YVANNA'S POV
Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang pasan-pasan ko ang mundo dahil sa bigat. Parang pinipiga ang puso ko kahit wala na itong mailalabas pa.
Ang sakit-sakit marinig ang mga sinabi sa akin ni Jefferson. Ang sakit na yung taong pinagkakatiwalaan at mahal mo, sya pa mismo ang wawasak sayo at sya pa ang magpaparamdam sayo kung gaano kasakit mamuhay sa mundong ito.
Hindi ko akalain na may mangyayaring ganito. Hindi ko akalain na sa ganito magtatapos ang relasyon namin. Na dahil sa isang pagkakamali, dalawang realsyon ang nasira.
Ngayong nakayakap ako kay Ethan, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi ako ang para kay Jeff at hindi sya ang para sakin. Na hindi kami ang para sa isa't-isa.
Sabi nga nila, 'ipaglaban mo kung kailangan, ngunit wag mong ipagpilitan'. Kailangan kong lumaban, pero ano pa nga ba ang laban ko? Hindi naman ako asawa ni Jefferson, di ba? Hindi rin naman ako papanigan ng mga magulang niya.
Ipagpipilitan ko nga pa? Paano? Kukumbinsihin sila na huwag ituloy ang kasal? Hindi pwede. May anak na si Jeff, at hindi ako ang ina. Ayokong mawalan ng ama ang anak ng taong mahal ko, ang anak ni Jeff. Masakit, oo, pero kailangang tanggapin.
Alam kong parehas ang tumatakbo sa isipan namin ni Ethan ngayon. Feeling ko, komportableng-komportable ako sa mga bisig ni Ethan.
Maswerte ako na magkaroon ng boybestfriend na tulad nya. Yung handa kang damayan kahit na pati sya, nasasaktan. Ang mga taong tulad ni Ethan, hindi na dapat pinapakawalan.
Hinarap nya ako at pinunasan ang luha ko gamit ang daliri nya at tinitigan ako sa mata. "Yvanna...tumingin ka sa mga mata ko." Dahan-dahan akong tumingin sa mga mata nya. "Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ganyan, Yvanna. Tumahan ka na sa pag-iyak. Patatagin mo ang loob mo." Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.
"B-Bakit ka naman nasasaktan?" Nakatingin pa rin kami sa mata namin.
"Kasi mahal kita, Yvanna.....mahal na mahal kita." Hinalikan nya ako sa noo.
"Mahal na mahal din kita Ethan, maswerte ako na may kaibigan akong tulad mo." Nakatitig sa mata niyang sabi ko. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.
Napabuntong-hininga sya. "Basta andito lang akong kaibigan mo para sayo, ah? Wag ka nang umiyak, baka mabawasan ang cuteness mo nyan." Biro niya pa kaya napangiti ako. Mukha akong ewan na umiiyak nang nakangiti.
"Edi wow. Payakap nga ulit." Sabi ko pa sabay yakap sa kanya. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko si Ethan.
"Gusto mo nang umuwi?" Tanong nya habang yakap-yakap ako.
Napaisisip ako. "Sige. Wala na naman tayong gagawin dito." Bumitaw na ako sa yakap nya.
Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Ang araw kung saan maraming bagay ang narealized ko.
***
"Pwede na ba 'to?" Tanong ko kay Manang Ethel tapos pinakita ko yung ginawa kong turon. Tinuturuan nya kasi akong gumawa ng turon.
"Yan! Okay na yan!" Sabi niya saka buhat nung mangkok na punong-puno ng ginawa naming turon. "Ganyan na ganyan din yung gawa ni Yesha nung perstaym nya gumawa ng turon."
"Yesha? Yun po ba yung anak nyo?"
"Oo. Sana maging kaibigan mo yun." Napangiti ako.
Ngayon na kasi yung dinner namin kasama si Tita Esther at Ethan.
Pagkatapos nung nagyari sa bakuran, umuwi na kami ni Ethan. Kinabukasan non, inilibing na yung tatay ni Ethan.
~Flashback~
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...