ETHAN'S POV
Anong ginawa ni X kay Yvanna? Nag-aalala ako. Sobrang nag-aalala. Kahit na nanlalamig na 'yung pagkakaibigan namin 'di ko pa rin maiwasang mag-alala. Kaibigan ko sya simula pa lang nung bata pa kami.
At si X. Si X na nanggugulo samin ngayon. Alam kong nandito sya sa paaralan at alam ko ring estudyante sya. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero ano ba ang masamang ginawa ni Yvanna kay X? At sino si X?
ㅡㅡㅡ
HINDI ko alam ang gagawin. Ngayon ay hawak-hawak ko na ang sobre at naka adress iyon kay Yvanna. Nakabukas ito at malamang may nakakita na ng laman nito. Maaaring may gumalaw na nito.
Tinago ko ito sa aking bulsa. Hindi ako siguradong may nangyaring masama kay Yvanna. Mabuti munang magtanong ako.
Pumunta ako sa gymnasium at saktong break nila. Lumapit ako kay Stacey, ang cheerleader nila.
"Nakita mo ba si Yvanna?" Tanong ko sa kanya. Kailangan kong makasiguro. Baka naman saktong nasa cr lang kanina kaya hindi ko nakita.
"Hindi ko alam eh, hindi nga sya umattend." Nagulat ako sa sagot nya. Nawawala nga sya. Kailangan ko syang iligtas. Kailangan nya ako.
"Thanks." Pagpapasalamat ko na lang sa kanya at umalis na ako. Bumalik ako sa locker room para tingnan ang laman ng sobre.
Itutuloy ko pa ba ito? Andyan naman si Jefferson eh. Eh paano kung hindi ito alam ni Jefferson? Kailangan ko pa ring iligtas si Yvanna. Itutuloy ko 'to.
Tiningnan ko ang laman ng sobre. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ko ang laman. Ang laman ay isang papel. Tiningnan ko ang papel at may nakasulat.
나산 시 이바나? 나사 기린 란드. 가테=옷랄야.
Ano daw? Hindi ko maintindihan. Pero parang familiar ito. Sa tingin ko isa itong writing system ng isang bansa. Teka, ano nga ba 'yun?
Nakikita ko itong mga letrang ito sa mga KPOP cards at posters pati na rin sa mga Koreanovela. Ah! Sa Korea! Ano ngang tawag dun? Wait....hmmmm.
Hangul!
Hangul ang tawag dun! Dahil master ko ang Geography, alam ko ang mga bagay na ito. Susubukan ko itong basahin.
나산 시 이바나? 나사 기린 란드. 가테=옷랄야.
Nasan si Ibana? Nasa Gilinlandeu. Gate=Osralya.
Ano daw? Wala na naman akong naiintindihan. Pero parang may katunog yung mga salita. Gilinlandeu.....Glinlandeu....Glinland.............Ayun! Greenland! Teka, teritory yun ah? Nasa Greenland daw! Weh? Ows di nga?
Tsaka yung isa pa.Ibana. Alam ko na agad ang ibig sabihin, Si Yvanna.
'Yung isa pa! Osralya. Teka, baka teritory din o 'di kaya ay bansa. Osaralya....Osralia.....Ausralia.........Ayun ulit! Australia! Edi ang sabi, Gate=Australia. Ang gate ay Australia? Nukayayun. Ano bang pinagsasabi neto? Bwisit naman. Pinapahirapan pa ako eh.
Teka si Yvanna! Kailangan ko nang magmadali! Baka kung ano nang nangyayari sa kanya. Kailangan ko na sya iligtas.
Isip.....isip.....isip.....
Napatingin ako sa likod ng papel. May nakasulat.
GEO
Geo? As in Geography? So may kinalaman ang ang mga nakasulat sa Geography? Oo, dahil bansa at teritory ang mga iyon. 'Yun lang ba?
Napaisip na naman ako. Gate = Australia. Anong ibig sabihin nun? Formula ba 'yun sa math? Anong ibig sabihin ng gate? Ang gate ay Australia.
Gate....pintuan.....daanan.....pasukan..............entrance.
Ayun! Entrance = Australia. Ha? 'Di ko pa rin maintindihan.
Kailangan ko nang mag-madali. Kailangan kong iligtas si Yvanna.
Ang entrance ay Australia. Nasaan ba ang Australia? Sa pagkakaalam ko, ang Australia ay nasa southeast. Ang entrance ay nasa southeast. Aling lugar ba ang entrance ay nasa southeast? Ah! Alam ko na!
Kaagad akong pumunta sa may canteen. Naka-post doon ang school map. Teka, anong oras na ba? 8:50 na, malapit nang magtapos ang recess.
Tiningnan kong mabuti ang school map. Ang entrance nang school namin ay pareho ng pwesto ng Australia sa mapa. Tapos ang Greenland, nasa kanan ng Canada. Ang Alaska ay nasa north west, at nasa kanan nun ay Canada. Tiningnan ko ulit ang mapa. Bale ang Alaska at Canada ay school library at ang Greenland.....
Janitor's Room!
Kaagad akong tumakbo papuntang janitors room. Ang talino naman ni X, talagang may binigay pang puzzle. Tsk.
Pumasok agad ako doon at bumungad sa akin si Jefferson na tinatanggal ang tali sa mga kamay ni Yvanna.
Salamat Jefferson, dumating ka. Akala ko may nangyari nang masama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Yvanna. Ayokong mawala si Yvanna. Ayokong mawalan ng kaibigan.
"Okey ka lang ba Yvanna? Wala bang nangyaring masama sayo? Sorry kong nahuli ako." Sunod-sunod kong sabi. Nahihiya akong sabihin sa kanya ang mga iyon. Ni hindi ko man lang magawa syang iligtas.
"Mukha ba akong okey? Sa tingin mo okey ako?" Napatingin naman sakin si Jefferson at ngumisi.
Talagang natanong ko pa kung okey sya. Malamang hindi! At dahil yun sakin.
"S-Sorry Yvanㅡ" Napatigil ako dahil bigla syang nagsalita.
"Anong sorry!? May magagawa ba yang sorry mo!? Buti pa si Jefferson may nagawa! Eh ikaw!? Wala eh! Hinayaan mo lang ako!" Nangingilid na ang mga luha sa aking mata pero pinipigilan ko ang pagbagsak nito. Hindi ko alam kung si Yvanna pa ba ang kausap ko. Ang sakit....parang may kumikirot sa dibdib ko. Oo na! Wala ako kwenta! Naiinis ako sa sarili ko.
Umalis na lang ako. Hindi ko na kaya.
Bigla kong nakasalubong si Steph. Nag-aalala ang mukha niya.
"Ok ka lang ba Ethan?" Alalang tanong niya. Buti pa sya, nagawa nyang mag-alala.
"Oo, ok lang ako." Ayun na lang ang nasagot ko.
"Pero hindi eh." Tapos bigla nya akong niyakap. Naging komportable naman ako sa yakap nya kaya niyakap ko na rin sya.
Umalis na kami sa pagkakayakap. "Andito naman ako." Sabi nya sakin. Andyan nga sya pero bakit pa ako habol nang habol kay Yvanna? "Kaya 'wag ka nang umasa pa sa iba."
Bumalik na kami sa room. Lutang ang isip ko buong klase. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari kanina. Sana paniginip lang 'to, o 'di kaya'y isang bangungot.
***
Someone's POV
Hayss! Kawawa naman 'tong si Yvanna. Hahahha! Bagay lang sa kanya 'tong nangyayari sa kanya.
At matalino pala 'tong si Jefferson ah, bravo! Hahaha. Nagtagumpay ako at si Jefferson nga ang nauna.
Si Ethan, medyo mabagal. Teka, papunta na sya sa janitors room! Kailangan ko na ng po corn at manonood na ako ng mini soap opera. Hhaha!
At ayun, nag-aaway si Ethan at Yvanna. Ang sarap nilang tingnang nag-aaway. Para silang dalawang gagambang pinag-aaway sa stick.
At kapag lumayo na ang damdamin ni Yvanna kay Ethan, matutuwa ang mga anak ko. Hahahahhaha!!
***
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...