YVANNA'S POV
***
TUESDAY NA.
"Thank you po." Sabi ko nang iabot sakin ni Manang Ethel yung bag ko.
Dumeretso na ako sa garage para makarating ako nang maaga. Kaagad namang binuksan ng driver ko yung pinto at sumakay na ako doon.
Kinuha ko ang earphones ko at cellphone. Magpapatugtog muna ako habang nasa byahe at sinandal ko naman ang ulo ko sa bintana at tumingin sa labas.
Ganon pa rin ang nakikita ko. Mga estudyanteng naglalakad, mga tindahan, at mga tambay.
Pero may isang lalaki na umagaw ng pansin ko. Siguro kasing edad nya lang si Mommy. At familiar sya sakin...
Hindi ko na iyon pinansin at tumingin na lang sa daan. Malapit na pala ako sa school.
~School~
Bumaba na ako at nakita ko naman si Jeff sa gate.
"Hey Yvanna!" Nakangiting bati sakin ni Jeff. Nginitian ko naman sya.
"Kakarating mo lang?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa buliding namin.
"Mmm." Tipid nyang sagot.
"Anong nang nangyari kahapon?"
"Yun. Na-disqualify kami ni Ethan, tsaka friends na kami."
"Good." Nakangiting sagot ko.
Umakyat na kami papasok sa room at syempre, maingay nanaman. Dumeretso na kaming dalawa sa kanya-kanya naming upuan.
"Good morning Yvanna!" Bati naman sakin Lovely.
"Good morning Lovely!" Bati ko sa kanya. "Musta ang love life??" Nanunukso naman ang tingin ko sa kanya.
"Eto, masaya pa rin. Hehehe!" Kinikilig na sagot nya.
Napalingon naman ako sa likuran at nakita ko doon sina Jeff, Ethan, at Andrei na nagkwekwentuhan.
"Love life!!" Napalingon kaming dalawa ni Lovely sa sumigaw na yon. "Love life is life!" Sigaw ulit ni Steph na bagong dating pa.
"Late ka na bes!" Sabi ni Lovely.
"Thirty minutes pa bes!" Sabi nya na binababa ang bag. "Ang advance mo mag-isip."
"Joke lang naman." Si Lovely. "Ay oo nga pala, may kukuhanin pa akong mga portfolio sa faculty. Yvanna, samahan mo ko." At lumabas na kami ng room.
Pagkakuha ng mga iyon ay agad na kaming bumalik.
"Uy Yvanna alam mo--"
"S-Sorry! Sorry!" Sabi nung lalaking nabangga nya. Pinulot namin isa-isa lahaaaat ng portfoliong nalaglag.
Hanggang sa iisang portfolio nalang....at sabay nila iyong nahawakan. Nakatingin sila at saka binigay noong gwapong lalaki yung portfolio kay Lovely.
"Sorry talaga Miss." Paumanhin nito.
"Okay lang."
"Ako nga pala si Gerard. Grade 10 student." Sabi nya at inilahad ang kanyang kamay kay Lovely.
At eto ako ngayon, gulat na nanonood sa kanila!
"A-Ahhh...Lovely...G-10 din." Nakangiting sabi nya. "Mauna na kami."
"Ingat ka Miss."
"'Wag kang mag-alala kasi hindi naman lampa 'to at nandyan naman ang 'boyfriend' nya para sa kanya. Bye!" Banat ko pa saka sumunod kay Lovely.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
RomanceCOMPLETED STORY Muli pa kayang maibabalik ang nakaraan? At kung maibabalik iyon, ano nga ba ang sasalubong sa kanilang kapahamakan? Samahan sina Ethan at Yvanna na halungkatin ang nakaraan na nanatiling misteryo sa halos isang dekada. THIS IS THE ST...