Part 6

1.4K 25 4
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

-------------------------------

Pakiramdam ko ay sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa narinig na tanong niya. Iyon bang feeling na trinaydor ka; na pagkatapos ng lahat na nangyari sa inyong dalawa at sa naging dulot nito sa iyong pagkatao, tatanungin ka na lang ng "Kilala ba kita?"

Napako ang mga tingin ko sa kanya, nagbakasakali na bawiin niya ang kanyang tanong at sabihin sa akin na nagbibiro lamang siya. Ngunit napako rin ang tingin niya sa aking mukha na tila pinanindigan talaga ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig at hinintay kung ano ang aking isasagot.

Sa puntong iyon ay hindi ko na nakayanan pa ang sarili. Tumalikod na lang ako at nagmadaling tinumbok ang isang mesa sa isang gilid ng restaurant at umupo ako doon.

Sinundan niya ako, hinayaang ang mga crews ng fastfood chain ang maglinis sa nagkalat ng pagkain at softdrinks sa sahig. "Hey... sorry. Hindi ko sinadyang masagi ang pagkain mo." Sabay bitiw ng isang ngiti. Iyon bang parang ipinarating sa akin sa ngiti niyang iyon na ok lang ang lahat, walang problema.

Ngunit hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti. Bagkus, binulyawan ko siya. "Palitan mo iyon! Nagugutom ako!"

Nakita kong sinensyasan niya ang isang lalaking crew at pinalapit. Noong nasa harap na niya, "Ricky, paki-dalhan mo nga kami rito ng dalawang spaghetti, dalawang hamburgers, dalawang iced tea, dagdagan mo na rin ng fries..." ang utos niya.

"Yes sir." Ang sagot naman ng crew. Pansin kong casual lang na sinabihan niya ang crew na iyon at tinawag pa sa kanyang pangalan. At napansin kong hindi rin siya nag-abot ng pera. Nungit inisip ko na lang na baka kilala lang siya sa restaurant na iyon o baka puwede rin ang ganoon sa kanilang chain na mag-order lang muna atsaka na ang bayad.

"Bakit dalawa ang inorder mo? Hindi naman ako ganyan ka gutom!" bulyaw ko uli sa kanya. Inisip ko kasi na para sa akin ang lahat nang iyon.

"Eh... ayaw mo bang sabayan kita sa pagkain? Gusto ko lang makabawi, manghingi ng sorry."

"O, e di mag-sorry ka. Problema ba iyan." Ang pabalang ko pa ring sabi, ang mukha ko ay nakasimangot pa rin.

Tinitigan niya ang mukha ko. "Galit ka pa rin eh..."

"Galit ka pa rin eh..." ang lihim at pabulong kong paggagad sa kanyang sinabi. "Syempre galit ako! Gutom na gutom ang tao eh, napurnada ang aking pagkain dahil sa katangahan mo."

"O sya... tanga na ako kung tanga. Huwag ka na lang magalit sa akin please..."

"Huwag ka nang magalit please..." ang lihim kong paggagad uli sa sa sinabi niya.

"Ok... kain na tayo." Ang sambit din niya noong inilagay na sa mesa namin ang pagkaing inorder.

Noong nakita ko ang pagkaing inilatag ng crew, walang pasabing kumuha na ako atsaka kumain na hindi man lang siya pinansin o inanyayaan. Parang wala lang akong kasama. Syempre, inis na inis pa rin ako dahil hindi pa rin niya ako naalala. Nakayuko lang ako at walang imik na kumain. Kumain na rin siya.

"Alam mo, parang kilala kita..." ang pagbasag niya sa katahimikan.

At doon na ako nagreact. "Hindi mo ba talaga ako kilala? Pagkatapos ng lahat, heto sasabihin mo sa akin na parang kilala mo lang ako?!"

Kitang-kita ko ang pagkabigla niya. Lumingon siya sa paligid, tiningnan ang mga taong napalingon din sa kinaroroonan namin dahil sa lakas ng aking boses. "W-wala akong natandaan talaga eh! Sino ka ba?"

"Si YAK??? Hindi mo na siya natandaan? Hindi mo natandaan ang batang kinantahan mo bago mo siya iniwan sa bus station? Hindi mo natandaan kung bakit Yak ang tawagan natin?!!!"

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon