ETHAN'S POV
At sinampal nya ako....
.
.
SINAMPAL niya ako. Oo, sinampal ako ng librarian na masungit at tsismosa at ganun na din si Yvanna. Parehong lumagitik ang sampal ng librarian sa mga mukha namin ni Yvanna.
Ang sakit nun ha! Hindi ko na lang pinahalata na nasaktan ako sa sampal kahit alam kong namumula na ang pisngi ko.
"Ayan ang para sa inyo! Nilabag niyo ang libarary rule ko na bawal pumasok nang wala ako. Nilabag nyo iyon kaya bagay sa inyo 'yan. At ito ang tatandaan nyo,ㅡ" tapos tinuro nya kami ni Yvanna. "ㅡ ayaw ko na makarating ito sa principal dahil kung hindi, papatalsikin ko kayo rito! Maliwanag?!" Sermon sa amin ng librarian.
"O-opo." Mahinang sagot namin ni Yvanna at nakito kong sumiring si Yvanna.
Lumabas na kami ng library para umuwi. Agad kong nilapitan si Yvanna para mag-sorry.
"Yvanna, sorry nga pala. Kasalanan ko 'to dahil kung hindi kita dinala dito, hindi mangyayari ito." Paghingi ko sa kaniya ng patawad. Kasalan ko ang lahat. Naaawa nga ako sa kaniya dahil sa pagiging desperado ko, napahamak sya. Dapat ako lang ang nasaktan. Kaibigan ko pa rin siya kahit nakalimutan na nya ako. Mahal ko sya bilang matalik na magkaibigan.
"It's your fault! Kasalanan mo ito!" Paninisi niya sa akin. Sa totoo lang, hindi niya ako sinisisi dahil kasalan ko talaga ang nangyari.
Naglakad syang muli at paghakbang nya ay natakid sya sa bato. Napakapit sya sa akin at pati ako ay napatumba. Bumagsak kami pareho sa sahig at ngayon ay.....nakapatong sya sa akin.
Ilang segundo kaming nagkatinginan. Napangiti ako ng nalang ako nang nakita kong namumula ang pisngi nya. Mukhang may gusto ito sa akin ah. Sabagay, isa ako sa mga non-famous na heart throb sa school namin at pamatay din ang cuteness ko. Hahaha.
Bigla uling bumalik ang mukha nya sa masungit at tumayo sya at nagpag-pag. Tumayo na din ako at nagpag-pag. Pinulot ko ang nalaglag na mga gamit niya at ini-abot sa kaniya pero hindi siya nagpasalamat.
Kahit na naging mataray sya sakin, di maiwasang kumambot ang puso ko para sa kanya. Kahit anong mangyari, kaibigan ko pa rin sya.
"Ano 'yung blush mo kanina?" Pang-aasar ko sa kanya. Tapos naging shocked 'yung mukha niya. "May gusto ka ba sakin?"
"A-Ako may gusto sayo?! Mer-Wala!" Tanggi niya. Sus, tatanggi pa sya eh halata namin.
"Ok bye!" Tapos kinindatan ko sya. At ayun, namula na naman 'yung mukha nya at tumalikod at naglakad na paalis. Sabi ko na nga ba eh! Kikiligin sya kapag kinindatan ko sya.
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa kama at humiga. Ang daming nangyari ngayon. Nakita ko na ulit si Yvanna ngunit ang kaso, hindi na nya ako naaalala. Ayaw nyang makipag-kaibigang muli sa akin. Pero ang pinakamatinde, na love at first sight sakin si Yvanna 2.0. Iba talaga kapag gwapo eh. Hahaha ang cute nyang kiligin at asarin. Lalo tuloy akong nagagandahan sa kaniya.
Nakakapagod din sa araw na ito. Sana bukas tanggapin ni Yvanna ang pakikipag-kaibigan ko sa kaniya.
***
Medyo maaga ako ngayon ah. Bago ako umalis ay nag-ayos muna ako ng sarili.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang kanto. Napatingin ako sa relo ko at 5:00 pa lang. Bakit ba ang aga ko ngayon?
Pagkarating ko sa kanto ay may jeep na wala pang laman. Pumasok ako at umupo. Nakakainip naman dito. Kinuha ko muna 'yung cellphone ko at nag-facebook.
Puro mga kahapon pa ang post sa news feed kaya wala akong magawa. Teka, may naisip ako. Tinype ko 'yung pangalang Yvanna Wellerman sa search box. Konting segundo lang ay may lumabas na dalawang Yvanna Wellerman. Nakita ko 'yung mukha ni Yvanna kaya nag-driend request ako dito.
Friend request sent.
Itinago ko na 'yung cellphone ko kasi umandar 'yung jeep. Limang minuto ang lumipas at nasa kanto na ako. Muli akong tumingin sa relo ko at 5:10 pa lang. Medyo madilim dito at walang masyadong tao Naglalakad ako at bigla kong nakita si Yvanna. Tatawagin ko na sana sya pero may nakita akong lalaking naka face mask sa likod nya at may dalang patalim.
Kailangan kong iligtas si Yvanna. Kaibigan ko sya.
Humanap ako ng kahoy sa paligid at maswerte ako dahil may nakita akong dos por dos sa gilid ng kalsada. Pinulot ko ito at tahimik na lumakad papalapit sa kanila.
Aktong hahampasin ko na 'yung lalake nang bigla syang lumingon at hinawakan 'yung kahoy. Kinuha nya iyon at hahampasin na ako ngunit nakailag ako. Sinuntok ko sa mukha 'yung lalake at napangiwi sya. 'Yan ang bagay sayo. Susuntukin ko na sya pero sinipa nya ako sa sikmura.
Ugh! Ang sakit! Napa-upo na lang ako sa sakit. Parang gusto ko nang sumuka. Nakita kong tumingin sa akin si Yvanna at halatang nagulat sya sa nakita nya. Kumuha sya ng kahoy at inihagis sa akin.
Buti na lang at nasalo ko 'yung kahoy. Kaagad kong pinukpok sa ulo 'yung lalaki kaya napahiga ito. Binuhos ko na ang lakas ko sa pagpukpok.
"Ethan! Are you okay!" Tanong niya at lumapit siya sa akin.
"Okay lang ako." Hindi ko pinahahalata na nasaktan ako. Hindi ko dapat ipakita iyon sa babaeng tulad nya.
"T-Thank you." Nauutal na sagot nya at nag-ba-blush 'yung pisngi nya. Teka, kinikilig ba sya?
"Bakit ka na naman nag-ba-blush? Tanong ko sa kanya at ngumisi ako.
"Ahh wala 'yun! Bumangon ka na nga dyan!" Bumangon na ako at pinag-pag ang sarili. Medyo iika-ika akong naglalakad papuntang school at nakaalalay si Yvanna sa akin.
"Yvanna, 'wag mo na akong alalayan. Kaya ko ang sarili ko." Utos ko sa kanya at binitawan nya ako.
"S-Salamat ulit." Sabi nyang muli. Ngayon eh medyo nakakatayo na ako nang tuwid.
"Wala 'yun! Ako pa!" Pagmamayabang ko sa kanya.
Pumasok na kami sa classroom. Nagsimula na ang klase ng mga teacher. Nalaman ko din na kasama si Yvanna sa field trip.
Nung recess ay nakita ko si Yvanna sa isa sa mga table dito sa canteen. Si Andrei naman, ayun, katabi si Lovely at nakikipagtawanan.
Tinabihan ko si Yvanna na kumakain ng spaghetti. Napatingin sya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Ahh ano kasi eh." Napakamot nalang ako sa batok ko. "Diba kani niligtas kita?"
"Yes, I know" Sabi niya at sumubo ulit siya ng spaghetti. Buti nalang at hindi siya nagrereklamo kasi tinabihan ko sya."Pwede bang friends na ulit tayo?" Tanong ko sa kanya ibinigay ko ang aking kamay sa kanya
"Okay" At nakipag-shakehands sya sakin. Yes!
"Yes!" Sigaw ko at napatingin sa akin ang mga tao. Tuwang-tuwa ako dahil magkaibigan na ulit kami.
Ang saya-saya ko ngayon. Sa wakas, magkaibigan na ulit kami. Sa kabila ng pagtatarat nya, magkaibigan na kami. Parang langit yung pakiramdam.
Langit? Teka, iba na yun ah.
Umuwi ako sa bahay namin ng masaya. Teka, bakit ako ganito kasaya? Basta ang alam ko eh magkaibigan na kami.
.
.
At sana maalala na nya ang nakaraan namin.
***
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...