER akong nahawaan ng KALAMBUTAN, syempre. Napapagkamalan pa nga kaming mag-syota, pero hindi nalang ako lumalaban kasi hindi naman totoo yun.

"Hoy Ethan! Lalamig na 'yang Jjampong mo! Nakatulala ka pa dyan! Ano bang iniisip mo? Nakatulala ka pa tapos ambagal mo kumilos! Male-late ka nyan eh alam mo namang traffic tapos babagal-bagal ka pa! Bahala ka sa teacher mo."
  
Agad kong inubos yung Jjampong ko. Grabe ang sarap! Level 1 pa lang yung anghang! Gusto ko sanang lagyan ng sili pero pang-mayaman lang yung sili hahha. Eh pano ba naman P1000 kada kilo ang sili. Tsk.

Naghanda na ako at nagsuot ng pang-P.E. na pantalon, dream rubber shoes ko(Oo, nabili ko na) at blue t-shirt.

Buti na lang at may service na akong tricycle. Kasabay ko sa service si Steph at nagbabayad na lang sya sa driver kasi akin naman talagang service 'to. Tricycle kasi 'to ni Papa.

Iwas traffic ako kasi sumisingit-singit yung tricycle sa bagong gawang road widening. Oo, road widening pero hindi dinadaanan at ginagawang singitan at paradahan. Sayang yung nagastos at pa'no ba naman may poste sa pinag-gawaan nila at hindi nila iyon tinanggal.

Haha. Dami kong reklamo.

Nakarating na kami dito sa school. Humiwaly na si Steph at pumunta sa mga kaibigan nya. Ang ingay dito sa school ground! Kabi-kabila ang practice para sa yell competition by team. Blue team kami kaya naka-color blue na t-shirt kami at talagang tumama pa sa favorite color ko. Wohoo!

Pag-pasok ko sa room, ang ingay din -- nung iba. 'Yung iba naman may headset sa tenga at pinanonood ang mga favorite nilang K-Idol. 'Yung iba naman naglalaro ng volleyball sa loob ng classroom. Hala kayo kapag natamaan nyo 'yung T.V. Bayad! Bayad! Bayad! Hahaha.

Nakita ko naman sina Yvanna at Jefferson na naglalaro ng chess. Si Yvanna ay nakapang-ceerdance ang suot. May laban nga pala sila mamaya.

Nasan kaya sina Drei?

Nilapitan ko yung isa sa mga kaklase ko na naglalaro ng Mobile Legends. "Pre, nakita mo ba si Drei?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya tumingin at nanatili ang titig sa cellphone.

"Nasa movie booth ata kasama si Lovely." Sagot niya habang nakatingin pa din sa cellphone. Nagpasalamat naman ako.

Nilapag ko yung bag ko sa silya ko at dumiretso sa Multi-Purpose Hall. Alam ko namang doon gaganapin yung movie booth.

Habang papunta ako sa Multi-Purpose Hall natanaw ko sina Yvanna at Jefferson papunta doon.

Nung nasa pinto na ako ay puro mag-partner na lalaki at babae ang pinapapasok.

"Uulitin ko po! Partner na lalake at babae lang ang papapasukin since romance ang movie! Kahit hindi couple okay lang!" Sabi nung babae sa unahan.

Sayang wala akong partner. "The Hows of Us" pa naman yung palabas. Sino kayang maisama?

Hmmm....

Kaagad akong pumunta sa canteen. Tumakbo na ako para mabilis. Alam kong doon ang tambayan ng mga ka-tropa niya.

"Tara sama ka sakin manood tayo sa movie booth libre kita." Sabay kindat ko sa kanya. Basta kindatan mo yan papayag yan.

"Syempre ekew pe." Sus pabebe.

Tumakbo kami papunta doon at pumila. Medyo maigsi pa yung pila at nakita ko sila Lovely at Drei. Alam mo, bagay sila.

"Uy bakit mo kasama si Bess? Nililigawan mo 'no?" Tanong sakin ni Lovely habang nakangiti. Ako!? Manliligaw!? At sa kanya pa!? NEVER!!

"Oo nga Ethan bakit kasama mo si Steph?" Tanong din sakin ni Drei. Magsama sila. Porket may love life na sila.

"Wala kasi akong partner eh." Tipid na sagot ko. Biglang nagbulungan sina Steph at Lovely tapos bigla silang tumawa. Tawa!?

"Tara pumasok na tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Psh. Si Steph nga dyang habol nang habol sakin eh.

Pagpasok namin may mga silyang by partner at may projector sa unahan. Nakita ko naman sina Yvanna at Jefferson.

In-enjoy ko na lang yung movie. Grabe kiligin 'tong si Steph. Brutal. Psh.

Pagkatapos ng movie lumabas na kami. Buti at hindi nagkapunit-punit yung damit ko dahil kay Steph.

"All of the students, go at the gymnasium!" Sabi ng School Principal dun sa speaker. Mukhang magsisimula na.

Pumunta na kami doon at nakatayo nga kaming lahat. Grabe ang daming tao! Nakapila kami by section at by team. Bale nasa gitna ang Blue Team. Nasa bandang unahan ko si Drei pero medyo malayo sya sakin kasi mas matangkad ako sa kanya. Nasa likod ko naman si Jefferson. Magkasing-height lang naman kami.

 
Nakita ko na rin ang MAPEH club sa may stage. Bale nagtayo sila ng stage dito.

"Lahat ng mga player, lumapit dito para sa registration dala ang inyong permit." Salita ng MAPEH secretary sa stage. Kaagad din siyang bumaba.

Papunta na ako sa regustration at ganon din si Jefferson. Saan kaya sya kasali? Galingan nya lang kundi matatalo sa Overall Championship ang team namin.

Lumapit ako dun sa desk na may nakasulat na "CHESS" sa unahan. Ako ang pinaka-una sa pila. Teka, bakit nasa likod ko si Jefferson? Sinusundan nya ba ako? Bahala sya sa buhay nya.

"Ethan Fontanilla po. Blue Team." Tipid na sabi ko sa babaeng MAPEH Club Officer. Iniabot ko din sa kanya yung permit.  Todo titig naman sya sa mukha ko.

Sunod namang lumapit si Jefferson. "Jefferson Colesmith. Blue Team. Gusto mo ng number ko? 09*6*7*5*98. " Sus may pabigay-bigay ng number.

"Magkakaroon po kayo mamaya ng match para pumili ng representative ng Blue Team sa Chess." Sabi samin ng babae.

"Okay." Sabay naming sagot. Talagang kumindat pa sya.

Mag-ma-match daw kami. Sige... ha?! Kami talaga?!

Bumalik na lang ako sa pila.

Sisiguraduhin kong mananalo ako.

***

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon