Part 17

1.1K 20 4
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

------------------------------------------

Halos mawalan ako ng malay sa pagkarinig sa sinabi ng preso at sa pagturo niya sa akin na ako ang mastermind sa pagpabaril kay Sophia. Ang preso kasi na iyon ay ginawa na nilang testigo kapalit sa pag-amin nito sa krimen at sa pagturo sa kung sino talaga ang mastermind.

At sa galit ko ay bigla akong napatayo at sinigawan ang preso. "Sinungling kaaaa!!!"

Nagkagulo ang mga tao sa korte. Syempre, naroon ang mga kaibigan namin ni James at silang lahat ay umalma.

"Order in the court! Order in the courtttt!" ang sigaw ng judge.

Umupo akong umiiyak. At noong natahimik na ang lahat. Sumigaw muli ako sa judge. "Hindi po totoo ang sinabi niya, judge! Nagsinungaling po siya!" ang bulalas ko habang pinigilan naman ako nina James at ng abogado namin na huwag munang magsalita.

"Silence!" ang sigaw sa akin ng judge. At baling niya sa abugado ni Sophia, "Please proceed with your cross-examination"

"Inuulit ko ang tanong ko... siya ba?" turo uli ng abugado sa akin.

Ngunit doon kami nagulat nang ang isinagot ng preso ay, "Hindi po siya, your honor. Ang katabi po niya, iyang nakasuot ng kulay asul na t-shirt."

Napalingon kaming lahat sa itinuro ng preso: Si James!

Kitang-kita ko sa mukha ni James ang matinding pagkagulat sa narinig. "B-bakit ako???" ang tanong na lumabas sa kanyang bibig habang galit na galit na tiningnan ang testigo.

Ako man ay nalito rin, hindi makapaniwalang si James ang itinuro. "Totoo ba Yak???" ang lito at pabulong kong tanong.

"Hindi ah! Hindi ko kayang magpapatay ng tao Yak!" sagot din niyang pabulong, halata sa kanyang mga mata ang matinding pagkagulat.

Nagbubulungan uli ang mga tao, hindi rin sila makapaniwala sa narinig. Syempre, ang alam nila kay James ay napakabait na tao nito at alam din nila na kakakasal pa lamang niya kay Sophia bagamat si John na kamabal niya ang naikasal kay Sophia.

"Bakit ako? Hindi kita kilala bakit mo ako idinamay dito?" ang sigaw uli ni James sa preso.

Ngunit hindi siya sinagot ng preso.

Agad lumapit ang pulis kay James at akmang posasan na ito noong nagsalita naman ang abugado namin. "Your honor, bago po ninyo siya gawing suspect at ikulong," turo niya kay James "...I would like first to cross-examine the witness of the prosecution."

Tiningnan ng Judge ang abugado ni Sophia na agad ding tumango at pumayag.

Tumayo ang abugado namin at tinumbok ang witness stand. "Kilala mo ba talaga ang taong itinuro mo na siyang nag-utos sa iyo na barilin si Sophia?"

"Opo."

"Gaano mo siya kakilala?"

"Chief namin siya."

"Chief ng...?"

"Chief, leader, sponsor, kuneksyon, nagbibigay ng pera, nag-uutos."

Bulungan uli ang mga tao. Ako man ay hindi masyadong naintindihan kung paanong naging sponsor siya ng mga masasamang-loob. At doon na pumasok sa aking isip ang "Chief" na sinabi niya na nagpo-protekta sa akin daw. Napaisip ako sa puntong iyon. Para kasing mafia ang dating o isang underground na grupo.

Nakita ko namang napangiwi si James sa mga pinagsasabi ng preso, napakamot sa ulo, hindi malaman kung bubulyawan ang preso o susugurin at paulanan ng suntok ang bibig.

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon