Kabanata 23

1 0 0
                                    

ETHAN'S POV

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko pagkalabas namin ng gate.

"Doon sa may bakanteng lote." Tipid nyang sagot. Naintindihan ko naman agad ang ibig nyang sabihin.

Habang naglalakad, di ko naiwasang magtanong. "Ano bang nangyari?"

"Ha?"

"Ang naalala ko kasi, gabi noon. Yun yung gabing nalaman namin yung aksidente. Pumasok na ako sa kwarto ko saka nagbihis, tapos bigla nalang kitang niyakap." Di ko napansin ng lumipas na pala ang mga araw.

"Wala kang naalala?" Taka nyang tanong.

"Wala eh. Parang kanina lang, kakabihis ko lang tapos bigla ka nang nasa tabi ko."

"Ahh...ganito kasi yun. Kinuwento sakin ni Tita na nung nalaman nyo sa salas ng bahay nyo yung nangyari, pumasok ka daw sa kwarto mo tapos ilang araw ka raw nagkulong doon. Naka-lock daw yung pinto mo kaya iniiwanan ka nya ng pagkain sa labas."

"Tapos sobrang gulo pa nung kwarto mo. Yung kama ang gulo tapos kalat-kalat yung mga libro mo." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Weh?"

"Oo nga."

"May nasirang libro?"

"Wala naman. Tapos niligpit ko yung kwarto mo." Parang bigla akong nahiya dahil sya pa ang naglinis ng mga kalat ko.
"S-Salamat ah." Nakayuko kong sabi.

"Wala yon. Para sa bestfriend ko. Mas cute ka pala kapag naiyak no?" Napa-pout ako.

Sumeryoso ako. "Salamat talaga Yvanna. Andami mo nang ginawa para sakin. Nung una nang namatay si Andrei tapos sunod, ngayon. Promise, babawi ako." Nakangiti kong sabi.

"Oh, andito na pala tayo."

Napatingin ako sa harapan namin. Bumungad samin ang napakalawak na madamong lupain na may mangilang-ngilang puno ng mangga.

"Lakas maka-throwback ng lugar na 'to." Dito kasi kami laging naglalaro ni Yvanna kasama yung iba pa naming kaibigan.

"Bili tayong ice cream oh." Turo nya doon sa sorbetero na nasa isang tabi. Lumapit kami doon para bumili.

"Oh! Ineng at Utoy! Kayo pala iyan! Natatandaan nyo pa ba ako?" Masayang sabi ng sorbetero.

(Ineng at Utoy po ang tawag ng mga matatanda sa mga bata o binata/dalaga o kahit sinong nakababata sa kanila sa Batangas. Ineng po sa babae at Utoy sa lalaki.)

Tinitigan kong mabuti yung mabuti yung sorbetero. "Kayo po ba yung lagi naming binibilha ni Yvanna?"

"Aba, eh ako nga iyon!"

"Kayo rin po ba yung binilhan ko ng ice cream bago ako pumunta sa US?" Tanong ni Yvanna.

"Ey ako rin iyon!" Napatingin sya saming dalawa saka napangiti. "Nakakatuwa naman at kalalaki na ninyong dalawa! Aba'y hinde ko akalain na kayo ang magkakatuluyan eh!" Nanlaki yung mata ko. Napatingin ako kay Yvanna at gulat din sya.

"A-Ah..eh...hindi ko po sya girlfriend. Magbestfriend lang po kami." Paliwanag ko pa.

"Hay naku utoy! Bagay pa naman kayong dalawa! Basta, kapag niligawan mo iyan, lumapit ka lang sakin ah! Tuturuan kita!" Natawa nalang ako sa sinabi ng matanda. "Ay oo nga pala, ang pangalan ko'y Mang Berto. Eh kayo, Ineng at Utoy."

"Ako po si Ethan tapos sya po si Yvanna." Turo ko kay Yvanna.

"Bibili ga kayo?" Nakangiti nyang tanong kaya bimili na rin kami ni Yvanna.

"Kaka-miss din tong sorbetes." Sabi ni Yvanna habang naka-upo kami dito sa damuhan habang kumakain ng ice cream na nasa apa.

"Nakaka-miss rin yung sabay tayong nakain ng ice cream dito mismo sa kinatatayuan natin." Napatingin kami sa isa't-isa nang may ngitit sa labi. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa nang mapansing may ice cream sa gilid ng labi nya. "Lalong lalo na yung naliligaw ng ice cream dyan sa gilid ng labi mo." Natatawa kong sabi habang pinupunasan yung gilid ng labi nya.

My Heart Still Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon